EPILOGUE

1K 29 2
                                    

Miguel Pov.

Pinapanuod ko ang mga taong nadadapaan sa gawing pwesto ko, nasa loob ako ng airport. Hinhintay ang kaibigan na dumating, sinabihan ako nitong maaga siyang makaka-uwi. Hindi ko rin alam kung bakit ako pa dapat ang sumundo sa kanya, Malapit na akong mainip dahil sa kanina pang paghihintay.

*Ring... Ring... Ring....*

My phone rings, I took it on my pocket before i answered.

"Where are you, jacob? Kanina pa ako dito!"

"Im sorry, miguel. Hindi ko na nagawang makaalis ng maaga, pasensya na.."

"Tsk, sinayang mo ang oras ko, jacob!" I shouted, malapit ng mag-isang oras ngunit ngayon lang siya tumawag, sinong hindi maiinis?

Lumabas ako ng airport at doon pinatay ang tawag, napapahilot ako sa noo dahil sa dami kong dapat gawin ngayon ay inuna ko pa ang walang kwentang bagay na ito.

"D*mn whats going on? Nobody miss me uh?" napalingon ako sa babaeng nasa harapan ko, She' s wearing a short skirt and a fitted tops, salubong ang kilay habang hinahagod ang mahaba nitong buhok. Halatang naghihintay din ng sundo.

"Where are you dana?!" She talked someone on her phone, tinig pa lang ay hindi na kaaya aya ang pananalita, maganda ngunit tingin ko' y may mapatobreng ugali.

"Call another one to fetch me, Ayaw 'kong magcommute. okay!" inis na inis ito sa kausap, galit nitong ibinaba ang cellphone habang masama ang tingin sa harapan.

Naiiling akong naglakad at nilagpasan ito, bakit ba pinapanuod ko ang kairitasyon niya?

Nasa kotse na ako, dito sa harapan ng airport at hinihintay lang ang isang kliyenteng mag-memensahe sa' kin, hindi ko alam kung hangga kailan ako maghihintay, pag hindi ako nakatiis ay buong maghapon na lang akong mahihiga sa bahay.

*Ringggg... Ring... Ring...*

My phone rang again, sa pagkakataong ito ay tiningnan ko ang tumawag. Si jacob na naman, tsk! Ano na naman ang kailangan niya?

*What?!" Asik ko, umagang umaga ay nagawa nito akong badtripin. "What do you need this time?!"

"Miguel, I need help."

"Help, ano na naman?"

"Pumunta si shaira sa clinic, hindi ko alam kung anong nangyari kay baby jiro, pwedi bang puntahan mo sila saglit, malapit lang diyan sa airport.."

"Ano, bakit napano ba si jiro?"

"Hindi ko alam, kaya please... pakisuyo naman.." mariing akong napapikit, siguro ay hindi na matutuloy ang meeting ko ngayon sa isang kliyente.

"Sige, nasaang clinic?" lumabas ako ng kotse, mainit na sa labas, at halos ingay lang ng mga sasakyan ang maririnig mo. "Narito pa ako sa tapat ng airport.." ani ko, sinabi nito ang address ng clinic habang naglalakad ako sa kahabaan ng sidewalk.

"Bilisan mo, miguel!"

"F*ck eto nga tumatakbo na ako! Kung mak---" nabitawan ko ang cellphone ng may bigla akong mabangga, hindi ko iyon sinasadya, masyado na yata akong nadadala sa pag-aalala rin ni jacob sa anak. "Are you okay, miss? Sorry nagmamadali kasi ako.." paumanhin ko sa babaeng nabundol ko, nang makita kung sino iyon ay medyo nakaramdam ako ng kaba, ito 'yung babaeng ubod ng taray kanina sa airport.

Akala ko' y sisigawan niya ako katulad ng ginawa niya sa kausap kanina, ngunit ng makitang titig na titig ito sa' kin ay nais kong matawa, anong problema niya?

Kinuha ko ang panyo sa bulsa, itinapat ko iyon sa labi niya na siyang kinagitla nito.

"Sorry again, I have to go.." tinalikuran ko na ito, kinuha ko ang cellphone na nahulog at muli ay tumakbo, pero hindi pa man ako nakakalayo ng bigla' y may tumamang matigas na bagay sa ulo ko.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon