Phelia's POV
"Ok so first! We should check kung anong element ang kaya mong gamitin." sabi ni Roseli at nilublob ang kanyang mga paa sa sapa at sumipol ng napaka-gandang melodiya.
Matapos nun ay namangha ako nung may nakita akong liwanag sa gitna ng sapa. May dalawang liwanag na umahon mula sa sapa at lumulutang ito ngayun sa harap ni Roseli.
Nang nawala na ang liwanag ay medyo na aninag ko na ang itsura ng mga bagay na lumulutang sa harap ni Roseli ngayun. Dalawang cristals! Ang isa ay kulay pula at ang isa naman ay kulay berde. Humarap sa akin si Roseli.
"Once you call the elements, kusang lalapit sayo ang mga cristals at ipapakita sayo ang element na kaya mong gawin. As you can see, Ito ang element na kaya kong gawin. Ang pulang cristal na ito ay nasisilbing apoy at ang berdeng cristal naman ay nagsisilbing nature o kalikasan which I can grown plants or even control them with my command." Taas noong paliwanag niya na ikinamangha ako.
"The other elements we have are Light, Water and Air so all in all we have 5 elements. The White cristal represent as Light and the Yellow represent as Air and the Blue crystal represent as Water." sabi niya at umahon na sa pagkakalusong sa sapa, kasabay nun ay ang pagbagsak ng dalawang cristals sa tubig.
"Most of the fairies can just control 3 or 2 elements like me. Except for Miss Meicee that can control 4 elements same as Lady Fairy." Nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Ikaw naman." sabi niya na ikinatango ko. Maglalakad na sana ako palapit sa sapa nang may biglang nagsalita.
"For sure isang element lang ang kaya niya hahaha!" bigla namang sabi ng isang babae. Si Steph, na ngayun ay naka-lapit na sa amin ni Roseli.
Pansin ko naman ang pag taas ng kilay ni Roseli at mukhang na-irita nung makita si Steph.
"Bakit ka nandito?" taas kilay na tanong ni Roseli
"Gusto ko lang makita kung anong elemento ang kaya niya. And besides, nabalitaan ko na late winged siya kaya nag babakasakali lang na baka late din ang pag labas ng kanyang element wahahaha!" sabi niya sabay tawa ng napaka-tinis. Yung tawa na nakakainis pakinggan.
"Why do you care? Porket tatlong element ang kaya mong gawin eh nag mamayabang kana?" Sabi naman ni Roseli kay Steph.
"Oh sorry! Wala akong magagawa, Dahil sa tatlong element talaga ang kaya ko eh!" Nakangising sabi ni Steph at halatang pinapa-init ang ulo ng kapatid ko.
"Well let's see kung ilan ang magiging element niya! Phelia ilublob mo na ang paa mo sa sapa at sumipol ka katulad ng ginawa ko kanina." nagulat naman ako. Grabe napaka competetive pala ni Roseli.
Pero patay na! Hindi ako maruning sumipol!
"Ahh.. Roseli sisipol ba talaga?" Paniniguradong tanong ko sa kanya. Nagtataka naman siyang napa tingin sa akin.
"Oo, Bakit?" tanong niya.
"Ano kasi.."
"Wait don't tell me hindi ka marunong sumipol? Hahahaha" biglang singit na naman ni Steph at tumatawa ng tumatawa lang dahilan para mapansin kami ng ibang fairy na nag te-train.
"Stop it Steph!" galit na sabi ni Roseli kay Steph na ngayun ay hindi parin tumitigil sa pag tawa
Humarap naman si Roseli sa akin.
"Can you at least try?" sabi niya. Nag-aalanganin naman akong tumango bago lumakad papunta sa sapa at nilublob ang paa ko sa tubig.
Sobrang lamig nito nung tuluyan nang nasakop ng tubig ang paa ko. Hindi naman ito umabot hanggang tuhod ang tubig dahil sa mababaw lang naman ito. Napatingin naman ako sa ibaba at nakita ko ang mga Cristals! Ang dami pala nito!
BINABASA MO ANG
Mithallea
FantasyAfter an accident in school. A girl reincarnated with the strongest power ever known. A world full of mystery and an everlasting journey. An unexpected romance and an unexpected throne. Welcome to Mithallea.