Ken's POV
"Sigurado ba kayong hindi na natin siya susundan?" tanong ko sa aking mga kapatid.
"Tanga ka ba?! Mahahalata tayo niyan pag sinundan natin siya." galit na sabi ni Miel habang kumakain ng mga isda.
"Ako na ang bahala." suhesyon naman ni Nitha.
"Tsk! As if naman na kaya mo, baka hindi ka pa nakaka kilos eh mabuking kana." mataray na sabi ni Auri.
"Kesa naman sa hindi pa nga nakaka-tayo sa lupa eh nadadapa na." sagot naman ni Nitha kay Auri.
"Abuh! Sumasagot ka na!"
Medyo nainis naman ako dahil sa ingay, isang tanong lang naman eh nag-aaway na.
"Tumigil na nga kayo! Ayokong masira ang ka-gwapuhan ko sa inyo!" inis na sabi ko at lumangoy palapit kay Nitha.
"Siguraduhin mong hinding hindi ka mahuhuli, at siguraduhin mo na mapagtagumpayan ng lalaking yun ang ating pinapagawa." seryoso kong sabi sa kanya.
Kung pumalpak ito ay malalagot kami nito kay ama.
Tumango-tango lang si Nitha bago lumangoy pa-alis.
Hindi ko naman maiwasang mapahilot sa aking buong mukha. Ang gwapo kong mukha makaka-relax kana.
"Wala akong tiwala sa babaeng yun!" singhal naman ni Auri.
"Hmm..inggit kalang kasi." naka-ngising sabi ni Miel kay Auri na ikina-irap lang nito.
"Bumalik nalang muna tayo at ibalita kay ama ang nangyari, Siguradong matutuwa siya!" sabi ko at na-una nang lumangoy papunta sa bahay namin.
~~~~~~~~~
Phelia's POV
Matapos nung sinagip ni Melly si Simon ay talagang nanigas kami ni Roseli pero agad naman ako nakabawi at agad akong nag perform ng CPR kay Simon.
Mabuti nalang talaga at medyo may alam ako sa ganito.
Sa ngayun ay nandito ulit kami sa bahay nila Briana. Kasalukuyang nag papahinga ngayun si Simon sa guess room.
Kami naman ay nandito ulit sa kwarto ni Briana.
"Paano at napunta siya doon?" naguguluhang sabi ni Roseli na ngayun ay may pakpak na ulit.
"Hindi ko rin alam." sabi ko at malalim na ini-isip ang posibleng dahilan pero wala.
"Well, at least nahanap na natin siya." sabi naman ni Vetiria.
"Hindi parin natin alam kung paano siya napunta doon. Maaring maulit ulit ito sa kanya." sagot ko. Pero ako lang ba ang nakaka-pansin sa pag palit ni Simon ng anyo? Alam ko kasi kanina ang pakpak niya ay naging palikpik nung nasa tubig siya at may sugat siya sa leeg na bigla ring nawala nung nakarating na sa dalampasigan.
"Hindi kaya kagagawan ito ng sirena?" seryosong sabi ni Roseli habang naka-tingin kay Melly.
"Wala akong kinalaman diyan!" depensa naman ni Melly.
"Roseli...wala tayong proweba na ang sirena ang may kagagawan nun." sabi ko naman kay Roseli.
"Eh! Nakita niyo naman na palutang-lutang si Simon sa karagatan! Ano pa ba ang ibang rason? Nahulog siya mula sa langit at sa karagatan bumagsak ganun?"
"Huminahon ka Roseli! Wag mo namang ibuhos ang galit mo kay Melly!" sabi ko, nung binaling ko naman si Melly ay maluha-luha na ito habang naka tingin kay Roseli.
"Melly......" Sinubukan ko naman siyang lapitan pero agad naman siyang tumakbo palabas ng kwarto.
Nilingon ko naman si Roseli na ngayun ay hindi maka-tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Mithallea
FantasyAfter an accident in school. A girl reincarnated with the strongest power ever known. A world full of mystery and an everlasting journey. An unexpected romance and an unexpected throne. Welcome to Mithallea.