Chapter 16

338 51 3
                                    

"Gising na si Bella!" Masayang anunsiyo ko at nagpalundag-lundag pa sa loob ng classroom.

"Wah! Talaga, Kelly?!" Masayang tanong ni Joany. Tumayo naman ito at niyakap si Jhondel. Yuck, makaharot lang eh ano?

"Ahihi, sorry. Ang guwapo mo kasi—ay este masaya lang ako kasi gising na si Bella," palusot ng malanding b¡tch na ito.

Ngumiti naman si Jhondel at kinati ang batok na tila ba nahihiya. Namula pa nga eh.

"Uwu, arat na kay Bella!" Excited na pag-anyaya ni Elaine.

Napangiti ako dahil sa wakas ay binibigyan na nila ng pansin ang kaibigan kong ako lamang ang malalapitan noon.

'Bella, marami ka nang malalapitan sa tuwing kailangan mo ng masasandalan

Napaluha naman ako, tears of joy. Nag-text kasi si tita Zymie sa akin. Nabasa ko lang matapos mag-dismiss ni Mr. Mundia.

"Is it true?" Pagkumpirma ni Whyrhus.

"Yes!" Todo ngiti kong tugon at sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang bahagyang pagngiti ni Whyrhus. Masaya siya sa binalita ko!

"So, kailan tayo pupunta?" tanong naman ni Harry. "May pasok pa tayo kay Mrs. Marpe," dagdag niya pa.

After naming binisita si Bella noong unang nasa hospital kami ay agad din naming sinabi sa mga guro namin ang nangyari kinabukasan. Labis silang nalulungkot sapagkat panandaliang hindi nakumpleto ang isang dosenang seksiyon.

"Right after our classes," awtomatikong sagot ni Whyrhus at umupo ito sa kaniyang silya.

Napatango na lamang kaming lahat bago umupo sa sariling mga silya at siya namang pagdating ni Mrs. Marpe.

"Good day, class!" bati nito na siyang nakatanggap naman ng tugon mula sa amin.

"So, we will have a recitation today but before that, may I know Ms. Sarmiento's status at hospital?" She raised her brows and waited us to answer.

"She's already awake, ma'am." My genuine smile plastered on my face and she did the same.

"Wow! Good to know. When? Did you already visited her?" Nagagalak na tanong ni Mrs. Marpe.

"Not yet, ma'am. Kani-kanina lamang po siya nagising. Excited na nga po kaming puntahan siya eh," singit ni Elaine.

Mrs. Marpe is a very bright instructor. I love her smile, approachable, and she is too benevolent teacher.

Twice in a week lang ang klase niya sa amin at iyon ay ang PE.

"Then why not try to visit her now?!" Tuwang-tuwa niyang announcement dahilan upang maghiyawan ang lahat. "You are all saved to my recitation. Bella needs you now. She needs your presence. I know, na-miss niyo na siya kasi isang linggo ring na-comatose ito," she genialy said.

Sobrang bait niya. Hindi lang siya isang guro but a parent too who cares for her students—her children.

Mas binibigyan niya pa ng pakealam ang kaklase namin kesa sa recitation nito.

That is the definition of being a teacher.

"Talaga po, ma'am?" natutuwang pagkumpirma ni Mark.

"Yes! Paniguradong matutuwa si Bella nito!" Sinundan naman nito ni Daniella.

"Wah! Ano? Tara na?" Jamaicah.

"But before that, Whyrhus. Can you answer my question? I have been heard a lot about being you. Sadyang na-curious lamang ako kaya tatanungin na kita," biglang nagsalita si ma'am dahilan ng aming pagtitinginan at napaayos ng upo upang bigyang respeto ang guro. "Tell me about your insight or understanding about the word 'self'." Umupo ito sa teacher's table at hinintay si Whyrhus.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now