Chapter 12

363 55 3
                                    

Ano ba naman 'to oh? Hindi ako mapakali.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan, na animo'y hindi na ako makahinga pa dahil sa kabang nararamdaman.

Kaninang umaga pa ako ganito. Pati teachers namin ay napapatanong na kung ano ang problema.

Nanlalamig na rin ang aking mga kamay at pinagpapawisan. I really don't understand this kind of nervousness.

It was my first time to feel like this, "How the fvck is going on right now?"

Pabalik-balik ako sa paglalakad sa loob ng classroom. Absent si Bella, huhu wala akong makakausap ngayon.

"Oh? Wala ang unggoy mong kaibigan? Pity." Hindi ko na lang pinansin pa si Whyrhus at nagpatuloy sa pagbabalik-lakad.

"Kelly, para ka namang nababaliw diyan!" komento ni Joany.

"Luh, para ka namang tanga diyan. Hindi lang pumasok si Bella, nawawala ka na sa katinoan?" Angel.

"Manahimik kayo, puwede!" Sigaw ko dahilan upang manahimik ang mga ito.

Kring… kring… kring!*

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at mabilis na sinagot ang tawag ni Bella.

"Bella!" Masayang bungad ko.

"I-Ikaw ba ang k-kaibigan n-ng anak ko?" Nawala ang aking ngiti sa narinig. Utal-utal ang boses nito at tila umiiyak.

"Y-Yes po, tita. Bakit po? Si Bella po? Papasok ba siya ngayon?" Napalingon ang lahat sa akin at masinsinang nakikinig sa usapan namin.

Ni-loud speak ko ang telepono upang ipamukha sa kanila na papasok ang kaibigan ko kahit hindi ako sigurado dahil sa tono ng boses ni tita.

"She's on the hospital. Comatose ang a-anak ko," tugon nito.

"T-Tita, p-prank po ba i-iyan?" Nanatili akong positibo though there's on my mind that it was true.

Nakita ko rin kung paano magulat ang lahat. Tiningnan ko si Whyrhus ngunit nag-iwas ito ng tingin sa akin.

"Na-hit and run si Bella kagabi. Her head was thud that hard, even her eyes." Jusko!

I heard my classmates gasped.

Nanginginig kong binitawan ang telepono at napatakip ng bibig sa gulat. Napaluhod ako nang dahan-dahan dahil para na akong nauubusan ng lakas.

Ito ba ang ibig sabihin ng kabang nararamdaman ko?

"Jusko, kaya pala hindi siya pumasok,"

"Luh, but how?"

Hindi ko na pinansin pa ang mga bulungan nila sapagkat pati ako ay naguguluhan din. Paano? Ano ba ang problema ni Bella?

Binaba na rin ni tita ang tawag gamit ang numero ni Bella at t-in-ext niya sa akin ang address ng hospital.

Bago pa man makarating ang panghuling subject instructor ay lumabas na ako ng classroom upang puntahan ang kaibigan.

Jusko, tulungan mo po siyang magising ulit. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigang tulad ni Bella.

Her eyes… sana okay lang ang mga mata niya.

Napaiyak na lamang ulit ako ngunit mabilis itong pinahiran upang makita ang dinadaanan.

Bago pa man ako makababa ng hagdan ay may biglang humila sa braso ko.

"Can I go with you?"

"At ano ang karapatan mong bisitahin si Bella?" agarang tanong ko kay Whyrhus at hinila ang aking braso mula sa kaniyang pagkakahawak.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now