Chapter 7

445 61 2
                                    

"Guys, birthday ng kuya Yaniko ko, punta kayo sa bahay ah?! Invited kayong lahat!" Masayang anunsiyo ni Daniella, isa sa mga kaklase ko.

Kung natatandaan niyo ang sinabi ko. We are just 12 in our section. Let me introduce them…

1. Alcomendras, Whyrhus
2. Balnig, Jhondel
3. Gumadlas, Mark
4. Zamora, Harry
5. Aquino, Ladylica
6. Danias, Elaine
7. Del Valle, Angel
8. Fransico, Kelly
9. Hernandez, Daniella
10. Lopez, Joany
11. Prats, Jamaicah

And lastly is myself…

12. Sarmiento, Maria Isabella.

1 week na rin ang makalipas nang kinausap ako ni Jay at ang kaganapang nag-concert si Dahulo sa classroom.

"Talaga, Daniella? Prepare mo na lang 'yung inumin." Makapal na saad ni Elaine. Ito ba 'yung peace officer namin? Babaeng tao, nagpapahanda ng alak.

"Naks! I second the motion Elaine!" Segunda ni Harry.

"Kailan ba 'yan? Nag-invite ka lang pero hindi mo sinabi kung kailan. Complete the announcement, please!" Kapal naman ng Dahulo na 'to. Sabagay, tama nga naman siya pfft.

"Tonight!" sagot ni Daniella.

"Good," matipid nitong sabi.

"Kelly, pupunta ka?" tanong ko kay Kelly.

"Yes! Ako pa. Besides, pinapayagan naman ako nina mama't papa kaya no worries," she grinned and clapped her hands. "Eh ikaw?"

"Pupunta ako," deritsang tugon ko.

By the way, bati na kami ni mama ngunit hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung sino si Kaiza. Misteryosong Kaiza.

Sasakit lang ulo ko nun pero mas masakit kung walang ulo kaya dadalo ako sa bertdi tutal invited naman kami. Why not? Kainan na eh. Char.

In behalf, hindi na nagpakita pa si Jay sa akin. Gusto ko na rin siyang makausap huhu.

"Daniella, anong oras nga pala?" tanong ng sinuman.

"6:50pm dapat naroon na kayo sa bahay. Malapit lang naman ang bahay namin, sa isang subdivision malapit sa school na 'to at ang unang bahay na katabi ng gate. Special ang araw na iyon kay kuya Yaniko sapagkat pinagsabay rin ang proposal na magaganap para sa girlfriend niyang si ate Eraiza. Sana makadalo kayo!" Aw, how sweet.

"Wow, sana all may jowa!" napalingon naman kami nang marinig ang boses ni Mr. Dechos, ang instructor namin.

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbabalik namin sa upuan at maagap na nagsiayos.

"G-Good afternoon, sir," awkward na bati ni Ladylica.

Terror kasi si sir at hindi madaling itumba, char. I mean nakakatakot siya kahit sabihin pa natin mas makapangyarihan ang mga estudyante kesa sa kanilang mga guro.

"Good afternoon! I have questions about different types of crimes and you need to answer it directly. If you don't, expect the low grades for this subject! I can't mark you failed but I can give you the lowest grades that you are not wanted to have. Understood?!" Sir, hinay-hinay sa Ingles, mahihina ang kalaban.

"Yes, sir!" we answered actively.

"Now, I call a random student to answer. Let us start with Ms. Ladylica Aquino. Okay, give atleast a type of crime and define it."

Tumayo naman si Ladylica at sumagot. "Child abuse, sir. Like, treating a child badly in a physical, emotional, or sexual way." Sus, ang dali lang naman niyan eh.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now