Chapter 19

222 11 0
                                    

(A/N: Pa-alala lang na baka may mabasa kayong inappropriate word. Kagaya ng mga mura.)

Third Person's POV

Sa kailaliman ng karagatan, sa isang nakakatakot na bato na may mukhang bunganga ng napakalaking pating. Mga patay na coral reef at napapalibutan ng mahahabang seaweed. Naroon naka-kulong ang isang binata.

Meron itong hasang sa magkabilang leeg, ang mga pakpak niya ay nag mukhang palikpik ng isda. Ang mga kamay at paa naman ay normal.

Habang mahimbing na natutulog ay bigla itong nagising nung may kumalampag sa malumot na batong kulungan.

"Buti at na isipan mong bumisita." tila parang nanigas naman ang binata nung marinig niya ang malalim na boses nayun.

Unti-unting umangat ang tingin ng binata mula sa makaliskis na buntot pataas sa maskuladong katawan nito na may mga bakas na peklat. Mahaba din ang kulay itim nitong buhok na nakaka-intimidate tingnan.

"I-Itay" pabulong na banggit ng binata.

"Kamusta ka na Simon, Anak?" nanuyo naman ang lalamunan ni Simon at hindi na makapag-salita.

Halo-Halong emosyon ang nararamdaman niya ngayun, kaba, takot at galit. Pero wala siyang nagawa kundi manahimik lang.

Lumapit naman kay Simon ang kanyang Ama.

"Hindi ka parin nag babago, hanggang kailan mo balak mag tago sa akin?" seryosong sabi nito na bigla namang sinagot ng binata.

"Dahil ayokong madamay sa kasamaan mo!" May kalakasang boses na sabi ng binata. At dahil biglaan niyang pag-galaw ay may mga namuong bula sa paligid niya.

"Mas pipiliin ko pang madamay sa ginawa mong Mirous at makalimutan ka." sa puntong yun ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang binata.

"Pero walang silbe ang ginawa mo Itay, Balang araw matatalo ka rin ng isang babae na mas malakas pa sayo!" sabi ni Simon pero hindi niya binanggit ang pangalan ng babaeng nakilala niya.

Matapos mag salita ang binata ay naka-rinig naman siya ng mahinang halakhak mula sa kanyang ama at habang patagal ng patagal ay lumalakas ito.

"Simon...Simon...Hindi mo pa ata na babalitaan. Hindi ako nag-iisa." matapos sabihin nun ng kanyang ama ay may pumasok naman na apat na mga kabataan.

Hindi makapag-salita si Simon sa gulat sa kanyang nasasaksihan.

"Kamustahin niyo naman ang Kuya niyo." sabi ng ama sa mga bagong dating.

Tatlo silang may mga kakaibang anyo. Pero pararehas silang may hasang din sa leeg katulad ni Simon, maliban sa isang babae na parang isang normal na sirena lang ito. dalawang lalake at dalawang babae.

Lumapit naman kay Simon ang isang lalake na merong mahaba at mala gintong buhok. Matutulis ang tenga at meron din siyang mga palikpik sa pagitan ng kanyang mga kamay, at sa paa naman niya ay parang palikpik din ang itsura pero mahaba ito. Parang katulad nung sa mga sinusuot ng nag scuba diving.

Ang suot naman nito ay parang naka brief lang na may disenyong kaliskis, kaya naman kitang-kita ang mamaskuladong katawan nito na talagang batak na batak.

"Kinagagalak kong makilala ka kuya, ako pala si Ken, half elf and mermaid." Naka ngising sabi ni Ken.

"Pfft! Mas gwapo pa ako sa kuya ko haha!" sa isip naman ni Ken na nanatiling naka-ngisi kay Simon.

Tila parang kumulo naman ang dugo ni Simon at hindi mapigilang mag wala.

"Hindi mo ako kapatid! Kaya wag na wag mo akong tawaging kuya!" sigaw ni Simon. Matapos ay binaling niya ang kanyang ama.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon