Chapter 23

112 11 0
                                    

Phelia's POV

Wahhh muntik na ako doon! Akala ko mamamatay na naman ako.

Nandito ako ngayun sa likod nila Roseli habang ako ay invisible kaya hindi nila ako makikita. Kinansela ko rin ang aking presenya at amoy para siguradong hindi ako mabuking.

"Phelia!!" agad namang tumakbo sila Roseli sa manikang ginawa ko na halos kamukha ko.

Tama ang nababasa niyo, mabuti nalang talaga at nasa wizard form ako ngayun. Bago pa hiwain ni Simon ang aking leeg ay agad kong na-isip na itigil ang oras na medyo ikina-bigla ko rin dahil sa nagawa ko lang din agad ito, on the spot pa ahhh.

.......FLASHBACK.......

Nang matagumpay kong na-itigil ang oras ay doon na ako nag karoon ng pagkakataon na maka-alis sa pagkakahawak ni Simon at dumistansiya sa kanya.

Pinagmasdan ko naman ang buong kwarto at lahat sila ay para nang isang istatwa, walang ni isa ang gumagalaw. Sa likuran ni Simon, malapit sa gilid ng kama niya ay may napansin naman akong itim na anino na may hulmang tao.

Hindi ako makapaniwala dahil sa kung hindi ko tinigil ang oras ay hindi ko ito mapapansin.

May idea na ako na ito ang dahilan ng pagka-wala ni Simon at kung bakit ganun ang asal na pinapakita niya na tila wala siya sa sarili.

Hmmm.......

What if lagyan ko siya ng tracking device? Kung sino man siya, alam kong may kinalaman ito doon sa taong punot dulo nito. Malalaman ko ang lokasyon kung saan siya nag-tatago. Ang taong kumausap sa amin gamit ang katawan ng tatay ni Briana.

Ok! susubukan ko!

Itinaas ko naman ang kamay ko at tinapat ito sa anino. Pinikit ko naman ang mga mata ko at nag focus.

Inimagine ko naman na lagyan ito ng tattoo ng rosas...kulay itim, sa leeg na nag sisilbing tracking device para ma track siya. Ginawa ko rin itong invisible para hindi agad mapansin.

Nang matapos ay nilingon ko si Simon. Hindi ako sigurado pero just to make sure na baka kunin ulit si Simon ay binigyan ko ito ng proteksyon para ma-iwasan niya na ma hipnotismo o para walang sumapi sa kanya.

Kagaya nung sa anino ay may parang tattoo rin na lumabas sa may batok ni Simon. Dinagdagan ko rin ito ng function na telepathy, koneksyon sa aming dalawa para mag-usap.

Parang Cellphone lang.

Nang para mas lalong hindi manghinala ang kung sino mang aninong yun ay gumawa na rin ako ng pekeng Phelia, nilagyan ko na rin ng pekeng dugo sa may leeg lang na parte para naman maka-totohanan talaga na hiniwa ang leeg ko...este ng pekeng Phelia.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon