Luna Nieves Pov.
(The girl I Love)
K I N A B U K A S A N ...
Gumagawa ako ng paboritong kape ni sir kaiser, Iyong matapang ang nais niya, walang gatas o halong krema man lang. Mabuti na lang at kahit papaano ay alam 'kong timbangin ang lasa ng asukal at kape, Kung dati kasi ay so-sobra sa tamis ang timple ko, kaya mas nais ko pa ang tsokolateng mainit kung minsan.
Papasok na ako sa opisina dala ang kape, hindi ko maiwasang mapaisip habang naglalakad, hindi natuloy ang lakad namin kahapon. Nakakapagtaka lang na na-flatan si sir, dalawang gulong pa mismo. Ang ending ay bumalik na lang kami sa trabaho, ang mas ikina-pagtataka ko pa ay nawala na lang na parang bula si miguel, kung minsan ay para siyang kabute, iyong tipo na bigla na lang sumusulpot kung saan, pero magaling din umiskapo ng mabilisan.
Bilib talaga ako sa kanya, mapatunayan ko lang na gawa-gawa niya lang ang pagkaka-roon ng amnesia ay malalagot talaga siya sa' kin.
Nakangiti si sir kaiser ng matuluyan ko ang silid, inilapag ko ang kape niya. Nakangiti pa rin ito.
"Your blooming today.." humihirit na naman ang australliano, Naiiling ako. Hindi ko kayang sabayan ang kapilyuhan niya. "Can I ask you something?" muli ay nagsalita ito, patanong na iyon, tumango ako habang nasa gilid ng mesa.
"Anything sir.."
"Do you have any hang-out tonight?" umiling ako sa tinanong niya, wala naman na akong lakad, lagi naman. Simula ng makauwi ako ng manila ay laging nasa bahay lang ako nila vivian.
Malaki na talaga ang pinag-bago ko, Ang dating laman ng bar ay nasa bahay na lang, Hindi ko alam na mas makakagaan at payapa kung matutulog ka na lang ng maaga, iyong 'bang pag-gising mo ay walang sakit sa ulo, kumbaga hangover.
"I prepared to go home early, sir.." tumango-tango ito, batid ko ay may nais itong sabihin, ina-abangan ko na kung ano iyon.
"If your free tonight, Can you be my partner for MEC party this evening.." naituro ko ang sarili ko, nagtataka pa ako sa sinabi niya, MEC?
Monteclaro Empire Company.
D*mn, Hindi maaari. Naroon siguro ang mga monteclaro, lalo na ang lalakeng iyon. Siguro ay tatanggihan ko muna ito ngayon.
"Sir, I can't come with you tonight.."
"Please, luna..." nagmamakaawa na ang tinig niya, wala akong magawa kundi bumuntong hininga. "Can you consider it as a gift, Belated gift for me.." tuluyan na akong walang nagawa, pagbibigyan ko na naman ba siya?
Kung sakali man na naroon si miguel ay bakit hindi ko ito hayaan, siguradong may date na rin ito, malay ko ba na kasama niya na ang morenang empleyado rin dito, Huh! Tama, bakit hindi ako sasama sa kanya? Malay ko dito ko na talaga mapatunayan na wala siyang amnesia, Tingnan lang natin kung hindi ka makatiis.
Alas diyes ng umaga ay dumating ang lalakeng iniisip ko pa lang kanina, syempre narito siya upang pirmahan ang kontratang pinag-usapan nila, nagtataka talaga ako kung bakit paparenovate niya ang bahay nila? Anong meron, Ipapataas niya ba iyon lalo? Pagagandahin o titibagin at magtatayo ng bagong bahay?
Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip, Masubukan ngang pumunta doon isang araw.
"How much the cost if I move the treehouse?" napalingon ako sa kanila, Nakaupo ito sa nakalaan na upuan para sa kausap ni sir, habang si kaiser ay nasa swivel chair niya.
Treehouse?
Iyon ang may punong bahay na pinuntahan namin noon, Anong gagawin niya doon? Ipapasira niya ba! Matindi na talaga ang tama niya sa ulo!
BINABASA MO ANG
Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETED
RomanceMay isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila isang araw sa airport at aksidenteng nagkabanggaan. Kapwa nahulog ang kanilang cellphone na may pagkakahawig ang unit. Nawaglit sa paningin...