Chapter 45
Luna Pov.
Isang maulan na umaga ang bumungad sa'kin.
Malamig na ihip ng hangin at nakakabinging bagsak ng ulan sa paligid ang gumising sa diwa ko. Ngunit ang lamig ng simoy ay tila nawala sa isang mainit na kamay na nakayakap sakin.Isang gwapong lalake ang nagpangiti sakin, ngunit naglaho rin iyon ng maalala ang sinabi niya kagabi, Sabi niya ay gagawan niya ako ng cake. Pero nauna pa akong nagising sa kanya.
Ngunit ang cake na nais ko ay tila wala na sa aking panlasa, Ayoko na 'non. At ang gusto ko ay malamig na pagkain, Naglaway ako bigla ng hindi ko nalalaman. Tch, Nagdududa na ako sa kalagayan ko.
Baka this time tama na ang hinala ni vivian, Kailangan ko na yatang magpacheck-up.
Nilingon 'kong muli si miguel, Simpleng salita niya lang ay humuhupa ang galit ko dito. Hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal, Basta pagdating sa kanya ay sobrang hina ko. Ganito lang siguro pag mahal mo ang isa tao. Kahit may mali ay kaya mo pa rin itong mahalin sa kabila ng masasaktan at masasaktan ka.
Dahan-dahan 'kong inangat ang kamay nito, Umusog ako pataas. Ngunit bigla itong nagising,
"What time is it?" mapupungay ang mata niya ng magtanong ito, paos pa ang boses na siyang kinatindig ko. Bakit sobrang gwapo niya na naman ngayon.
Tch.
"Its already six.." sagot ko ng tumingin sa wallclock, umupo ito hawak ang kanyang batok.
"Napahaba ang tulog ko." nakangiwing aniya habang iniikot ang leeg. "Pinuyat mo kasi ako.."
Nagsalubong ang kilay ko "Anong pinuyat? Kasalanan ko pa!" giit ko, tumango siya.
"Tinulugan mo ako kagabi, Hindi ako nakatulog dahil doon.." napapailing akong tumayo.
"Inaantok na ako kagabi, hindi ko nga namalayan na natutulog na ako.."
"Tsk.." asik niya, kunwari nagtatampo ngunit nakangiti ng bahagya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"You promise to bake me a cake.."
"Yeah, Maaga pa naman. Mabilis lang iyon sa katulad 'kong bihasa.."
Pasinghal akong natawa. "Dinaig mo pa ang lakas ng hangin sa yabang mo.." tumango siya, nakangisi.
"Maniwala ka luna, Kaya 'kong gawin ang imposible. Halimbawa ngayon, kaya 'kong hubaran ka ng hindi aabot sa ilang segundo.."
"What the f*ck!" gulat na ani ko sa sinabi niya, Eto na naman siya at nagbibitaw ng salita na halos ikabaliw ko. Napapailing ako,
"Ang aga-aga, miguel." kinagat niya ang pang-ibabang labi, natatawa.
"Magandang ehersiyo iyon tuwing umaga.."
"Tsh, Mag-jogging ka kung gusto mo!"
"Umuulan luna, Malamig, Mas gusto 'kong magkadikit tayo kesa magtampisaw sa tubig.." lumapit ito kaya tumayo ako sa kama.
"Hindi pa ako naghilamos.." hindi mabura ang ngiti niyang nakatingin sakin, pinagloloko yata ako ng lalaking ito!
"Ayos lang yan, Isang mabilisan lang.."
"Miguel!" natawa ito sa reaksyon ko, bakit ang pilyo niya ngayon.
"What?" Pinagtawanan niya pa ako lalo.
"Anong what! Bumangon ka na, I want an ice cream!"
"Ice cream cake?" kunot noong tanong niya, sumama ang tingin ko.
"No, A literal ice cream.."
"Luna, Ang aga para sa ice cream."
"Gusto ko iyon, ayoko na ng cake.." nakakunot pa rin ang noo niya na tila hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETED
RomanceMay isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila isang araw sa airport at aksidenteng nagkabanggaan. Kapwa nahulog ang kanilang cellphone na may pagkakahawig ang unit. Nawaglit sa paningin...