Chapter 18

412 18 0
                                    

Chapter 18

Luna Pov

Gaya ng sabi ni miguel ay binalikan niya ako, no choice ako kung hindi sumama dahil mukhang ayaw na niyang mag stay sa tree house.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko, Natutuwa ako dahil nagconfess siya tapos may nararamdaman din akong hiya about sa nangyari samin kanina.

Napatanong tuloy ako sa isip kung ready na ba ako, Siguro sa edad ko ay pweding pwede na. Wala pa akong experience hindi katulad ng dalawa ko'ng kabigan.

Subok na sila sa ganoong bagay, Ako na lang ang hindi nabibinyagan.

"Hindi ka ba nabasa?" agad na tanong niya ng makaapak na kami sa loob, umiling ako habang sinasara nito ang payong.

"Baka gusto 'mong magpalit ng damit?" suggest niya pa. Nakangiti akong tumango,

"Sige, medyo nilalamig rin ako"

"Tara, pagtitingin kita ng extrang damit ni mommy.."

"Ah, Hindi na. Pwedi 'bang kahit yung iyo na lang, nahihiya kasi ako sa mommy mo." anas ko, hindi ko pa nga naibalik 'yung sinuot ko noon. Yung damit na pilit pinapahubad sa akin ng impakta.

Kailan ko ba maibabalik iyon.

"Bakit ka naman mahihiya?" tanong niya bigla, Nakakahiya naman talaga iyon. Lagi na lang akong mag-uuwi ng bago niyang damit.

"Wala basta, Hihintayin na lang kita sa sala.." nilagpasan ko na siya at nauna ng nagtungo sa living room, Ayaw ko ng sumama sa taas at baka doon na matuloy ang naudlot kanina.

Nawawala pa naman ako sa wisyo tuwing hahalikan niya ako, Mas lalo pa akong mababaliw pag dumadausdos na ang kamay niya saking katawan.

Lalo na ang ginawa niya kanina, Bago iyon sakin pero grabe talaga, Dahil gustong gusto ko iyon. Nakakatakot lang na baka hanap-hanapin ko pa iyon lalo na at naranasan ko na, What if kung may mangyari pa samin?

D*mn hindi na yata ako uuwi ng bahay 'non.

Nailing ako dahil kung ano-ano ang pumapasok sa aking isip, Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa at niyakap ang hawak na blazer.

Kung alam ko lang na uulan hindi na sana ako nagsuot ng short, Hindi ko naman kasi in-expect na babagsak ang ulan dahil sobrang init kanina.

Mukhang gagabihin pa ako dito, sana dumating na lang ang parents niya para hindi namin solo ang bahay.

Nahinto ako sa pag-iisip dahil sa narinig na katok, Nanggagaling iyon sa labas kaya lumapit ako sa pinto.

Ang lakas naman ng instinct ko, kanina lang iniisip ko na may darating para may kasama man lang kami, eto at dininig agad ang hiling ko.

Nakangiti ko iyong binuksan dahil expect ko na ang parents ni miguel, ngunit biglang napawi iyon ng bumungad sa akin ang babaeng kinaiinisan ko.

Halos pareho kami ng reaction dahil nawala din ang malaki niyang ngiti at napalitan iyon ng masamang tingin, Tsk! Sino 'bang inaakala niyang magbubukas ng pinto! kung makangiti siya kanina parang clown, ang sarap lang batuhin ng tsinelas e.

"Hindi ko inaasahan na nandito ka, Ganyan ka ba bilang girlfriend? Over bakod kay miguel?” kinalma ko ang sarili bago sumagot, relax luna wag 'kang papayag na sirain niya ang magandang araw mo.. Ngumiti ka lang.

"Hes not under with me, At hindi ko siya binabakuran.” nakangiting ani ko, Binuksan ko ng tuluyan ang pinto para makapasok siya.

Umirap ito "And now your acting a goodgirl now? Tsk, napakahusay. pero hindi ako na-impress.” nilagpasan niya na ako at tuloy tuloy na naglakad sa loob.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon