Chapter 36

336 13 0
                                    

Chapter 36

Luna Pov.

Madilim na ng maisipan kung umuwi,
Nag-dadalawang isip pa nga ako kung uuwi ako o hindi, pero kalaunan din ay napag-isip kong umuwi na lang.

Nahihiya rin naman ako sa parents ni vivian, Lalo na't pag naaalala ko ang nangyari dalawang taon ng lumipas. Halos ayaw na nilang palapitin sa akin si vivian noon dahil maimpluwensya daw akong kaibigan. Halos party lang at barkada daw ang alam ko, 'yung tipong napapasok pa ako sa gulo.

Kaya ang ending pinadala ako ni mommy sa france, Halos dalawang taon akong nagmukmok doon dahil sa sariling kalokohan.

"Ingat sa pagmamaneho." saad ni vivian, Nasa tapat siya ng gate habang ako ay papasok na sa kotse.

"Salamat, next time ulit." ani ko, tumango siya.

"Message mo ako pag nakauwi ka na, okay?"

"Okay." Nginitian ko ito bago sumakay sa driver seat, binuhay ko ang makina at bumusina bago tahakin ang daan pauwi.

Habang nagmamaneho hindi ko maiwasan mag-isip kung nasa bahay na ba si miguel ngayon, pero sabi niya naman kanina ay hihintayin niya ako sa bahay. Hindi ko nga lang alam kung totoo.

D*mn.

Mukhang pinagdududahan ko na yata ang boyfriend ko.

Kasalukuyan akong paliko papunta sa daan kung saan ang bahay nila miguel ng mapansin ang kotse sa rear view mirror, sa totoo lang ay kanina ko pa napapansin ito sa likuran ko ngunit pinag-sawalang bahala ko lang. Pero iba na ngayon dahil lumiko din siya sa pupuntahan ko.

Binilisan ko ang pagpapatakbo upang medyo dumistansya dito ngunit ganun rin ang ginawa niya kaya medyo kinabahan ako. Dinoblehan ko ang bilis pero bigla itong nag over-take.

Halos masubsob ako sa manubela dahil sa biglaang pag-preno, Napaayos ako ng upo at salubong ang kilay na sinipat ang itim na kotse.

Problema nito?

Kahit kinakabahan ay lumabas parin ako upang lumapit sa kotse, nang makalapit ay malakas kong kinatok ang bintana. "Balak mo bang magpakamatay!" sigaw ko, ngunit hindi man lang ako pinagbuksan.

"Kung magpapakamatay ka wag muna akong idamay!" asik ko, akma na akong tatalikod ng bumaba ang bintana. Nanlaki agad ang mata ko.

"Luna." baritonong ani nito sabay labas ng kotse. Napamaang ako sabay hakbang paatras.

"J-jasper?" utal kong turan, nginitian niya ako.

"A-anong kailangan mo? b-bakit mo ako sinusundan?" tanong ko na hindi halos maibigkas ng maayos, hindi ko maitago ang takot sa kaharap dahil sa nakaraang nangyari.

"Luna let's talk." sinubukan niya akong hawakan ngunit malakas kong tinabig ang kamay nito.

"DON'T TOUCH ME!" Bulyaw ko, puno ng pagkamuhi. "Wag kang lalapit!" dinuro ko pa ito.

"Wala akong gagawin masama sa'yo."

"Sinungaling!" Humakbang siyang muli sakin, pilit akong hinahawakan ngunit umiiwas ako.

"Hihingi lang ako ng tawad sa nagawa ko." anas nito, muli ko na naman nakikita ang jasper na nakilala ko noon sa inaasta niya, pero ayoko ng maloko sa isang katulad nito.

"Hindi ko intensyon na gawin iyon, I'm so high that time please listen to me." natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Ang kapal mo!" singhal ko, lumamlam ang kanyang mata pero hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. "Sa tingin mo ganon lang kadali magpatawad? Manigas ka!"

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon