Chapter 10

390 62 10
                                    

"Hanggang kailan ba ako patatahimikin ng pagkalito?" bulong ko at pinagsundot ang mga hintuturo.

Una, fishtea'ng Kaiza 'to, ayaw magpakilala. Pangalawa, si Jay at Whyrhus. Panghuli ay babaguhin ko raw si Whyrhus, na siyang kakambal nito.

Babaguhin? Ano ba ang nakikitang rason ni Jay para ako 'yung atasan niyang makapagbabago sa taong ayaw ko ring makasundo.

Isa pa, ang hirap alisin 'yung sinabi niya. Mahal pa ba ako ni Jay?

Wala ako sa kuwarto, hoy!

Narito ako sa cafeteria, kumakaing mag-isa at nagmuni-muni. Hindi ko na sinama pa si Kelly kasi absent. Oo, alangan namang isama ko pa, 'di ba?

"Grabe, girl! Boyfriend mo na talaga si Whyrhus?" manghang tanong ng fishtea na satsatera.

Magtatanong na nga lang tapos lalakasan pa?

"Yes! Attention everyone! My name is Risha Arbie, the girlfriend of Whyrhus Alcomendras!" Wow! As in wow, edi sana all may jowa. Kapal mag-announce.

Naghiyawan naman ang lahat sa anunsiyong narinig mula sa lisa ng buhok, I mean Risha pala. Ganda ka, girl? Kapal-kapal nga ng make up mo eh.

"Mabuti't pinatulan ka pa ni Whyrhus…" siyang sabi ko at kumain.

"I heard something, Risha!" kinginang sumbong ng alagad ni lisa.

Apat 'yung alagad niya. Hindi ko kilala kasi look oh, wala akong pake.

"What is it, Xiane?" Tiyan, raw? Shan pala.

Nakita ko namang bumulong si tiyan kay lisa at ito namang lisa na 'to ay gulat na gulat ang reaksiyong nakatingin banda sa akin.

Well, magkatabing table lang talaga kami hihi.

"Honeziel, KC, Xiane, sugod!" Rinig kong mukhang tanga na utos ni lisa—Risha.

Sumunod naman sa kaniya ang mga kulungo.

"Pakiulit nga ng sinabi mo! Narinig ni Xiane iyon!" Biglang singhal ni sino iyon? Ay ewan!

"Look oh, wala akong pake," naka-pout kong tugon at pinagsundot muli ang aking mga daliri.

Ginagawa ko lang talaga iyon upang mang-asar. Sino ba naman kasing may sabi na pagiging immature iyon? At sino ba naman kasi ang nagsasabing isip bata ang isang Maria Isabella Sarmiento?

Char, trip ko lang. Isip bata pa talaga ako ehe.

"I heard na mabuti raw at pinatulan ka ni Whyrhus!" sigaw ni tiyan.

"Ang oa niyo naman! Iyon lang? Inaway niyo na ako? Sumbong ko kayo sa papa ko! Ipapamulto ko kayo! Awoh!" Umakto naman kong parang minumulto sila.

Tuwid na tuwid ang aking mga kamay ngunit hindi ang aking ulo.

Umugong naman ng tawanan sa cafeteria na siyang inunahan ng apat na kulungo na nasa harapan ko.

Marami pong nakakakita, obviously.

"Tama nga si gummybear Whyrhus ko, stupid monkey ka ngang talaga," komento niya at muling natawa.

Yucks! Gummybear? Yucks!

"Dahan-dahan sa pagtawa, baka malunok ako. Kasing laki pa naman ng isang palanggana ang bunganga mo," ani ko na siyang nagpatamik dito at tiningnan ako ng masama. "Pati kayo!" Turo ko sa lahat.

"How dare you!" Sinugod ako ni Risha at mabilis na sinabunutan. Sumunod din ang mga alagad niyang kulungo at kinuha ng isa sa kanila ang juice ko't mabilis na binuhos sa akin. Pati na ang spaghetti'ng hindi ko pa nauubos ay deritso sa aking buhok dahilan upang umakyat sa ulo ko ang aking dugo.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now