Ngayon ay buwan na ng Oktobre. Hindi naging mabuti sa akin ang Setyembre dahil nito lang nakaraang linggo ay nabalitaan kong muntikan nang magpakamatay si Bella.
Hindi na kataka-taka ang rason niya. Iyon ay pagtingin sa sariling walang silbi dahil hindi na ito makakakita.
"Is she okay now?" tanong ko kay Whyrhus.
Narito ako sa classroom nila. Pinapasok naman ako ng mga kaklase niya kahit excluded lamang ang classroom nila for them.
Alam na rin nilang kambal ko ang kaklase nila nang sumama ako sa hospital. Gulat na gulat ang kanilang reaksiyon nun ngunit hindi sila gumagawa ng tunog sapagkat ayaw nilang marinig ni Bella.
Nagtataka kasi sila kung sino ba talaga ako. Una nila akong nakita sa kaarawan ng anak ni tita Gail at bakit nasa hospital na naman daw.
Kumuha ako ng papel at ballpen saka isinulat at pinahayag sa kanila ang totoo sa pamamagitan ng pagsulat nito habang kinakantahan ni Whyrhus si Bella.
"She's now stable." Napahinga ako ng maluwag na para bang nabunutan ng tinik ang aking puso sa narinig.
"Thanks God. Sabagay, hindi niya rin maiiwasang hindi isipin na mawala na lang sapagkat ganoon ang kaniyang lagay," mahinahong tugon ko.
Lumapit ang iilang mga kaklase ni Whyrhus sa amin at umupo sila sa sahig nang nakapalibot sa amin.
My twin and I has no choice but to sit beside them.
"Wala pa kayong klase?" takang tanong ko. Ayoko ring mahuli na narito ako.
"Ang bilis ng lumipas ng mga araw. PE na naman huhu but no need to worry kasi mabait naman si Mrs. Marpe." Napalingon ako sa babaeng nagsalita, hindi ko siya kilala pero maganda rin naman. "By the way, my name is Ladylica." Oh, nabasa niya ata ang iniisip ko.
Ngumiti lamang ako sa kaniya at napatitig sa sahig.
"Grabe na pala 'yung pinagdaraanan ni Bella, 'no? Ni hindi man lang natin siya natanong. E kasi naman ang tapang-tapang niya lalo na kapag inaaway siya nitong Whyrhus na 'to," tila naiinis na sabi ng isa sa mga kaklase niya. Napatingin ako sa kaniya at napangiti ito sa akin, "Elaine, by the way." Huta, nababasa ba nila ang iniisip ko?
"Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag matapang ka na sa harap ng maraming tao ay matapang ka na rin sa patagong sitwasyon. Minsan din kasi, ang pagiging matapang sa publiko ang siyang nagiging daan upang hindi mahalata ang kinakaharap mong mga pagsubok sa likod ng pribado mong kuwento…" She's freakingly right. It was also me.
I need to be strong, no choice eh.
"Ano ang pangalan mo, Miss? Sang-ayon ako," I asked and smiled.
"Jamicah," matipid niyang tugon.
"Isa pa, katapangan naman talaga ang pinapakita ni Bella. Kasi biruin niyo? Noong hindi pa siya bulag, nakakaya niya lahat kahit siya lang. Bilib na bilib ako sa kaniya, lalo na 'yong time na nililigtas niya ako mula kay Whyrhus ngunit hindi niya ako magawang iligtas mula sa palad ni Alcomendras sapagkat umiwas siya." Napatawa ang lahat sa kuwentong binahagi sa amin ng babaeng may apat na Mata.
"Grabe iyon, Angel!" Hindi ko na kailangan itanong ang pangalan niya sapagkat nabanggit iyon ni Whyrhus.
Napatawang muli ang lahat.
Pasaway ka ngang talaga, Whyrhus.
May 10 minutes pa bago ang susunod na asignatura nila.
"Hindi na ako magtatagal pa, mga ilang minuto siguro ay magpapaalam na ako," paalala ko.
"Huwag muna, ngayon ka na nga namin nakakausap eh, saka isa pa, hindi naman magagalit si Mrs. Marpe. Promise, sobrang bait nun. 'Di ba, Whyrhus?" Si Elaine ata ang nagsasalita eh, ahaha ewan.
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Teen Fiction"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...