Chapter 42

332 15 0
                                    

CHAPTER 42

EXPECT THE UNEXPECTED.

MIGUEL POV.

Halos buong magdamag ay hindi ako dinalaw ng antok, Nakapikit man ay gising ang aking diwa. Hindi mabura sa isip ko ang nangyaring sagutan namin ni luna kagabi, Pilit iyon gumugulo sa 'akin. Ang kanyang mga salita ay hindi ko makalimutan, kung paano siya tumingin. At kung paano niya sabihing nasasaktan siya. Hindi ko intensyon na saktan siya, nais 'kong ipaintindi sa kanya na kaibigan ko lang talaga si selena at walang kahit anong espesyal sa pag trato ko rito, May Dahilan ako kaya ko iyon ginagawa, At kahit anong mangyari ay hindi ko magagawang iwasan siya. Naaawa ako sa lagay niya, Nais ko man sabihin ngunit hindi ko alam kung paano.

Isang pribadong kalagayan ang meron si selena, Nais ng kanyang pamilya na kami lang ang nakakaalam. Maliban sa malalapit na tao rito at ako, Ngunit kung iyon lang ang paraan para maging klaro kay luna ang relasyon namin ay baka hindi ako magdalawang isip na sabihin sa kanya ang dahilang iyon.

Hawak ang batok akong naupo sa kama kasabay ng pagpapatunog sa 'aking leeg, Ngunit ni hindi man lang nito naibsan ang sakit na nasa parteng iyon.

Napabuntong hininga ako dahil sa katotohanang hindi maganda ang lagay namin ni luna. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat pag-selosan kay selena, Gaya ng sabi ko ay kaibigan lang ang tingin ko rito. At iyon ang hindi magbabago.

Mabigat ang katawan 'kong tumayo at naglakad papasok sa banyo upang maligo, Alam ko na ang gagawin ngayon araw na ito.

Mabilis ang aking pagkilos upang mas maaga akong makababa, Nang matapos ay sinipat ko ang kabuuan ko sa salamin at muling nagpakawala ng malalim na hininga. Sumagi na naman sa isip ko ang binitawang salita ni luna, Ganon na ba talaga kalamig ang pagkatao ko? Ngunit hindi ko alam kung paano iyon mababago, Buong buhay ko at paglaki ay ganito na talaga ako. Wala naman akong naging mapait na karanasan ngunit hindi ko alam kung bakit, Ngunit kung sasabihin ay hindi iyon hadlang sa pagmamahal ko sa kanya.

Mahal ko si luna, At gagawa ako ng paraan upang maalis ang galit at pagdududa niya sa' kin.

Napangiti ako sa isiping siya pa lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko, Sa tuwing ngingiti ito ay parang mabubuo ang araw ko. Nais ko iyong makita ngayong araw.. Nakangiti 'kong binuksan ang pinto upang magtungo sa kusina, Saktong paglabas ko ay siyang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto kung saan naroon si luna. Agad nagtama ang mata namin ng sandaling iyon, Ngunit parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa malaming niyang tingin.. Ang mga mata niya ay walang emosyong nakatingin sa 'akin, Nalulungkot ako sa kadahilang nagkakaganito siya.

Hahagilap pa sana ako ng salita upang batiin siya ngunit mabilis itong nag-iwas ng tingin kasabay ng pagtalikod sa' kin. Tanaw ko itong bumaba ng hagdan at parang isang matinding sampal sa 'akin ang eksenang ito. What should I expect? After all I deserved this. I deserved her cold treatment, D*mn. I did'nt expect the unexpected thing.

Ang nais 'kong makitang ngiti ay wala sa babaeng mahal ko, Ang nakagiwaan niyang emosyon ay halos hindi ko makita sa kanya. Kahit naiirita siya minsan ay nagagawa niya pa rin ngumiti sa 'akin, Ngunit ngayon. Tila'y wala siyang nakita kung tingnan ako.

Naputol ang aking pag-iisip dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Naglakad ako patungong hagdan at naroon si luna sa dulo na nakalingon sa'kin, Salubong ang kilay niyang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa pinto.

Sino naman kaya ang pupunta dito ng ganitong kaaga.

Muli akong bumaba upang puntahan si luna na patungong pinto, Ngunit nahinto ako ng mabuksan niya na iyon at bumungad sa kanya ang magandang ngiti ni selena.

"GoodMorning.." masayang bati niya kasabay ng pagkaway, Nakasuot ito ng kulay kremang bistida habang may dalang kumpol ng prutas na nakalagay sa katamtamang laking basket.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon