It's me, Jay. Whyrhus's twin brother. Well in fact, he's our mom's favorite son even dad wants him to inherits his company in the near future.
While me? I think I'll be inherited nothing. Hindi ko alam kung bakit hindi naging patas para sa akin ang mundo.
Hindi lang kami magkapatid ni Whyrhus bagkus magkakambal pa. Paano nagawa ng mga magulang namin ang pagiging unfair?
Nilagok ko lahat ang laman ng isang beer-in-can at nagsimulang magmuni-muni.
Nasa madilim na sulok ako ng aking kuwarto at sampung can na ang nauubos ko.
Tulala, maraming iniisip, at problemado.
Para akong baliw sapagkat natatawa ako kahit hindi naman dapat. Isa pa, kahit ang sarili kong desisyon ay kontrolado ng aking pamilya, katulad na lamang sa pagpili ng taong gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.
Bella and I has a charming relationship way back then but little did we know, Whyrhus was always there to spy us. Hindi ko alam na palagi niya pala akong sinusubaybayan every time na aalis ako ng bahay at saka lamang susundan kapag hindi ko siya namalayan.
Ilang beses pang naulit ang set up na iyon hanggang sa unti-unti na akong makaramdam ng kakaiba para sa kakambal ko.
Hindi kami nito magkasundo, kahit kailan. He always even punched me without any reason and ignored me.
Palagi rin akong naiiwan sa maids tuwing aalis silang tatlo nina mama at papa upang ipasyal siya sa company ng aming ama.
Ramdam ni Whyrhus ang pagkakaroon ng masayang pamilya at nararanasan niya kung paano tratuhin ng isang ina at ama. Whyrhus have everything, he can get whatever he wants.
Eh ako? Manghihina lamang habang tinitingnan ang kakambal sa tuwing may bago itong laruan noon. Sa tuwing inaalagaan siya ni mama. Sa tuwing kinakamusta siya palagi. Sa tuwing hinahandaan siya kapag may okasiyong sasalihan. Sa tuwing hinahalikan ito sa kaniyang pisngi. Sa tuwing nakikipagbiruan sila sa isa't isa. Animo'y perpektong pamilya at sadyang hangin lamang ako para sa kanila.
Sobrang inggit ang nararamdama ko kay Whyrhus ngunit hindi ako nagtatim ng galit sapagkat mahal ko ang kapatid.
Habang lumalaki kami ay mas lalong lumayo ang saloobin nito sa akin at mas lalo niya lamang akong hindi kinikilala bilang kapatid.
Ang tingin niya sa akin ay kaagaw at sampid lamang...
Hindi ko alam kung bakit mas lalo lang siyang nagagalit sa akin. Wala akong makitang sapat na dahilan upang kamuhian niya.
May nagawa ba akong hindi pasado sa gusto nito?
Even our Bella's relationship.
He ruined my happiness and he wanted to broke me up with Bella.
*Flashback*
"Nice, kaya ka pala laging umaalis ng bahay para sa babaeng pandak na iyon." Akmang ila-lock ko na ang pinto nang biglang magsalita si Whyrhus mula sa aking likuran.
Nagulat ako sapagkat paano nito nalaman ang tungkol kay Bella? Alam kong siya ang tinutukoy niya.
"Excuse me?" Lumapit ito sa akin at kinuwelyuhan ako.
"You are not allowed to have a girlfriend, Jay!" Pigil ang kaniyang pagsigaw kung kaya't diniin na lamang niya ang bawat salitang binibitawan, maging ang pagdiin din ng aking sarili sa pintuan.
"I do have, Whyrhus! It's my own decision and you can't stop me! Mahal ko siya!" Pigil na sigaw ko rin sa kaniya.
"Mahal? Sa tingin mo ba ay may magagawa ang pagmamahal na iyan para mahalin ka rin nina mama at papa?!"
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Teen Fiction"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...