Chapter 11

267 21 0
                                    

Vetiria's POV

"Ang baho naman Itay! Kailan ba tayo lalabas dito!" reklamo ko habang pinipingot ang ilong para hindi ma-amoy ang masangsang na mga patay na hayop.

Nandito kami sa Aentros, ang tawag ng mga Fairy sa bahay na kung saan dito nilalagay ang mga pagkaing hayop na nahuli nila.

Dito kami pansamantalang kinulong matapos ang nangyari kahapon.

Tumayo naman ako at lumapit kay Lord Cesar ang tatay ko.

"Tiis-tiisin mo nalang yan! Wag ka nang ma-arte! Hayst! Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sa patibong na yun! Ang tanga-tanga ko!" Inis na sabi ni Itay.

Ramdam ko at kita ko ang kanyang pagsisisi. Nung nakaraan ay naka-laya na kami mula sa kadiliman. Wala kami sa sarili at ang tanging nararamdamn lang namin ay galit.

Wala man kami sa sarili ay alam namin lahat ang nangyari.

Napatingin naman ako kay Itay na matamlay na naka-upo, tila nag mumokmok. Hindi niya nakayanan nung nawala ang kanyang kaibigan dahil sa kanya.

Kahit sabihing wala siya sa sarili ay siya parin ang pumatay dito.

Napatingin naman ako sa mga kamay ko. Lahat kami ay na dungisan na ang mga kamay. Sobrang guilty sa nangyari.

Hindi nga kami ngayun maka-tingin ng maayos sa mga Fairy hunter na ngayun ay binabantayan kami.

Napa-buntong hininga naman ako at umupo sa tabi ni Itay.

"Hahanapin ko kung sino ang may gawa nito." wala sa sariling sabi ni Itay. Kaya napa-tingin naman ako sa kanya.

Kung tatanungin hindi ko alam kung paano ba kami nakain bigla ng kadiliman.

"Paano nga ba tayo naging ganun Itay?" tanong ko.

Hindi naman siya agad nakasagot. Parang natulala nalang nga siya bigla. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nagsalita na siya.

"Sa pagkakatanda ko nangyari ito matapos namin puntahan ang Land of Aquadia." simula ni Itay na ikinagulat ko.

"Sa mga Sirena? Anong ginagawa niyo doon?" tanong ko.

"Hindi lang ako ang nandoon, Si Tiron na namumuno sa Flagio, Si Rolly ang numuno sa Caluei, at si Angelo na namumuno sa Freezia. Nandoon kami para makipagsunduan kay Nate. Balak kasi naming humingi ng permiso para bigyan kami ng mga isda. Kapalit nun ay pwede sila bumisita sa kahit sino sa aming Lugar para maka tikim din ng pagkain." Nagulat naman ako nung napansin kong pinapalutang ni Itay ang mga patay na hayop at pinagpapatong-patong ito para maayos tingnan.

Masyado akong nag focus sa kanyang pag ku-kwento. Jusko ganito ba talaga siya palagi?

Napa-buntong hininga naman siya at tinuloy ang pag kwento.

"Umuwi na kami matapos si Nate pumayag sa kasunduan namin. Kinagabihan ay may bigla nalang kumatok sa bahay at may iniwan na maliit na kahong gawa sa kahoy. Ang laman nun ay ang kwintas na nasira ng anak ni Tiron. Kung hindi ko lang sana yun sinuot, hindi sana hahantong pa sa ganito." sabi ni Itay at pansin ko na papa-luha na siya pero agad niya itong pinunasan.

Wala akong magawa kundi yakapin si Itay. Alam kong pinipilit lang niyang mging matatag at ayaw niyang ipakita ang kahinaan niya sa akin kaya hinayaan ko nalang muna siya at niyakap.

Pero na-udlot ang dramang yun nung nakita naming bumagsak ang mga Fairy Hunter. Kaya agad kaming naging alerto ni Itay at tumayo. Maging ang mga kasamahan naming Demon ay nagtataka sa kung anong nangyari.

Lumapit naman si Itay sa mga Fairy Hunter at tiningnan ang pulso nito.

"Buhay pa sila, nawalan lang ng malay." sabi ni Itay.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon