Chapter 10

274 22 0
                                    

Phelia's POV

"Huy Phelia gising na!" na-alimpungatan naman ako nung makarinig ako ng ingay. Dahan-dahan naman akong umupo sa kama at tiningnan si Roseli na as usual eh nakapa-meywang na naman habang naka-tingin sa akin.

"Tara na at kakain na daw ng tanghalian."

"Inaantok pa ako." sabi ko at hihiga na sana ulit ako nung hilahin ako bigla ni Roseli.

"Naku wag kana nga tamarin diyan! Ikaw nalang hinihintay namin!"

"Oo na! Oo na!" Sabi ko at inis na bumangon. Kasi naman eh! Pagod na pagod pa ako sa nangyari kahapon eh.

Na-una nang lumabas ng kwarto ko si Roseli. Tsk! Hindi man lang ako tinulungang mag ligpit ng higaan! Siya na nga ang nakiki-tulog eh hmmp! Mabigat ang katawan ko nung bumangon ako mula sa higaan.

Nang matapos kong iligpit ang higaan ay nag hilamos na muna ako bago lumipad papunta sa dining area. Kumakin na sila nung maka upo na ako sa hapagkainan. Amoy na amoy ko ang mga masasarap na pagkain na nakahanda sa mesa.

Papatulo na sana ang laway ko kaya agad ko itong pinunasan.

"Magandang Umaga Inay, Itay." Bati ko sa mga magulang ko bago kumuha ng pagkain at nilagay ito sa plato ko.

Nag taka naman ako nung hindi man lang sila bumati pabalik kaya napa-angat ang tingin ko sa kanila at pansin ko na seryoso lang silang naka-titig sa akin. Binaling ko naman ang tingin ko kay Roseli at tiningnan siya ng nagtatanong na mata. Nag kibit-balikat naman ito at tinuloy ang pagkain.

"Phelia.." simula ni Itay. Hindi naman sa kinakabahan ako pero grabe kasi ang pa-suspense na ginagawa ni Itay.

"Please....Don't get married to soon." sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Mabuti at hindi ko pa na susubo ang pagkain or else baka mabulunan ako at deadlalo naman ako.

"What? Anong pinag-sasabi mo Itay wala pa akong plano o na-iisip na ganyan!" sabi ko sabay subo na ng pagkain. UHH! Ang sarap talaga ng mga nilulutong pagkain dito. Although nakakamiss din ang mga pagkain sa dati kong mundo.

"Kasi naman, ang daming mga lalaki ang nakapila sa harap ng bahay natin ayun pina-alis agad ng Itay mo." Paliwanag naman ni Inay na ikinalaki ng mata ko.

Talaga?! Bakit naman nila ako pagpipilahan?

"Mabuti naman Itay at pina-alis mo, diko ata kaya harapin ang mga lalaking yun pag nag-kataon." sabi ko kay Itay na para namang ikina-tuwa niya kaya natawa nalang ako sa kanyan reaction.

Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa na-alala ko na may sasabihin pa pala ako kay Itay. Kaya naman nung matapos na kaming kumain ay humingi naman ako ng pahintulot na kausapin siya mag-isa.

Pero naging makulit sila Inay at Roseli at gusto malaman ang pag-uusapan namin, kaya no choice ako kundi sabihin narin sa kanila.

"Itay....nung mga nakalipas na araw ay may nakita ako sa library na papel na para po sana sa inyo." panimula ko at ma-igi namang nakikinig ang tatlo.

Mag sasalita na sana ako pero hindi natuloy nung biglang pumasok si Annie na may dala-dalang mga desserts. Inilapag niya ito isa-isa sa harap namin bago umalis.

"Sorry Inutusan ko lang si Annie na kuhanin tayo ng dessert. Sige na Phelia ituloy mo na sinasabe mo." sabi ni Roseli sabay kain ng dessert na binigay ni Annie.

Napa-iling naman ako ng wala sa oras bago hinarap si Itay.

"Isang pirasong papel po yun na naka-singit lang sa book shelf. Nung binasa ko ang laman eh may biglang nag pakitang mga memorya sa isip ko. Matapos nun ay unti-unti nang nag laho ang papel." sabi ko.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon