Chapter 33

369 15 0
                                    

Chapter 33

Hinihingal akong pumasok sa kusina kaya napabaling sa akin si tita, Nagtataka itong tumingin kaya kinalma ko ang sarili at huminga ng malalim.

"May sasabihin ho kayo tita?" pauna ko, humugot ako ng upuan at doon naupo sa tabi niya.

"Iniwan mo si miguel?" tanong nito, hindi pinansin ang sinabi ko.

"A-ah, p-ppumunta na siya sa kwarto niya may g-ggawin daw." nauutal na sagot ko, hindi makatingin ng diretso.

"Hmm ganun ba?" nakangusong ani nito, mukhang nalungkot. "Pasensya na hija, Dapat tinuloy niyo na yun e."

"Ho?!" gulat kong tanong,

"Oo hija, May apo na sana ako." nanatili akong nakatingin, pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon.

"W-wala naman po kaming ginagawa." pag-tatanggi ko pa, natawa ito kaya hindi ako makatingin lalo.

"Sus, pinag-daanan ko na yan.." tawa niya pa at naiiling na nagtungo sa ref. "Kabataan nga naman." bulong niya bago buksan iyon, pagharap niya ay may dala na itong cake.

"Ipapatikim ko sana sayo 'to, kaso lang hindi ko alam na nandoon pala si miguel." nakangisi ito ng ilapag niya ang cake sa lamesa, Napatingin pa ako sa tatlong maid na nasa gilid pala. Hindi ko man lang sila napansin,

"Si miguel talaga, hindi man lang marunong maglock." naiiling na ani niya pa, hindi naman ako makasagot dahil alam kong nakita niya kami kanina.

Hindi na ako makakatanggi.

"Gusto niyo po ng juice?" tanong ng isang maid, habang abala si tita sa pag-slice ng cake.

Tumango lang ako kaya sinalinan niya ako sa baso, "Thankyou." anas ko, nilapag naman ni tita sa harap ko ang isang platito.

"Miguel and you getting closer I think." ani niya at naupo sa bakanteng upuan, malapit sakin.

"Ahm yes po, kahit naman masungit siya nagkakasundo naman kami." natawa ito sa sagot ko,

"Like his father, Napaka-suplado din nito noon." sumubo ito ng cake kaya tinikman ko rin ang nakahapag sa akin,

"Saan po kayo nagkakilala?" curious na tanong ko, pero kalaunan ay nahiya rin dahil mukhang personal yata ang tanong ko. "A-ah h-hindi niyo naman po kailangan sagutin, pasensya na." agarang bawi ko pero umiling siya.

"No its okay for me." ngumiti ito "Dito kami nagkakilala, laking manila ako at kung saan saan nadadala ng trabaho hangga sa mapadpad ako dito." napatango ako sa sagot niya at sumimsim ng juice.

"But dante it's not my first boyfriend here, Mahabang kwento kung idedetalye ko pa baka abutin tayo bukas." natatawang anya niya kaya nakitawa na rin ako, Mukhang maganda ang love story nilang dalawa.

Nahihiwagaan man ay hindi na ako nakiusisa at iniba na lang ang topic.

Gabi na ng matapos kami sa kwentuhan, pero tila hindi pa rin tumitigil ang ulan at mas lalo pa nitong pinalakas. Nagpaalam na rin si tita na aakyatin muna ang senior sa taas dahil wala din si tito dante, Nasa Hacienda daw siya at baka mas gagabihin pa ito sa lakas ng ulan.

"Ako na po maam." prisinta ng isang katulong ng ilagay ko ang pinagkainan namin sa sink, umiling ako at ngumiti.

"I can handle this, magpahinga ka na."

"Naku maam, baka pagalitan ako ni sir miguel." Nag-aalalang tugon niya,

"Ako ang bahala, Sige na"

"O-okay po, S-sge." sinenyasan ko na ito at ako na ang naghugas sa mga kasangkapan,

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon