Chapter 60

420 14 0
                                    

Chapter 61

(Strawberry taste)

Luna Pov.

Wala pa ako sa wisyo ng makauwi sa bahay nila vivian, Suot ang isang sandal ay tumakbo ako paakyat sa hagdan patungo sa silid na nakalaan para sa' kin.

Binuksan ko ang kwarto, pumasok ako sa loob at pabagsak na naupo sa kama.

"Ang lakas ng loob niyang halikan ako!" angil ko sa sarili, kinagat ko ang pang-ibabang labi, wala sa sariling hinawakan ko iyon at muling naalala ang nangyari kanina lang.

"D*mn you, Sandoval!" pumikit ako ng mariin, hinagod ang sariling buhok at pilit winawaksi sa isipan ang pamilyar na senariong iyon.

Ang labi niyang kay tagal ng muli 'kong mahalikan 'uli, Hindi ko pa limot ang mga ilang beses na halikan namin noon, bawat nakalipas na araw ay gumigimbala talaga iyon ng matindi sa' kin.

Bakit ba nakapa-lupit mo, ganito na ba talaga ang iniwan 'mong epekto sa' kin?

Tumayo ako, hinubad ko ang suot na sandal at dumiretso sa loob ng banyo, Binuksan ko ang shower. Tulala ako habang hinuhubad isa-isa ang saplot na meron ako, matapos ng nangyari kanina ay hindi ako agad nakapag-salita, Nalilito akong bumaba ng kotse kahit nasa gitna kami ng kalsada.

Malakas ang loob 'kong nag-papanggap lamang ang miguel na 'yon, Ang kapal niya lang para mag-inarte na nawawalan na memorya.

Pambihira siya!

Matagal bago ako lumabas ng banyo, nagbabad ako ng sobra upang magising ang diwa ko na tila natulog kanina, Suot ko ang puting roba ay naupo akong muli sa kama, Alas sais 'trenta na. Ilang oras na lamang ay mag-uumpisa na ang pagsasalong gaganapin mamaya.

Sigurado't akong tatawag mamaya si kaiser sa' kin, malamang na may numero ako sa kanya, Nasa papel lahat ng impormasyon ko, nangunguna na doon ang numero 'kong ginagamit.

Naglakad ako palabas ng silid, wala pa sila mommy ngayong oras, Abala na naman sila sa trabaho. Napabuntong hininga ako habang tinatahak ang kwarto ni vivian, narito na kaya siya?

"Vivian?" kumatok ako saglit sa pintuan ng kwarto niya, dumaan ang ilang segundo ay walang sumagot. Hindi pa ba ito nakaka-uwi?

Bumalik ako sa kwarto, kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero nito. Naka-ilang ring lang ako ng sagutin niya na agad iyon.

"Im going home now, Do you want anything?" ito agad ang sinabi niya, hindi pa man ako nakakapag-salita ay may tanong na.

"Can you borrow me a casual dress?"

"For what?"

"Im attending party tonight, I dont have dress to wear.."

"Oh, Sure, Wait me there.." binaba na nito ang tawag, habang hinihintay ito ay pinatuyo ko na ang aking buhok, napansin 'kong masyado ng mahaba ito. Oras na ba para putilin ko? Ngunit para saan, Baka isipin pa ng lalakeng iyon ay nagmomove-on pa ako sa kanya, ganun kasi ang meaning ng pag-puputol ng buhok sa mga mayayaman, you need to cut your hair for moving on and make a new chapter in life.

Nagpakawala ako ng mababaw na hininga, kahit anong gawin 'kong pag-uumpisa sa buhay ko ay ganito parin ang nangyayari, bawat pahinang inu-umpisahan ko araw-araw ay sa nakalipas parin ako bumabagsak, tila ang kapalaran ko ay hindi nais lubayan ang nakaraang meron ako.

Natapos ako sa pag-aayos ng buhok, Dinesenyo ko iyon sa kulot na ayos, hindi naman gaanong mahaba kung titingnan na ngayon. Napapatitig na lang ako sa repleksyon ko sa salamin, Wala man lang nagbago sa' kin. Samantalang sa lalakeng iyon ay marami, mas lalo pa yata itong kumisig kung titingnan.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon