Chapter 6

338 23 0
                                    

Phelia's POV

"Umupo ka na muna Phelia." sabi ni Miss Meicee. Nandito na kami ngayun sa maliit na bahay sa taas ng puno na sa tingin ko ay simpleng opisina ni Miss Meicee. Lahat ng mga materyales ay gawa sa kahoy, merong mga halaman sa kada kanto ng kwarto. Meron ding mini shelf at kung ano pang artifacts na hindi ko alam kung ano yun. Sa right side ng kanto pag pasok mo ay naroon ang mesa at upuan ni Miss Meicee, naroon siya naka-upo habang seryosong nakatingin sa akin.

Naupo naman ako sa upuang nasa katapat lang ng mesa ni Miss Meicee bago siya hinarap. 

"Phelia, Pwede mo ba sa akin sabihin kung ano ang elemento ng dalawa pang crystal?" deretsahang sabi niya habang may kinuhang makapal na libro at panulat.

Pagka-lapag pa nito sa mesa ay may mga alikabok na nag si-liparan kaya na pa-ubo naman ako.

"Eheem...Ahhh...Ice and Earth po Miss Meicee." sabi ko. 

"Pwede mo bang sabihin kung ano ang mga yan?" sabi niya habang nagsusulat. Kaya naman ay sinagot ko nalang ang tanong niya. Mukhang ni rerecord niya ang dalawang element na meron ako.

Ibig bang sabihin nun hindi pa napapakilala sa mundong ito ang yelo? Mukhang madami akong pwede gawin para makatulong sa ibang Fairy's. Isipin niyo ako ang una-unang makaka-imbento dito sa mundong ito nang DIY Aircon o kaya Ice cream at iba pa na related sa ice. 

Malinaw ko namang pinaliwanag ang Element na Ice bago ko pinaliwanag ang element na Earth at kung ano ang pinagkaiba nito sa Elemet na nature. Seryoso naman sinusulat lahat yun ni Miss Meicee at nang matapos na ay humarap siya sa akin at nakipag-titigan.

"I'm so curious can you demonstrate these two new elements?" tanong niya.

"ahhh...sige po." pag-sangayon ko at nilibot ang paningin ko sa kwarto, humahanap ako ng props para maisagawa ang demo ko.

At nakita ko ang isang balde ng tubig katabi lang ng isang paso na walang laman. Tamang tama lang sa element na gagamitin ko.

Tumayo naman ako ay kinuha yung balde na may laman na tubig at ang paso. Dinala ko ito sa harap ng mesa ni Miss Meicee.

"Sa Ice element na po muna tayo." sabi ko at huminga ng malalim. At tinapat ang kamay ko sa balde. Mabuti nalang at may nabasa ako doon sa library namin na libro kung paano gamitin o palabasin ang kapangyarihan. Since wala naman akong ginagawa noon at hindi pa ako pinapalabas ng bahay.

Himala nga at natiis ko pa ang walang cellphone. nakaka-miss din pero wala tayong magagawa.

Nag focus lang ang kamay ko sa balde na may tubig at pumikit. Hinanap ko ang enerhiya ng yelo. Hanggang sa may nakita akong pitong nakalutang na bola. Makukulay at maliwanag ito.

Mayroon itong mga kulay na katulad sa mga crystal sa sapa. Kaya naman sa isip ko ay eto ang mga elememto. Lumapit naman ako sa light blue na bola at dahan-dahan kong hinawakan.

Nang makalapit na ang kamay ko dito ay agad akong napamulat at naramdaman ko ang kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ko papunta sa palad ko. May nakikita akong mga particles na nabubuo hanggang sa nakabuo ito na parang crystal ang itsura, ang kaibahan lang ay yelo ito.

Pinakawalan ko naman ito papunta sa balde.

Boogsh!

"Haluh Miss Meicee! Ayos kalang po ba? Haluh pasensiya na po!" tarantang sabi ko kay Miss Meicee na ngayun ay nasa kisame lumilipad.

Napatingin naman ako sa malaking yelo na sinakop nito ang balde, pati ang desk ni Miss Meicee kung saan siya naka-upo. Mabuti nalang at mabilis siya naka-iwas kundi baka nasa loob narin siya ng yelo.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon