Chapter 25
[ Luna Pov. ]
Matamlay ako'ng bumangon sa kama at tulalang nakatingin sa bintana habang inaalala ang pinag-usapan namin ni miguel kagabi.
Aaminin ko may kaonting kirot sa dibdib ko dahil hindi kami maayos ngayon. Nalulungkot at nasasaktan ako sa kadahilanang malamig ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko rin naman siya masisi kung ganyan ang i-akto niya, kasalanan ko naman.
Napabuntong hininga ako sabay tayo para mamili ng damit masusuot ngayon, Agad akong napasimangot ng makitang wala ng damit pambabae sa closet. Lahat yata ng damit ko ay halos nasa basket na at hindi pa nalalabhan.
"Kailangan ko na yatang maglaba.." kausap ko pa sa sarili at kinuha na lang ang malaking tshirt na nakita ko sa closet.
May mga undies pa naman ako kaya pwedi na siguro ito maghapon, matutuyo din naman agad ang mga damit.
Dala ko ang tshirt at bagsak ang balikat na naglakad ng banyo. Grabe para akong lowbat na cellphone sa sobrang tamlay ng katawan ko, ganito yata ang epekto pag hindi ka pinapansin ng taong importante sayo.
Nakakapanlambot at para'ng isang lantang gulay ang aking katawan, D*mn! I need to talk miguel later baka bigla na lang akong mabaliw dito. Mag-eexplain talaga ako sa kanya kahit ayaw niya, kailangan ko siyang pilitin makinig.
Matapos maligo ay agad na akong nagtungo sa kusina dahil alam ko na nandoon siya, Nakangiti akong pumasok doon ngunit napanguso ako ng makitang sobrang linis ng paligid.
Umalis na kaya siya?
Himala lang na hindi siya nagluto ngayon.
Naglakad na ako patungong sala at pabagsak na naupo sa mahabang sofa. Napatingin pa ako sa wallclock at nakitang alas syete pa lang ng umaga.
Ang aga niya naman yatang umalis.
Ganon ba talaga kalaki ang galit niya sa'kin?
Hindi man lang nag paalam.
"Dumating na ba si miguel hija?" napatingin ako sa hagdan ng magsalita si tita elizabeth, Nandito pa pala sila akala ko ako na lang ang nasa bahay.
"Hindi ko pa po siya nakita." agad na sagot ko ng makababa siya ng hagdan, Nakita ko rin si tito na pababa na rin habang may dalang dalawang maleta.
"Tinawagan na namin siya, magpapahatid lang kami sa airport." anas pa ni tita kaya muli akong napatingin dito.
"Aalis po kayo?" tanong ko pa kahit obvious naman na may pupuntahan sila.
"Yeah, we're going in province, may bibisitahin lang kaming kaibigan." tugon pa ni tita, lumapit samin si tito sabay lapag ng mga maleta sa gilid ng sofa.
"Do you want to come with us? para sana makapamasyal ka at hindi mainip dito." anyaya sakin ni tito ngunit umiling lang ako at ngumiti.
"Dito na lang po ako sa bahay.."
"Are you sure?"
"Yes po."
"O sige, hindi rin naman sasama si miguel e." wika niya pa, hindi na ako nakasagot dahil may bumusina na sa labas.
"Si miguel na yata yan, Ayaw mo bang sumama sa airport?" tanong pa sa'kin ni tita, napatingin ako sa suot ko kaya nakangiwi akong umiling.
"Hindi na po, ingat na lang po sa biyahe."
"Hm okay, takecare too.." humalik pa siya saking pisngi habang si tito ay nginitian lang ako bago maglakad palabas ng bahay.
Nakasunod ako sa kanila ngunit hangga pinto lang ako dahil isang mahabang tshirt lang ang suot ko.
BINABASA MO ANG
Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETED
RomanceMay isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila isang araw sa airport at aksidenteng nagkabanggaan. Kapwa nahulog ang kanilang cellphone na may pagkakahawig ang unit. Nawaglit sa paningin...