Phelia's POV
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko parang mas lumakas ang kapangyarihan ko. Hindi ko man makita ang sarili ko eh alam kong nag-iba na ang anyo ko.
Napatingin naman ako sa likod ko nang may naramdaman akong mabigat na bagay. Isang pakpak na parang sa paniki. Ang kasuotan ko naman ay para lang sa mga nakikita ko sa anime. Kulay puti parin naman ang buhok ko, pero ang kaibahan lang ay mula sa itaas ay puti hanggang sa baba ay naging itim na ito. Ramdam ko naman na parang may sungay na tumubo sa noo ko pero hindi ko lang alam kung gaano kahaba, pero sana naman ay maiksi lang.
Kita ko naman sa mga mukha nila ang gulat at ang naglalakihan nilang mga mata.
"Totoo nga na kabilang ka sa amin!" malawak na ngiti ang bumalot sa mukha ng demon.
"Sumama ka nalang sa amin at ititigil na namin ang gulong ito." dagdag niya.
Magsasalita na sana ako nung may narinig akong kalampag mula sa likuran ko. Nagulat nalang ako ng makita ko si Simon na naka handusay sa lupa na dinaluhan naman agad ito ni Roseli.
"Gulat kayo? Akala niyo mamamatay na ako sa simpleng tubig lang? Hahaha!" biglang tawa ng isang demon mula sa makakapal na usok. Nung unti-unti siyang lumapit sa pwesto namin ay na aninag ko na kung sino ito.
Si Vetiria, buhay pa pala ito.
Napatigil naman siya sa pag tawa ng mapatingin siya sa akin ng seryoso.
"Ang galing mo Lord Cesar, Napa labas mo din ang tunay niyang anyo." sabi ni Vetiria sa akin na hindi ko lang naman sinagot.
"Hindi ba't sinabe ko sayo na tawagin mo akong Itay? At bakit ka nandidito!?" magkamag-anak sila!?
"Gusto ko lang naman malaman kung totoo ang narinig ko. Lord Cesar." pang-aasar ni Vetiria sa kanyang tatay nung tawagin niya ulit ito sa pangalan.
Kailangan maka-isip ako ng paraan para matalo silang mag-ama. Pero paano? Ano nga ba ang abilities o kapangyarihan ng isang demon? Puro about sa Fairy lang kasi ang laman ng library namin.
Wala naman kasing mahahanap na libro sa library tungkol sa mga kapangyarihan ng demon, kahit yung sa iba, ang mermaids, elf, and wizard. although parang aware na ako sa kung ano ang kaya ng wizard kailangan ko paring matutunan ito.
Agad naman akong napatalon palayo nung maramdaman ko ang paparating na latigo ni Vetiria sa akin. Grabe ang talas narin ng pakiramdam ko.
Aatake na sana ulit si Vetiria nung may pumulupot sa kanya na mga halamang baging.
"Phelia! Ako na ang bahala dito sa babaeng ito!" napa-tingin naman ako kay Roseli nang malamang siya ang may gawa nung kay Vetiria. Agad naman na napatayo si Simon at tinulungan si Roseli.
Nagpalabas ito ng maraming tubig at binalot yun kay Vetiria. Plano atang lunurin ito ni Simon. Kitang-kita ko naman ang pagpupumiglas nito sa mga baging at paghihirap sa ilalim ng tubig na sigurado akong malapit na itong ubusan ng hangin.
"Itigil niyo yan!" rinig kong galit na sigaw ni Lord Cesar ang ama ni Vetiria.
Natawa naman ako sa naging reaction niya.
"Ang kapal mo naman! Ikaw pwede mong patayin ang pamilya ko, tapos pag ang pamilya mo naman nasa panganib magmamaka-awa ka?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Hindi ako nag mamaka-awa!" pag de-deny niya at biglang may bolang itim na lumabas sa mga kamay niya. Matapos nun ay unti-unti itong humulma ng hugis espada.
Umatake naman siya papunta sa akin pero agad din akong naka-iwas. At sa hindi malamang dahilan ay tila may sariling buhay ang mga kamay ko ay nakaramdam ako ng kapangyarihan na dumadaloy doon.
BINABASA MO ANG
Mithallea
FantasyAfter an accident in school. A girl reincarnated with the strongest power ever known. A world full of mystery and an everlasting journey. An unexpected romance and an unexpected throne. Welcome to Mithallea.