Phelia's POV
"Phelia! Ang sarap nito!? Ano ang tawag dito?" Manghang sabi ni Roseli habang sumusubo ng Ice Cream.
Yup...Simula nung nagising sila Inay ay sumunod namang nagising ang mga kasambahay namin pati narin si Annie.
Hindi na namin sinabe sa kanila ang nangyari, mas mabuti nang hindi sila madamay.
After namin mag breakfast ay na isipan kong mag pagawa ng Ice Cream. And Of course gulat na gulat sila nung gumawa ako ng isang malaking yelo na hindi ko parin ma control.
Pero ang galing ni Annie kasi sinunod niya lang ang instruction ko eh na perfect na niya agad ang Ice Cream.
Buti nalang talaga at may alam ako sa pag gawa nito dahil dati sa mundo ko ay na papanood ko lang ito sa youtube at ginagaya ko lang ito.
Natatawa nalang ako sa reaction nilang lahat habang sumusubo ng Ice Cream. May iba-iba ding flavor akong pinahalo na galing lang sa mga prutas na nakuha ni Lord Cesar. Katulad nalang ng strawberry at mango.
"Ahhh! Ano ito anak bakit biglang sumakit ang ulo ko!" sabi ni Itay habang napahawak sa ulo niya.
Brain freeze...
"Dahan-dahan lang po kasi ang pag kain niyan Itay." payo ko na ikina-tango naman niya.
Habang Enjoy na Enjoy ang lahat ay pumunta naman ako sa kusina para tingnan sila Annie na busy lang sa paghuhugas. Ang tatlo pa niyang kasama ay nag lalagay ng ice cream sa lalagyan at dinadala ito kila Itay.
Dinig na dinig nga dito ang asaran at kulitan nila Itay at Lord Cesar.
Lumapit naman ako kay Annie.
"Annie, Pag katapos mo diyan kumain na rin kayo ng Ice Cream." naka-ngiting sabi ko.
"Naku...Para po sa inyo yan ng pamilya mo at ng bisita mo binibini." nahihiyang sabi niya.
"Wag na kayo mahiya, para sa atin yan lahat. Sige na please." pag mamaka-awa ko naman. Nung matapos siya mag hugas ay humarap naman siya sa akin at ngumiti.
"Sige na nga po."
"Ayun!!" natutuwang sabi ko bago umalis. Nakita ko naman siyang naka-ngiti habang napapa-iling.
Bumalik ako sa hapag kainan at saktong sakto lang na tapos na sila kumain.
"Mabuti naman at tapos na ang lahat." sabi ko.
"Ang sarap nung Ice Cream anak! Paano mo yun na-isipan?" tanong ni Inay.
"Kaya nga Phelia! at ang lamig! Pero ang sarap!" kumento naman ni Roseli.
"Ngayun lang din ako nakakain ng ganung kasarap!" sabi naman ni Melly at tumango-tango naman si Vetiria.
Napatawa na lang ako.
"Basta secret nayun!" sabi ko at umupo na sa hapag kainan.
Huminga naman ako ng malalim bago sila tiningnan ng seryoso.
"Itay may gusto lang sana ako malaman..." simula ko.
kinuwento ko naman sa kanila ang napag-usapan namin ni Lord Cesar. Lalo na ang Kwintas niya at ang singsing ni Itay.
Seryoso din namang nakikinig si Itay, at nung na tapos ko ang kwento ay nanatiling tahimik ang lahat.
"Kung yan ang sinasabe mo anak eh tama ang theory na na-isip mo." pambabasag ni itay sa konting oras na katahimikan kanina.
"Pero...hindi kami nilamon ng kadiliman. Kundi ay nilamon kami ng kakaibang kapangyarihan na kung saan......hayst ang hirap ipaliwanag." naguguluhang sabi ni itay.
BINABASA MO ANG
Mithallea
FantasyAfter an accident in school. A girl reincarnated with the strongest power ever known. A world full of mystery and an everlasting journey. An unexpected romance and an unexpected throne. Welcome to Mithallea.