Chapter 4

353 22 0
                                    

Tiron's POV

"May problema ba Tiron?" bigla naman akong napalingon sa likuran ko nang makita ko ang asawa ko.

Nandito kasi ako muli sa balkonahe namin na nasa labas lang ng aming kwarto. Nakatayo at malalim ang aking iniisip. Bumabagabag parin kasi sa akin ang mga sinabe ni Cesar nung nakaraan.

Naramdamn ko naman ang kamay ni Ashley sa braso ko.

"Bakit hindi ka makasagot?" kalmado niyang tanong sa akin. Lalo siyang gumaganda pag kalmado siya eh.

At ang mga inosente niyang mga titig...

Kapansin pansin ang kulay pula niyang buhok na minana ni Roseli at ang puting buhok ko naman ay namana kay Phelia. Hindi ibig sabihin na puti ang buhok eh matanda na. Natural naming kulay ito simula pagka-silang.

Nang dumapo muli ang tingin ko sa kanyang mata ay bigla akong natauhan at sinagot ang tanong niya.

"Ah...wala, wala ito. Pinasali ko na kasi si Phelia doon sa training nila Roseli. Para naman kahit papano ma-ensayo na niya ang kanyang kapangyarihan. Ni kahit kailan hindi ko si Phelia nakitang gumamit ng kanyang kapangyarihan, nag-aalala ako." Pag-iiba ko naman ng usapan. Ayoko munang sabihin sa ngayun kay Ashley ang nalaman ko kay Cesar. Kailangan ko muna ng proweba kung totoo nga ba ang sinasabe niya o hindi.

"Alam kong kakayanin yun si Phelia. At wala ka bang napapansin simula nung nagka-pakpak siya?" tanong niya sa akin kaya nangunot naman ang noo ko.

"Anong kakaiba?" tanong ko pero pinalo lang niya ako.

"Aray! Bakit?!" reklamo ko.

"Hindi mo talaga napansin? hayst! sabagay tumatanda kana." umiiling na sabi niya na hindi ko namang mapigilang ngumuso.

"Mahal naman...sabihin mo na" hindi ko maiwasang lumambing.

bumuntong hininga naman siya bago tumingin sa akin ng seryoso. Dahil doon ay sumeryoso narin ako.

"Naramdaman ko na lalo siyang lumakas Tiron, At higit pa doon may nararamdaman ako na parang kabilang siya sa atin na hindi? Ewan hindi ko mapaliwanag." sabi niya na ikinatigil ko.

Ramdam ko ang kaba at takot na mawala sa amin ang anak namin.

Kaya hindi naman na ako nagpaligoy-ligoy pa. Dahil sa kaba at takot ay kinuwento ko na kay Ashley ang mga sinabe ni Cesar sa akin.

______________

Phelia's POV

Nagulat ako sa isang babae na nagpakawala ng bolang apoy papunta sa akin.

Kaya naman ay agad kong pinagaspas ang aking mga pakpak at lumipad pataas para sana iwasan ito.

"Hah! Duwag!" Rinig kong singhal niya. Magpapalabas naman sana siya ng bolang apoy ng biglang may tumawag sa kanya na ikinatigil niya.

"Itigil mo nayan Steph!" Napatingin naman ako sa isang babaeng merong malagintong pakpak at buhok, sobrang ganda din ng kanyang white dress. I must say parang kahawig niya si Lady Fairy. Mag ka ano-ano kaya sila?

"Siya ang bago nating istudyante. Magpakita naman kayo ng galang!" Sermon nung babae doon sa tinawag niyang Steph.

"Pero Miss Meicee! Tinatawanan niya ako-"

"It was a misunderstanding Miss Meicee!" bigla namang singit ni Roseli at lumapag na sa lupa.

I somehow realize what I have done.

Since hindi naman na ata ako aatakihin ng Steph na yun ay lumipad na ako patungo kay Roseli at hinarap si Steph.

"Sorry, It is a Misunderstanding. Hindi ikaw ang tinatawanan ko, may sinabe lang kasi sa akin si Roseli na ikinatawa ko." Pagpapaliwanag ko sa babaeng nag-ngangalang Steph.

Napansin ko ang pangungunot ng noo ni Roseli na parang nagtataka dahil sa dahilan ko. Hindi ata nito alam kung ano ang nakakatawa sa sinabe niya kanina. Pero agad din nawala at binalewala ang sinabe ko.

Nakita ko naman sa hitsura ni Steph na hindi siya kumbensido sa sinabe ko. Pero mabuti nalang at nag salita agad yung babaeng nag ngangalang Miss Meicee? I think yun ang narinig ko na tawag sa kanya ni Roseli at Steph.

"Well since it's a misunderstanding. Steph, I hope na hindi na ito ma-uulit."  Sabi ni Meicee kay Steph na ngayun ay wala nang sinabe kundi inirapan lang ako, bago tumalikod at pinagaspas ang kanyang kulay violet na pakpak at lumipad na papunta sa kanyang mga kaibigan.

Nabaling naman ang pansin ko kay Miss Meicee na Lumilipad na palapit sa amin ni Roseli.

"Roseli, Narinig ko na kapatid mo itong kasama mo ngayun?" Tanong niya nang maka-lapit na sa amin.

"Opo Miss Meicee." sabi ni Roseli habang tumatango.

"Phelia right? I think na kwento ka sa akin ng Nanay ko." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Mama niya? Sino?

Nung napansin niyang nagtataka ako ay napatawa naman siya ng mahina bago nagsalita.

"Anak ako ni Lady Fairy, I'm pretty sure you already know her since nung pumunta siya sa bahay niyo." Sabi niya.

Ahhhh! Kaya pala nahahawigan ko sa kanya si Lady Fairy! Like Mother like daughter!

"Anyways since it was you first day. Roseli, Why don't you teach your sister the basics in controlling our powers." sabi ni Miss Meicee kay Roseli na ngayun ay masayang tumatango.

"I would love too! Tara Phelia dito tayo malapit sa sapa! Mas makaka focus ka doon." Mabilis na sabi ni Roseli.

Excited na talagang turuan ako haha.

"I will just be right here to observe you guys ok?" sabi ni Miss Meicee na ikinatango naman namin bago kami lumipad palapit sa sapa.

~·~

VOTES AND COMMENTS ARE APPRECIATED!

THANK YOU!


MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon