Third Person's POV
Sa kailaliman ng karagatan kung saan naroon ang mga bihag ni Veloris. Ay may isang taong unti-unti nang nagigising ang kanyang diwa mula sa mahabang pagkatulog nito na kagagawan ni Veloris.
Ngunit kahit galing lang sa pagtulog ay nakagapos naman ang kanyang paa at kamay na gawa sa kadena na nakadikit pa ito sa dingding.
Hinang-hina niyang minulat ang kanyang mga mata. Sa puntong yun ay nararamdaman niyang may nag bago sa kapaligiran.
Sumilay naman sa kanyang labi ang konting ngisi.
"Malapit na.....Mukhang nag tagumpay si Tiron"
"Matatapos narin sa waka--ugh!" Hindi nito mapigilang masuka ng dugo na ngayun ay palutang-lutang na sa tubig.
"Mukhang nagising kana?" Hinang-hina na hinarap ng babae ang bagong dating, si Veloris.
Agad naman na nagtipon ang babae ng sapat na hangin bago pa alisin ni Veloris ang spell sa kanya. Ang spell na dahilan kung bakit nakakahinga siya sa ilalim ng tubig.
"Hahahaha nakaka-mangha at nalaman mo agad ang gagawin ko sayo." sabi ni Veloris at hindi naman makasagot ang babae dahil sa nagpipigil ito ng hininga.
Napangisi naman si Veloris dahil doon.
"Nais ko lang naman na malaman mo na nasa maayos na kalagayan ang anak mo. At mabait na batang sinusunod ang utos ko." dahil sa sinabe ni Veloris ay napuno naman ng galit ang babae.
Napakuyom ito ng kamao habang nag fofocus sa pag pigil ng hininga.
"Ah!! Paumanhin hindi mo pa nga pala siya nskikita mula nung sinilang mo siya. Hahaha!" Sa puntong yun ay hindi na mapigilan ng babae na lumangoy papalapit kay Veloris, pero dahil sa naka-kalag ang kanyang mga kamay at paa ay hindi rin siya nakalapit sa kanya.
Ngunit si Veloris na mismo ang lumapit sa babae at hinawakan ang baba nito at nilapit sa kanya.
"Ngayun oras na para gamitin ka sa mga plano ko Zenith." sabi ni Veloris at Hinawakan ang ulo ni Zenith.
Kahit pumapalag ang babae ay wala rin itong magawa hanggang sa tuluyan siyang nilamon ng kadiliman.
***
Roseli's POV
Naka-upo ako ngayun sa dalampasigan habang nag lalaro ng apoy sa aking kamay.
Hindi parin ako makapaniwala sa kababalaghan kanina.
Kung kailan naman na nabubuo na ang tiwala ko sa babaeng yun.
Inis ko naman na tinapon ang maliit na bolang apoy na nilalaro ko sa dagat.
Hindi ko naman namalayan na may umupo rin malapit sa akin. Pag lingon ko ay si Vetiria lang pala kaya binalik ko na ulit ang tingin ko sa karagatan.
"Anong ginagawa mo dito?" walang gana kong sabi.
"Bakit? Bawal?" napa ismid naman ako sa sinabi niya.
"Tsk!" Matapos nun ay nabalot na kami ng katahimikan.
Pero agad ko narin naman yun binasag.
"Ayoko ng advice mo ahh!" sabi ko habang naka-tingin parin sa karagatan.
"Wow! Asa ka na naman! Hindi ba pwede sasamahan ka lang?" napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo na.." sabi ko at umusog ako ng konte papalapit sa kanya.
Habang tahimik lang kami na naka tingin sa karagatan ay bigla nalang kaming dalawa nakaramdam ng panlalamig.
Sunod nun ay agad na bumalot sa amin ang makakapal na usok.
"Roseli!" sabi ni Vetiria at hinawakan ang kamay ko.
"Anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi ko alam, maging alerto na lang tayo." Sabi ni Vetiria kaya naman nagpalabas ako ng bolang apoy sa aking mga kamay.
May na aninag naman ako na anino mula sa makapal na usok. Kaya naman agad kong tinapon sa direksyon na iyon ang bolang apoy.
Nagkaroon naman ng malaking butas doon sa usok na tinapunan ko ng apoy. Ngunit wala doon ang aninong naaninag ko.
"Vetiria masama ang kutob ko dito." Sabi ko. Hinintay ko naman sumagot si Vetiria pero hindi siya umiimik, kaya naman ay nilingon ko naman siya ngunit hindi ko siya makita.
"Vetiria!!" Sigaw ko.
Sa kaba ko ay nagpakawala ako ng apoy sa makakapal na usok hanggang sa unti-unti na itong lumalaho.
Nilibot ko naman ang tingin ko pero hindi ko siya makita. Hanggang sa may naramdaman na lang ako na malakas na pwersa sa batok ko na dahilan upang dumilim ang paningin ko.
***
Briana's POV
Sinasamahan ko ngayon si Phelia sa magiging kwarto nila ni Roselli.
Mukhang malalim ang kanyang kaya naman sinubukan kong pagaanin ang kanyang loob.
"Magiging maayos din ang lahat!" Masiglang sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita.
"Hindi talaga kita maintindihan may diperensya bang utak mo? Paano magiging maayos ang lahat?" May halong inis sa tono ng kanyang boses.
Medyo na hurt naman ako sa sinabi niya ahh...
Pero kung akong nasa sitwasyon niya mukhang ganyan din ang magiging reaksyon ko. Pero ewan, I just only think positive to receive a positive outcome.
Malapit na kami sa kwarto na tutulugan nila ng mapansin kong biglang huminto si Phelia.
Nagtaka naman ako dahil hindi mapakali ang itsura niya ngayon.
"Anong problema?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Parang may kutob akong may nangyari kay Roseli." Sabi niya habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Kung ganun hanapin natin siya." suhesyon ko na sinang ayunnan naman niya kaya agad naman kaming bumaba at hinanap si Roselli.
Pero hindi namin siya mahanap at maging si Vetiria ay nawawala.
Naisipan naman namin na hanapin si Melly dahil baka nawawala din ito, Pero mabuti na lang at nandoon lang siya sa likod ng bahay doon sa fountain.
"Bakit ganyan ang mga itsura niyo?" Nagtatakang tanong ni Melly.
Hindi naman mapigilan ni Phelia na maluha ng konte.
"Si Roselli nawawala."
"Si Vetiria wag mo kalimutan nawawala din siya." dugtong ko.
Hindi naman nakaiwas sa aking paningin ang pag-ikot ng mata ni Phelia.
Arte ahh wala namang masama sa sinabi ko diba? Hmmp!
~•~
VOTES AND COMMENTS ARE APPRECIATED! THANK YOU!
BINABASA MO ANG
Mithallea
FantasiAfter an accident in school. A girl reincarnated with the strongest power ever known. A world full of mystery and an everlasting journey. An unexpected romance and an unexpected throne. Welcome to Mithallea.