Prologue

1.5K 48 18
                                    

·●DISCLAIMER●·

This story consists of works of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form without the permission of the author, except where permitted by the law.

Plagiarism is a crime.

~·●●·~

(A/N: Advance sorry na rin po if may ma encounter po kayong typo or error pasensiya na po at salamat sa pag-iintindi. Aayusin ko naman po ito balang araw. And maraming salamat po sa inyo sa mga sumusuporta. Tamad akong tao pero nagaganahan ako mag sulat dahil sa inyo, so Please vote and comment narin para naman malaman ko ang inyong feedback and etc. Maraming salamat po and enjoy reading!)


"Ingat ka Lexie, sabay na tayo mag pa-print bukas ahh? Wag mong kakalimutan!" sabi ko sa kaibigan kong si Lexie na ngayun ay naka sakay na sa kanyang motorsiklo.

"Oo na po! bye na!" huling sabi niya bago pinaharurot ang kanyang motor.

Ako naman ay na iwan dito sa labas ng gate ng University habang hinihintay si Papa. Kaya naman ay sinuot ko na muna ang earphones ko at nag play ng music.

Napapasabay nalang ako sa pag-kanta ng pinapatugtog ko na opening songs ng mga anime na pinapanood ko, specially ang favorite ko yung Gurenge na Opening song ng Demon slayer.

Mga ilang minuto lang ay may napansin akong lalaki sa kabilang side ng kalsada na kumakaway-kaway sa akin. Bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala.

Parang may sinisigaw siya, pero hindi ko naman marinig kasi naka full-volume itong pinapatugtog ko, kaya nung aalisin ko na sana ang earphone ko ay bigla naman akong nakaramdam ng isang malakas na pwersa na tumama sa akin, dahilan para tumalsik at mag pagulong-gulong ako sa kalsada.

Nanginginig ang katawan ko at nanlalabo rin ang paningin ko. Nakita ko ang isang itim na kotse na bumangga sa harap ng school namin, sa pwestong tinatayuan ko kanina.

Agad namang lumapit sa akin ang lalaki kanina na tumatawag sa akin at kita kong nanginginig ang mga kamay niya habang nag titipa sa kanyang cellphone. Matapos nun ay nilagay niya ito sa kanyang tenga.

"Emergency po! May accidente pong nangyari sa harap ng school dito sa Heart University! Kailangan na po ngayun, ASAP!" dinig kong sabi ng lalaki matapos niyang ibaba ang tawag.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko na talaga ma-igalaw ang buong katawan ko. Gusto ko mang mag salita pero hindi ko magawa.

Eto naba? kukunin naba ako ni lord?

Ang bilis naman ata?

Wag naman sana, bigyan niyo pa po ako ng pagkakataong mabuhay...please..

"Miss kaya mo yan! Sandali nalang darating na ang tulong....."

Hindi ko na masyado marinig ang sinasabe ng lalaki nang tuluyan na akong nalagutan ng hininga.

________________

Agad naman akong napa-mulat ng mata at napa-bangon sa aking hinihigaan habang hinihingal.

"Good morning!" bati ng kung sino sa akin na ikinagulat ko.

Napatingin naman ako sa harapan at nanlaki ang mata ko nung makita ko ang isang napaka gandang babae. Mahaba ang kanyang mala gintong buhok at may mapuputing balat. Pansin ko rin ang bughaw niyang mga mata na sobrang nakaka-akit. May suot itong mahabang dress na kulay puti. As in sobrang puti! tinalo pa ang Tide at Ariel.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon