Chapter 4

570 75 9
                                    

Naranasan niyo na ba'ng magmahal at masaktan? Lahat naman siguro tayo ay nararanasan na iyon. Hindi nga ako naniniwalang hindi rin nagmamahal ang isang manhid dahil hindi siya magiging ganoon kung hindi niya naranasang magmahal at masaktan.

"Kelly, what if bumalik 'yung taong naging mundo mo noon? Tatanggapin mo ba ulit or hindi na?"

Kelly's and I currently here in the library. Hindi pumasok si Mr. Mundia sa halip ay binigyan niya lamang kami ng gagawin. Iyon ay magbasa ng aklat sa library tungkol sa sanaysay ng Pilipinas.

Ligtas din kami sa oral niya. Nagkaroon kasi ng emergency meeting ang lahat ng staffs kasama na ang librarian.

"Depende sa sitwasyon. Hindi naman kasi pwedeng tanggapin natin agad 'yung taong minsan na tayong iniwan kahit gaano pa kahabang panahon ang pinagsamahan ninyo noon. Alam mo iyon? Need din kasi nating mag-isip at baka magago na naman ulit," tugon nito at tinitigan ako. "Bakit mo nga pala naitanong?" Pinanliitan niya ako ng mga mata upang suriin ngunit hindi ko siya sinagot.

Psh.

Blag!*

"Kindly shut your fvcking mouth, you two?! Library ito at hindi palengke! Kung gusto ninyong pagchismisan ang kalandian ninyo, lumabas kayong pareho! Disturbo!" Hinampas ni Dahulo ang mesang ginagamit namin ngayon ni Kelly.

"Basta lalaki ang pag-uusapan, ang bibilis ng bibig!" Singit ni Jhondel, isa sa mga kaklase namin na nasa kabilang mesa.

Napukaw naman nun ang atensyon ng iilan at nagsimula nang magbulungan.

"Pakealam mo ba?! Karapatan naming mag-usap at wala ka namang karapatang sumabat! Kalandian ba kamo, pwes, aminado ako atleast minahal niya ako ng totoo! Eh ikaw?! May mapag-uusapan ka bang babaeng nagmamahal sa iyo noon? Sa pagkakaalam ko nga, laruan, parausan, punching bag, at useless lang kaming mga babae para sa 'yo eh! Kaya mo nga kami nagagawang saktan kasi kasiyahan mo iyon! Kaya walang nagmamahal at magmamahal sa'yo maliban sa mama mo! Mama's boy!" Tumayo ako at wala sa sariling nagbibitaw ng mga salitang iyon.

Napatahimik si Whyrhus at nandoon na naman ang matang nag-iiba ng emosyon. Mga matang nakikita ko kamakailan lamang.

Mas lumakas naman ang bulungan ng ibang estudyante sa loob ng library.

"S-Sorry," mahinang bulong nito bago nilisan ang silid-aklatan.

O_O

Tama ba ang narinig ko?

Nagso-sorry siya?

Tulala akong napatitig sa kaniyang likuran habang naglalakad palabas. Hindi ako makapaniwalang humihingi siya ng patawad.

Malaki ba ang epekto ng mga salita ko sa kaniya?

"Akalain niyo iyon? Nanghingi ng sorry ang taong kilala bilang kinatatakutan ng License University?"

"Idol na kita, Bella!"

"Mukhang umamo na ang tigre!"

Naging sigawan iyon ng lahat ngunit imbes na matuwa ay inuukit ng sitwasyon ang konsensiya ko.

"Paano kung nasaktan ko siya, Kelly?" Wala sa sariling tanong ko kay Kelly habang hindi pa rin maalis 'yung tingin ko sa pintuan ng library kung saan lumabas si Whyrhus.

Alangan namang sa bintana siya dumaan.

"Don't mind him, Bella. Umupo ka na muna." Hinila niya ako paupo at hinawakan ang mga pisngi ko upang iharap sa kaniya. "Tandaan mo, masamang tao si Whyrhus at malabong masasaktan iyon. Huwag mo na siyang alalahanin." Tumango lamang ako bilang tugon.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now