Chapter 62

382 15 0
                                    


(Mr'Alvarez)

Luna Pov

Alas nuebe ng magtungo ako sa dating mansion, hindi ako nadismaya ng makita kung gaano parin kalinis ang hardin sa harapan, ang dating swing na ginagawa 'kong tambayan noon ay hindi pa naaalis. Bakit hindi yata dinisenyo na bagong may-ari ang bahay?

Nang makatapak sa pinto ay pinatunog ko ang doorbell, hindi tama na basta ako papasok sa loob. Narito na si mr'alvarez, At baka maliit na mali ko lang ay hindi ito papayag sa halfpayment muna. We dont have exact money today, the cash i have is just an a half of the bill. Masyadong malaki ang perang babayaran namin at hindi pa muna namin iyon kaya sa ngayon.

Nagtataka ako kung bakit milyon ang halaga nito, ganun ba siya kayaman?

Isang lalake ang bumungad sa pinto, base sa suot nito ay siya ang abogado ni mr'alvarez.

"Hinahanap ko si Mr'alvarez.." ani ko, kahit hindi ito nagtanong ay tama lang na sabihin ko iyon.

"Hes waiting for you.."

"Uh?"

"Nasa itaas siya ng opisina, Naghihintay.." niluwagan niya ang daraanan ko, Ni hindi man lang ako tinanong kung sino ako o ano ang kailangan ko sa kliyente niya?

O baka naman inaasahan na nila ang pagdating ko.

"Sige.." maging ako ay lito ng sumagot, halata namang hindi nalalayo ang edad ko sa lalakeng ito, hindi na tuloy ako makapag-hintay na makilala ang alvarez na iyon.

Iginaya niya ako pataas, Kahit naman hindi niya na gawin ito ay alam ko na ang patungo roon. Alam na alam ko bawat sulok ng bahay, natural dito ako nakatira noon.

Mabuti at hindi gaanong mainit ang suot ko, Naka-sleeveless tops ako at isang skirt na tinernuhan ko ng mahabang coat, Malambot ang tela ng damit. At kahit pinagpapawisan ako ng hindi ko alam ay kumportable pa rin ako. Siguro ay dahil kinakabahan ako sa maaaring desisyon ni mr'alvarez, Lumagpas na kami sa tamang araw na naka-lagda sa kontrata, Sana lamang ay palagpasin niya na iyon.

Nasa tapat na ako ng opisina, hindi na nakasunod ang abogado dahil bigla ay may tumawag sa kanya. Hawak ang papel ay kumatok na muna ako, Walang sumagot at hindi ko alam kung papasok na ba ako o hindi? Akala ko ba ay narito na siya?

Muli ay kumatok ako, sa pangalawang pagkakataon ay hindi na ako naghintay, dumiretso na ako sa loob na may kaonting lakas ng loob. Ano ba ang nangyayari sa' kin?

"Your late.." the man sitting on the swivelchair speak, he looking at the window while playing his finger, Nagbaba ako ng tingin, May suot siyang itim na sumbrero, maging ang kabuang suot nito ay itim.

"Im sorry Mr'Alvarez, Hindi ko agad nalaman ang schedule mo ngayong araw.." nanatili akong nakayuko, naghihintay sa kanyang sasabihin.

"Its okay, Atleast your here.." Nang muli ay marinig ang boses niya ay nag-angat ako ng tingin, hindi ako maaaring magkamali, akala ko'y 'nung una ay nagka-taon lang, Ngunit hindi.

Umikot ang swivelchair habang nakaupo ito, ang kutob ko kanina ay unti-unting nakumpirma. Hindi  ko maiwasang mangunot ang noo dahil sa nakita, What is he doing here?

"You?!" He smiled at me, A very handsome smile. "Anong kalokohan ito, sandoval?!" Ni hindi mabura ang ngiti niya, Kulang na lang ay lumabas ang ipin niya sa pagkaka-ngiting iyon.

"I am Miguel Alvarez Sandoval, your future husband.."

Wft.

Napamaang na lamang ako sa kanyang tinuran, Ang lalakeng kinatatakutan ko ay siya lang? Paano at nasa kanya ang bahay?

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon