Chapter 7

327 20 0
                                    

Phelia's POV

"Kamusta na po siya?" nag-aalalang tanong ko kay Inay nung lumabas na siya sa kwarto ni Roseli. Ginagamot niya kasi si Roseli gamit ang light element niya.

Nakakamangha nga at kaya pala nitong magpa-galing. Malaking tulong ito kung may panganib pang dumating, Mag papaturo na lang ako kay Inay nito.

"Ayos na siya. Jusko! Hindi ko akalain na susugurin kayo ng Demon." sabi ni Inay, nabigla naman ako ng pinatalikod niya ako.

"Inay ano pong ginagawa niyo?"

"Tinitingnan ko lang ang pakpak mo, Baka hindi pa ito naka-recover galing sa Flieci." sabi ni Inay. Yung tinutukoy ata niya eh yung bolang dahon na sumasabog ng violet na usok. Flieci pala ang tawag doon?

Hindi naman ako nag tanong pa at hinayaan si Inay na tingnan ang pakpak ko.

"Ok, mukhang ayos na." sabi niya at pinaharap na ako sa kanya.

Kasabay nun ay lumabas narin si Itay sa kwarto ni Roseli at tiningnan ako ng seryoso.

"Mag usap tayo sa baba." sabi ni Itay bago lumipad pababa papunta sa aming living room.

Nakakapanibago naman ang seryosong mukha ni Itay.

Sumunod na lang kami ni Inay, nung makababa na kami sa living room ay na-upo na kami sa sofa. Kaharap ko ngayun sina Itay at Inay na naka-tingin lang sa akin.

"Bakit kayo hinahabol ng Demon Phelia? May dahilan ba ito kung bakit bigla itong nagpakita sa Flagio?" Diretsong tanong ni Itay. Huminga naman ako ng malalim at inalala ang mga sinabe ng demon kanina.

"Pati ako ay nguguluhan Itay, sa tingin ko ako ang pakay ng Demon."

Pagka-sabi ko naman nun ay umukit sa kanilang mukha ang pagka-bahala at pag-alala. Pero hindi ko ito pinansin at nag patuloy sa pag-salita.

"Ang sabi ng Demon ay hindi raw ako kabilang dito...na may... nararamdaman daw silang demonic power sa akin?" pag-amin ko.

Nakakapagtaka nga ang sinabe ng demon. Paano nito nararamdaman ang demonic power ko? Eh hindi pa naman ako nag ta-transform into demon?

Kakausapin ko mamaya si Goddes Delia. Napag-alaman ko kasi na pwede kaming mag usap ni Goddess Delia gamit ang Librong binigay niya sa akin na ngayun ay nagsisilbing Diary ko.

(A/N: Sa hindi po nakaka-alala nandoon po ito sa chapter 2)

Napahilot naman sa sentido si Itay. Bakas sa kanya ang pag-aalala. Pansin ko rin ang panginginig ng kamay niya.

"Hindi ito maaari, Imposible.....Isa kang Fairy anak."

Napatingin naman ako kay Inay na pinapakalma si Itay. Hindi ko alam kung aaminin ko na ba sa kanila ang taglay kong kapangyarihan.

Pero ayoko namang isipin na, baka pag umamin ako ay lalayuan na nila ako at ituturing nila akong halimaw.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng pag mumuni-muni ko nung na-isipan ko nang sabihin sa kanila ang totoo.

Pero bago pa ako makapag salita ay bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Simon na hingal na hingal.

Kawawang Simon, napag-alaman ko kasing siya ang mensahero o tagapag hatid ng balita kila Inay at Itay.

Nakikita ko namang nakatigtig siya siya akin pero bigla rin siyang umiling-iling at binalik ang tingin kila Itay.

"L-Lord Tiron! Ang D-Demon! Sinasalakay tayo ng Demon!" tarantang sigaw niya.

MithalleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon