Chapter 30

321 46 4
                                    

Nagpunta agad kami sa bahay nila Whyrhus kinaumagan kasama si mama. Labis ring nabahala ang aking ina at sinisisi pa ang kaniyang sarili.

"Ma, wala kang kasalan. May nangyari rin sa iyo." Pilit kong kinokompronta ito habang nasa biyahe kami.

"Edi sana ay mas nabantayan siya ni Whyrhus. Edi sana ay mas naalagaan at nakakausap niya pa si Jay." Kinakabahan siya sa bawat salitang binibitawan.

"Ano ba talaga ang nangyari, Whyrhus?" Bumaling ang tingin ko kay Whyrhus habang seryosong nagmamaneho.

"I don't know either," mahina at matipid niyang sagot.

Ilang minuto pa ay nakarating agad kami sa mansion. Dali-dali na kaming pumasok at nagtungo sa kuwarto na kami dumiretso nina mama at Whyrhus sapagkat iyon ang sabi sa amin ni mama Kaiza.

Habang papalapit kami sa pintuan ay mas lalo akong kikabahan. Hindi ko na maipaliwanag pa ang kabang nararamdaman. Halos hindi ko na rin maramdaman ang sarili. Nanlalamig na rin ako. Maging si mama at napahawak na ito sa akin. Dahan-dahan at nasa harap na kami ng pintuan.
Alas singko pa lamang ng umaga ngunit nakarinig na ako ng mga hikbi sa loob. It was my biological mother, Kaiza.

Pinihit na ni Whyrhus ang pintuan at tumingin pa sa akin bago ito binuksan. Napalunok ako nang unti-unti ko nang nasisilayan ang nasa loob ng silid.

Napatakip ako ng bibig sa nakita.

May isang taong tuwid na nakahiga sa kama at nakatakip ng kaniyang sariling kumot. Jay…

"He passed away at 2:30…" Panimula ng aking tunay na ina habang humihikbi.

Halos manigas ako sa aking kinatatayuan na kumpirmadong wala na nga siya.

"What happened to him?" Seryoso pa rin si Whyrhus. Kung kaninang madaling araw ay sobrang luha ang ibinuhos nito, ngayon ay tila wala na siyang mailuha.

Nakakuyom rin ito at tila ba pinapakitang matapang pa rin kahit alam kong gusto na nitong magluksa. Ayaw pa rin bumuka ng mga bibig ko. Ayokong maniwala. Ayoko. Sa hindi malamang rason ay biglang binuksan ni mama Kaiza ang telang nakatakip kay Jay.

Mulat na mulat iyon at nakangisi na siyang ikinaindag ko.

"JAY!" Napasigaw at nagising ako mula sa isang weirdong panaginip na iyon.

Nagtinginan naman ang lahat at napagtantong nandito pa rin kami sa hospital habang binabantayan ang aking ina at nakikitang naalimpungatan si Whyrhus sa sigaw kong iyon.

"You okay, Bella? Bakit ka sumisigaw? Ano ang meron kay Jay? Pawis na pawis ka ata." Hinawakan niya naman ako. "Ang lamig mo pa."

Nanatiling nakatikom ang aking mga bibig at nakatitig lamang sa taong kaharap ko ngayon na alalang tiningnan ako. Mabilis kong binaling ang tingin sa ina. "Nagising na ba si mama simula kagabi?" I asked confusedly.

"Hindi pa, why?"

"Lumabas ka ba kagabi o kaninang madaling araw sa hospital?" Iniisa-isa ko siya, sadyang kakaiba lang talaga ang napanaginipan ko.

"No. Ano ba ang nangyayari? Is it a bad dream?" Tumango lamang ako at wala sa sariling binaling sa kaniya ang atensiyon.

"Nakausap ko si mama sa panaginip. Nagising ako nang wala ka dun at saktong nagising din si mama. Pinapahanap ka niya sa akin sa labas ng hospital at natagpuan kita na nakasandal sa kotse mo. Nilapitan kita, sobrang lamig mo sa mga sagot mo nang tinanong kita…" Huminto muna ako, ayokong magpatuloy dahil ayokong banggitin sa kaniya ang nangyari. Tila ba totoo ang panaginip ko sapagkat sobrang detalyado ito. Sana nga ay hindi iyon mangyari sa totoong buhay.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now