Phelia's POV
"Paano nga ulit tayo na punta dito?" walang ganang sabi ni Vetiria habang nakahawak sa kulungan at nakatulala lang sa kawalan.
"Mamamatay na tayo....Mamamatay na tayo..." pa-ulit-ulit sa sabi ni Melly habang naka-upo sa kanto yakap-yakap ang kanyang mga paa.
"Tumakbo nalang sana tayo...kesa sa KAUSAPIN ang guard." sabi naman ni Roseli at diniinan ang salitang Kausapin.
"Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari! Akala ko eh susundin nito sasabihin ko!" medyo naiinis kong sabi.
"Ano na gagawin natin? Sabi mo isang oras lang ang epekto nitong disguised namin." sabi naman ni Vetiria na ngayun ay humarap na sa akin.
"Wag kayong mag-alala! Maraming paraan para makatakas tayo dito." Sabi ko naman.
"Paano? Kung magagamit ko lang sana ang kapangyarihan ko edi kanina ko pa ito pinasabog na piitan." sabi niya habang winawasiwas ang kanyang staff at tinutok sa kulungan.
Nakita ko naman na umilaw ang kanyang staff. Mabilis ang pangyayari at bigla nalang sumabog ang kulungan kung saan doon nakatutok ang staff ni Vetiria.
Napapalibutan kami ng mga alikabok dahil sa pag sabog.
Tila na estatwa naman si Vetiria sa kanyang kinatatayuan habang kami ay napapa-ubo sa alikabok at gulat sa nangyari.
"Phelia...Akala ko ba bawal gumamit ng kapangyarihan??" pilit na ngiting sabi ni Vetiria at parang may bigla namang lumabas na nakakatakot na aura na bumalot sa kanya.
Waahhhhh!!!!
"Kapangyarihan ng wizard Oo bawal gamitin! Hindi ako sigurado Promise!!" tarantang sabi ko.
"Baka kapangyarihan mo naman siguro yun. Ibig sabihin baka pwede niyo ma-ilipat ang kapangyarihan niyo sa staff para magamit niyo ito." hula ko naman.
Kahit ako ang gumawa ng spell ay hindi ako sigurado, hindi pa naman kasi ako ma-alam sa ganito.
"Oh! Ibig sabihin kaya ko rin gumamit ng kapangyarihan ko?" sabi naman ni Roseli.
Pero bago pa naman kami maka-sagot ay may narinig na agad kaming mga yabag ng paa ng mga tao papunta dito.
"Tamang-tama lang na na-diskubre natin ito. Humanda na kayo sa laban." alarma ko sa kanila at itinaas ang staff ko at inisip ko lang ang pag-gamit ng liwanag.
"Takpan niyo ang mga mata niyo!" muli kong pag alarma sa kanila.
Hinintay ko naman ang pagkakataon na pumasok ang mga guard bago ako mag pakawala ng nakaka-bulag na liwanag. Nakita ko naman na limang guard lang ang pumasok at tinakpan ang kanilang mga mata.
"Ahckk!!" daing nila.
Saka naman gumalaw si Roseli at ginamit ang kanyang staff at nag palabas ng mga baging at pinulupot ito sa bawat guard para hindi ito maka-galaw.
Na-una ako lumakad palabas at tiningnan ang pasilyo kung may mga guard.
"Tara na at umalis na tayo!" sabi ko naman sa kanila nung makumpirma kong wala nang guard.
Dali-dali kaming lumabas sa cell at tinahak ang daan palabas.
Pero hindi pa naman kami nakaka-layo ay may bigla na namang sumulpot na mga guard. Bale walo sila at pinapalibutan na kami nito.
"Pasabugin ko naman ang mga ulo nila" suhesyon ni Vetiria.
"Wag!" agad ko namang pag pigil sa kanya.
"Hindi natin sila ma-aaring patayin. Alalahanin niyo na nadamay lang sila sa alahas na maaaring suot ng Lord ng Freezia." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Mithallea
FantasyAfter an accident in school. A girl reincarnated with the strongest power ever known. A world full of mystery and an everlasting journey. An unexpected romance and an unexpected throne. Welcome to Mithallea.