Ilang buwan na rin ang makalipas simula noong mangyari sa akin ang isang aksidenteng nakapagbabago sa buhay ko. Minsan ko nang maramdaman ang pagbaba ng tingin ko sa sarili.
Do I really deserve to be alive again? Bakit ko ba naman kasi hindi pinili ang ama?
"Lumaban ako kasi akala ko magiging okay na ang lahat, pero ba't mas lalong lumala pa?"
"Paano ko mariresulba ang problema kung mismong sarili ko ang problema?"
Wala na akong balita tungkol sa mga kaklase ko, lalong-lalo na sa kaibigan kong si Kelly. Hindi rin naman kasi nila alam ang eksaktong lokasyon ng tirahan namin ni mama. Hindi ko na rin pinaalam sapagkat hindi naman nagtanong. Nakalimutan na kaya nila ako?
Miss ko na ang pumasok sa school, miss ko na ang kuwarto ko kahit nandito naman ako, gusto ko lang kasing makita ito ng buo dahil tanging dilim na lang ang kaya kong makita. Miss ko na ang larawan namin ni papa. Nami-miss ko na lahat, pati na ang mga ngiti ng aking ina. Gusto ko na ring masilayan ang tunay na itsura ng aking ina. Higit sa lahat, nami-miss ko na ang taong minsan na rin akong binuo nang hindi niya man lang napapansin. Gustong-gusto ko na muling marinig siyang kumakanta at nakikita na siya.
Makakakita pa kaya ako?
Nakaupo ako ngayon sa sahig at nakalapat ang likuran ko sa kama at napahiga naman ang ulo ko na tila ba nakaupong tinitingala ang kisame kahit wala akong makita.
Katatapos lang akong pinakain ni mama Zymie. She's a real hero... kahit hindi siya ang tunay kong ina ngunit iyon ang pinapakita niya. Nagiging responsibilidad niya ako simula pa man noon. Masyado na akong maswerte, sa kaniya pa lamang.
I can't bath without her.
I can't eat without her.
I can't be strong without her.
In short, I can't live without my mama.Siya ang nagsilbing pangalawang haligi ng buhay ko. Siya ang naging sandigan sa tuwing sukong-suko na ako. Siya ang nagbibigay lakas sa tuwing down na down na ako. Siya ang inspirasyon kong lumaban kahit may parte sa akin na ayoko na.
One week ago nang maisipan kong putulin ang sariling buhay. Nawalan ako bigla ng gana pero naroon ang aking ina upang payohan ako.
I just cried and cried, ang useless kong tao.
Gusto ko nang makakita ngunit sino namang tanga ang makikipagpalit sa sitwasyon ko? Nakatatawa naman kung magiging bulag siya dahil sa akin? Ano ako, gold?
Napaluha na lamang ako sa mga palaisipang iyon at ilang minuto pa ang makalipas ay hindi ko na namalayang makatulog sa ganoong posisyon.
"Bella, Bella, wake up... it's dinner time. Jusko, bakit hindi ka na lang nahiga sa kama?" Naalimpungatan ako nang bigla akong gisingin ni mama. Gabi na pala?
Inalalayan niya akong umupo sa aking kama.
"Anong oras na po ba, ma?"
"It's 7:46pm," matipid niyang tugon. "May ibabalita nga pala ako sa'yo. Dalawang good at isang bad." Ha?
"Po?"
"Which do you like me to tell you first? Good or bad?" Hindi ko makita ang reaksiyon niya ngunit alam kong masaya siya na malungkot na hindi ko maintindihan base sa tono ng kaniyang pananalita.
"Good, please," tugon ko na lamang.
"Tumawag sa akin si Kelly, tinanong kung ano ang address natin. Hindi raw sila agad nakapag-update about you sapagkat naging abala sila sa school. I texted already our address and they will came for you. Bibisitahin ka nila, Bella anak." Napatakip ako ng bibig dahil sa tuwa.
"Talaga po?! Lahat sila? Lahat ng mga kaklase ko?" Ibig sabihin ay pati si Whyrhus!
"Yes, Bella, at iyon ang unang good news. Pangalawa, may eye donor ka na. Tatlong araw mula ngayon ang schedule ng operasyon mo at ng taong iyon. Kusa niyang ibibigay ang mga mata mo para sa iyo, anak. Handa siyang maging bulag para sa iyo kasi iniisip niya ang kapakanan mo. Ipangako mong aalagaan mo ang mga mata niya, naiintindihan mo?" Hindi agad ako nakasagot sa balitang iyon. Biglang kumabog ang puso ko at animo'y tambol sa sobrang kaba.
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Teen Fiction"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...