Chapter 1

617 31 1
                                    

Third Person's POV

Sa kagubatan kung saan naroon ang teritoryo ng mga fairies na kung tawagin ay Land of Flagio na Pinamumunuan ni Lord Tiron Flare at Lord Ashley Flare. 

Mahimbing nang natutulog si Lord Ashley matapos niyang ipanganak ang dalawa niyang magagandang anak. Si Lord Tiron naman ay ma-iging sinusuri ang kanyang mga anak.

Ang isa nilang anak ay merong kulay pulang magagandang pakpak habang mahimbing itong natutulog. Habang ang isa naman ay ang labis niyang ipinagtaka. Wala itong ni isang pares na pakpak na tila isa itong normal na tao.

Mga ilang segundo lang ng pagtitig niya sa kanyang anak ay nagulat siya nung nagising ang anak niyang walang pakpak. Kaya naman agad nataranta ang amang si Lord Tiron na baka ito ay umiyak. Lilipad na sana siya palabas para kumuha ng inuming gatas ng mapansin niya na hindi man lang umiyak ang bata, kundi ay naka-ukit sa mukha nito ang pagka-mangha nang makita ang magagandang pakpak ng kanyang ama.

Napangiti naman ang amang si Lord Tiron at sinubukang i-entertain ang kanyang anak gamit ang kanyang pakpak. Mga ilang minuto lang ay may narinig si Lord Tiron na parang nagpipigil sa tawa. Nang lingunin niya ito ay naroon ang kanyang asawa na si Lord Ashley na nakangiting nakatingin sa kanya.

Lumapit naman ang inang si Lord Ashley sa kanyang anak na nagising at inakay niya ito sa kanyang mga kamay.

"Kawawa ka naman anak ko, Ginising kaba ng baliw mong ama?" sabi ni Lord Ashley na merong mapaglarong ngiti habang nakatingin kay Lord Tiron. Dahil sa hiya ay umiwas ito ng tingin sa kanyang asawa habang namumula. Pero bumalik naman agad ang kanyang tingin nung tumawa ang bata.

Kaya pareho naman nagkatinginan si Lord Ashley at Tiron at natawa narin.

"Ano ang maibibigay mo sa kanila na pangalan, Mahal ko?" Tanong ni Lord Tiron habang hinahaplos ang matabang pisnge ng kanyang anak na akay-akay ng kanyang asawa.

"Hmmm...." Napapa-isip na sabi ni Lord Ashley habang dahan-dahan niyang nilagay pabalik sa higaan ang bata.

"Roseli...Roseli Flare" ang pag-pangalan niya sa kanyang anak na may pakpak na mahimbing parin na natutulog. Nilingon naman niya ang isa pa niyang anak.

"At siya naman ay si Phelia....Phelia Flare" sabi ni Lord Ashley at natawa pa siya nung pumalakpak ang batang si Phelia.

"Mukhang nagustuhan niya ang pangalan" sabi ni Lord Tiron at niyakap ang asawa.

Sobrang saya nila nung gabing yun, pero naroon naman ang pag-aalala para sa kanilang anak na si Phelia na ipinanganak na walang kahit anong pakpak.

_______________

Phelia's POV

"Phelia bilisan mo na diyan! May paparating na bisita sina Inay!" Rinig kong katok ni Roseli mula sa labas ng kwarto ko.

Kaya naman nung marinig ko yun ay agad akong bumangon sa aking kama at nagsimula nang mag ayos.

It's been 18 years simula nung ma-reincarnate ako sa mundong ito. Marami-rami narin ang nangyari pero nakakalungkot lang na hindi ako pinapalabas ng bahay namin.

Dahil sa wala akong kahit ni isang pares na pakpak. Hindi ko naman kasi aakalain na ipapanganak akong walang pakpak. Pero kung sabagay eh baka dahil lang ito sa kakayahan kong maging kahit anong mythical creatures.

Nag tataka siguro kayo kung bakit hindi ko pa pinapakita ang pakpak ko? Well as Goddess Delia said na wag bibiglain ang magulang ko which is si Lord Tiron at Lord Ashley. Ang namumuno sa Land of Flagio, ang tahanan naming mga fairies, ang teritoryo namin.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon