Chapter 16

235 15 3
                                    

Phelia's POV

Lumilipad na kami patungo sa Freezia. At bago kami umalis ay nag-iwan kami ng sulat sa Nanay ni simon na mahimbing nang natutulog.

Hindi ko nga aakalaing makakatulog agad ang Nanay ni Simon sa kanta ni Melly. Well ano pa nga ba ang aasahin sa boses ng sirena? Talagang na paka ganda naman ng boses nito.

Tinatangay na ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin na nakakasalubong namin. Halos karagatan nalang ang nakikita namin sa paligid patungong North.

For some reason natamad na si Vetiria lumipad at naki-sakay nalang sa kalapate ni Melly. Habang patagal ay papalubog narin ang araw.

"Sigurado ka bang tama itong direksyon na pinupuntahan natin?" paninigurado ni Vetiria.

"Sigurado ako! kakatingin ko lang sa mapa!" sabi ko.

Huminto naman muna ako na ikinahinto din nila.

"Eh bakit parang naliligaw na tayo?!"

"Guys! kalma lang tama itong direktion. Nakapunta na ako minsan dati sa Freezia." bigla namang singit ni Melly.

"Nakapunta ka na doon?" takang tanong ko.

"Well...hindi naman ako literal na naka-tapak sa lupa ng Freezia. May isang reef kasi malapit doon na palagi kong pinag-tataguan ng nahahanap kong kagamitan." paliwanag niya.

"Gusto niyo makita?!" masayang sabi nito.

"No thanks, Remember kailangan nating tingnan kung ano ang nangyayari sa Freezia. Kagaya nalang nang kinuwento ni Phelia sa atin na kakaibang alahas na suot ng Bawat Lord." Sabi ni Roseli saka lumapit kay Melly.

"You can lead the way Melly." dagdag niya na sinang-ayunan narin namin ni Vetiria.

"Yey Ok!" sabi ni Melly sabay hawak sa reins or yung tali na parang sa kabayo para ma-control ang pag lipad. Na-una na nga siya lumipad kasama si Veteria na nasa likuran parin ni Melly.

Kami naman ni Roseli ay nakasunod lang sa kanila.

"Phelia.." tawag pansin naman sa akin ni Roseli kaya nilingon ko siya.

"Ano yun?"

Lumipad naman siya palapit sa akin.

"Hindi kaba nag-tataka diyan kay Melly?" bulong niya.

"Huh? Bakit naman?" 

"Base sa pagkaka-alala ko walang nabanggit kung sino at kanino nanggaling ang nagpadala ng alahas nayun. Ibig sabihin posibleng meron ding suot na alahas ang Lord ng Aquadia na katulad kila Itay at Lord Cesar." Paliwanag niya at unti-unti narin akong nalinawan.

"Kung ganun....bakit parang wala namang kakaiba na nangyari kay Melly. Ibig bang sabihin nun walang natanggap na alahas ang Lord ng Aquadia?" tanong ko.

"Yun ang hula ko, Pero hindi parin ako sigurado." seryosong sabi ni Roseli.

Kung ganun lang edi bakit hindi nila inaksyonan ang mga nangyayaring kaguluhan?

"Kailangan nating obserbahan ang bawat galaw ni Melly. Baka mamaya ang mga sirena pala ang may pakna nito."

"Hindi naman ata nila magagawa yun!" bigla kong react.

Hindi ko naman kasi ma-imagine na gagawin yun ng ibang sirena, lalo na si Melly. Ang bait-bait nga niya.

"Basta Phelia! Maging aware na muna tayo kay Melly." pagpapa-alala niya.

Kahit na hindi parin ako naniniwala  na magagawa yun ni Melly pumayag narin ako.

Besides hindi pa naman namin sure kung totoo yung theorya na na-iisip namin.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon