LUNA Pov.
K i n a b u k a s a n..
Maayos na ang aking lagay ng magtungo kami ni miguel sa mansyon ng mga monteclaro. Gaya noon ay may pagkamangha parin ako sa paligid lalo na sa mga bulaklak na naroon sa hardin.
Hindi nalalayo ito sa bahay ni don fabio.
Mababatid mo agad na marangya ang buhay ng nakatira sa loob dahil sa bawat parte ng haligi ay makikita mo doon ang karangyaan."Sir miguel."
Bumungad samin ang may katangkarang lalake na may hawak na malaking gunting, Nakangiti itong nakatingin kay miguel bago niya ako lingunin.
"Nasa loob ba si Jacob?" tanong ni miguel, Nasa bungad pa kami ng pinto at hindi pa pumapasok mismo sa loob.
"Wala eh, Pero sandali. Tatawagin ko lang si mama."
"Mikael." pinigilan niya ito sa akmang pagtalikod kaya muli itong humarap sa'min.
"Kung wala siya ay mauuna na kami."
"Pero nandito si mam shaira." turan nito, "Nasa taas siya at inaasikaso ang anak, tatawagin ko lang si mama. Pumasok muna kayo."
Hindi na niya hinintay makasagot si miguel at daglian na itong nagtungo sa loob kaya sumunod na kami. Nang makaapak sa sala ay doon lumabas ang matandang nakasalamuha namin noon 'nung unang punta ko dito. Naglakad ito palapit samin kasama ang binata kanina, nakangiti.
"Napadalaw ka miguel, Hijo." anas niya, hindi mawala ang ngiti sa labi maging ng humarap siya sakin.
"Si shaira ho sana manang."
"Oh, Nasa taas siya. Sandali at ipapatawag ko dito." inutusan niya ang anak na mabilis naman nitong sinunod.
Iginaya niya kami paupo sa maalwalas na sala at sinabihang gagawa lang siya ng maiinom. Sakto naman ay ang pagbaba ni shaira buhat ang lalakeng anak.
Kagaya nila manang ay malaki ang ngiting lumapit siya samin, nagbeso ito saming dalawa bago maupo.
"Mabuti naman at nakapasyal kayo uli, Ang tagal na 'nung huling punta niyo dito." aniya sa magiliw na tono.
"Ikaw talaga ang sadya namin." turan ni miguel, tinuro ni shaira ang sarili na nagpalit palit pa ang tingin niya saming dalawa.
"Ako?"
"Hmm." tumango si miguel, medyo nilingon ako. "kakailangan niya ng masusuot mamaya kaya dinala ko siya rito, Alam 'kong magaling ka."
"Wow, talaga. Ako pa ang naisip mo?. Mabuti at hindi si selena?."
"You know what the situation shai."
"Huh? I dont." ani 'to, nakanguso.
Bumuntong hininga si miguel "They're not close." sagot niya kalaunan ay sumulyap sakin.
"Opss. Really? Si selena talaga. Malamang at umiral na naman ang pagkamaldita nito."
"Yeah."
Lihim akong napaismid dahil hindi lang pagkamaldita ang meron si selena, Kundi ay para itong baliw na sinasaniban. Hindi ko maipaliwanag kung anong napapansin ko sa kanya, Pag ako ang kaharap nito ay para siya mabangis na hayop ngunit pag reresponde agad si miguel ay tila isa itong ibon na animoy walang nangyari.
Tsk, May kakaiba sa babaeng iyon.
"Anong pinagkaka-abalahan mo ngayon miguel, Sa restaurant ka pa rin ba?" tanong ni shaira habang kinukuhanan ako ng sukat.
Nasa isang workshop room kami kung saan ay dito rin mismo sa mansyon, May sarili siyang kwarto dito kung saan makikita mo ang mga kagamitan niya sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETED
RomanceMay isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila isang araw sa airport at aksidenteng nagkabanggaan. Kapwa nahulog ang kanilang cellphone na may pagkakahawig ang unit. Nawaglit sa paningin...