Chapter 46

328 14 0
                                    

Chapter 46

🚫Matured Content🚫

Luna Nieves Pov.

Maalwalas na parke ang siyang sumalubong sa 'min, tanaw ko sa kalayuan ang mga rides na pweding sakyan kahit ngayong umaga. Mga palaruan na hindi nalalayo sa kinatatayuan namin, maganda nga ang view dito. Ngunit ng magawi ang paningin ko kay selena na naunang naglakad patungo sa nagtitinda ng cotton candy.

Napaismid ako sa inasal niya, Panira ng view ang babaeng ito.

"Miguel, Do you want this?"

"No, thanks.." tugon ni miguel, bumaling ito sa 'kin.

"How about you?"

"What about me?" tanong ko, nilingon niya ang nagtitinda.

"Do you want too?"

"Tch, Hindi. Diba masyadong matamis iyon, Tiaka puro hangin lang yan.." tumango siya, palibhasa kasi puro hangin na ang nasa ulo ng babaeng 'yan.

"Sasakay ba tayo, miguel?" magiliw na tanong nito ng makalapit, may hawak na siyang cotton candy habang tanaw ang vikings.

Nilingon niya akong muli "Gusto mo doon?"

"Kayo na lang, masyado iyang mataas.."

"Okay, Samahan mo ako miguel ha." ani selena, hindi ito sinagot ni miguel kaya pinangunutan ko siya ng noo.

"Masyado 'pang maaga.." sagot niya, nilibot ko ang tingin. Kahit maaga pa ay meron ng tao, Basa ang sahig at lupa na nakapalibot dito sanhi ng malakas na pag-ulan kanina.

"Pero may sumasakay na, Tara.." hinila niya si miguel tangay patakbo sa harap ng ticketboot, walang emosyon akong sumunod habang nakatingin sa kanila ang ibang tao na nakapila.

"Hes cute, Right?" bulong ng babae na nakapila, ngunit dinig ko iyon dahil medyo nalalapit ako sa kanila habang sila ay malapit sa ticketboot at tinitingala ang vikings na halos kaka-operate lang.

"Yeah, I know him. His miguel sandoval, Ka-batch mate ko siya noong kolehiyo.."

"Yiee, Really?."

"Yes, Isa ako sa mga humanga sa kanya. Pero mukhang may girlfriend na ito.." napairap ako dahil sa sinabi nila, nakatingin sila kay miguel na walang pakealam sababaeng napapalingon sa kanya.

Ang gwapo nga naman niya, Ngunit nandito ang girlfriend niya. At hindi 'yang babaeng 'yan.

Luminga siya sa paligid, At ng magawi siya sakin ay lumapit ito. Dinig ko ang hagikgikan ng dalawa ngunit natigil din sila ng sa akin mismo ito lumapit.

"Mygod akala ko ako ang tinitingnan niya." naghihinayang na wika ng babae, hindi ko na sila nilingon.

"Ang ingay mo pa naman kanina, Nandito pala ang tunay na girlfriend."

"Oo nga, baka kapatid niya iyong kanina." bulungan pa nila, hindi iyon pinapansin ni miguel. Nakatingin lang ito sa' kin na akala mo' y ako lamang ang tao rito.

Kung sabagay, May pagka-cold naman ang personality niya. Sa pagkakakilala ko ay wala siyang pakealam sa mga bagay na nasa paligid niya.

"Are you afraid in heights?" bigla ay tanong nito, umiling ako.

"No, Im not.." sagot ko, hindi ako takot diyan. Ang pinangangamba ko lang ay baka buntis ako, What if bigla akong duguin sa sobrang taas.

Ayokong mag-alala si miguel.

"So, lets take a ride?"

Umiling ako "Samahan mo na lang si selena.."

"I can't leave you here.." salubong ang kilay na aniya, lumingon ito sa paligid. At doon may tatlong grupo ng kalalakihan ang nakatingin sa' kin.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon