chapter 63

444 15 0
                                    


Chapter 65

Luna Pov.

(Clingy Lover)

Payapa ang mga lumipas na araw, Masasabi 'kong magaan ang loob ko sa bawat araw na nag-daan. Ang mga nakalipas na nangyari ay ibabaon ko na lamang sa limot, Nakaraan na iyon. Ang nakaraan ay hindi na kailanman maibabalik, Wala ng magagawa nino man ang taong pilit binabalikan ang masasakit na nakalipas. The right thing to do is make a new life, creat again a happy memories with your love. Meron talagang panahon na susubukin ka ng tadhana, Ngunit ng subukin ako nito ay naging mahina ako. Hindi ako lumaban, masyado akong nagpatinag at naging mahina sa bawat hampas ng kapalaran sa' kin, Ang pagsubok ay isang pagsubok lamang, lahat ay magiging maayos at maayos sa bandang huli kahit na gustuhin mo man o hindi.

"What are you thinking?" nilingon ko si daddy ng magsalita ito, nasa likuran bahay kami nila vivian, nakaupo sa lamesa na narito sa hardin.

Nginitian ko ito "I just find a peaceful place here, Iniisip ko lang na nakapayapa ng umaga ngayon.." tumango ito, naupo siya sa isang silya na may dalang tasa.

"Yeah, Im planning to make a garden like this.." aniya, nasa paligid ang tingin. "Babalik na tayo bukas sa mansion.." nangunot ang noo ko, paano kami makakabalik kung hindi pa kami fully paid?

"Kalahati pa lang ang naibabayad natin, dad.."

"I know, naka-usap ko si Reposposa, iyong abogado ni Mr'alvarez. Ipinapahatid nito na maaari na tayong lumipat, hindi na natin kailangan munang problemahin ang kulang.."

"P-pero dad.." angil ko agad, hindi pwedi iyon. Dapat ay maibalik ang kalahating halaga ng perang ibinigay niya. "Nakakahiya kay Mi-- M-mr A-alvarez.." muntikan ko 'pang maibigkas ang pangalan nito, kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Ano ba kasi itong palabas na ginawa niya.

"Ibibigay natin ang kulang, pumayag ang buyer na hulugan iyon.." ngumuso ako, hindi ba nila alam na si miguel 'yung buyer.

Paano kaya kung malaman nila?

Hindi na siguro mahalaga iyon, baka ika-tuwa pav nila kung sakali man. Botong-boto kaya sila sa Mr ALVAREZ na yon tsk.

"Sinabihan ako ng abogado kahapon, Pinapabalik ka ni Mr alvarez ngayon, hindi ko lang natanong kung bakit.."

"Ngayong araw mismo?"

Tumango ito. "Isasabay kita pag umalis ako, maghanda ka na.." ngumiti ito sa' kin bago tumayo upang maglalakad papasok, Ano naman kaya ang kailangan niya ngayon? Pinapapunta pa ako doon. Tsk!

Tumayo na rin ako, Habang naglalakad pataas sa kwarto ay iniisip ko kung ano na naman ang pag-uusapan namin, naiinis pa naman ito sa' kin noong huli kaming nagkita. Gustuhin ba naman niyang manatili muna ako sa mansion at hintayin siyang umuwi, ngunit syempre ay tumanggi ako. Inalok niya pa akong sumama sa pupuntahan niyang pulong ukol sa bussiness partner niya daw. Pero tinanggihan ko rin ang alok nito, anong gagawin ko doon? Isipin pa nila na binabantayan ko siya, palagay ba niya makakapag-usap sila ng maayos kung naroon ako? Malaki talaga ang tama niya sa ulo.

Nagtungo ako sa kwarto ni vivian, wala na naman siya. Sanay na sanay na ako sa ganitong bungad na araw.

Aalis ang isa, Uuwi ang isa. Magkaka-salisihan man sa pag-uwi ngunit magkikita rin pagsasapit ang hapunan.

Kinuha ko ang damit na napili. Naglakad ako palabas patungo sa nakalaang kwarto. Pumasok sa banyo dala ang damit at walang inaksayang oras para maligo.

Nakapaghanda na ako para sa pag-alis, bumaba ako sa living room at doon nakita ko ang bihis na si daddy. Nakangiti ko itong nilapitan, gumanti siya ng ngiti bago pasadahan ng tingin ang mukha ko.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon