Isang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang aking ina. Isang buwan na rin simula noong nakakakita na ako, at isang buwan na rin ngunit hindi pa natutukoy ang donor ng mga mata ko.
3 weeks ago, hindi ko na pa maiwasang hindi umiyak sapagkat nami-miss ko na si mama. Umuwi na rin si Kelly sapagkat sinabihan ko siyang kaya ko na ang mag-isa. Ayaw sana nito dahil iyon ang pinangako niya kay mama ngunit naging mapilit ako.
Umalis sa araw na iyon kasabay nang pagbabalik tanaw sa kapaligiran. Nagmuni-muni at muling nakaramdam ng kalungkutan. Paulit-ulit na tinatanong sa aking sarili kung nasaan na si mama Zymie.
Nagtataka na ako kung saan siya nagpunta. Ni minsan ay naisipan ko na ring ang katagang, "Baka siya ang donor ko ngunit nasaan si mama?"
Nandito ako ngayon sa bubong ng bahay, gabing-gabi na. Alas nuwebe ngunit ligtas naman ang lugar na ito.
Napatingala ako sa kalangitan. Ang gandang tanawin, feeling ko nakangiti ang buwan at mga bituin sa akin na siyang dahilan nang aking pagngiti.
"Night is not boring when you are with stars and moon," wala sa sariling bulong ko at malalim na bumuntong hininga.
Bumalik ang tagpuan sa hospital. Siya ba talaga ang tunay kong ina? Paano niya ako nakilala gayong saka lamang kami nagkita? At paano niya nalamang nasa hospital ako? Posible bang may napagkuwanan siya ng impormasyon? Mayaman ito sa kaniyang kasuotan at sigurado akong kaya niyang makuha ang lahat lalong-lalo na kung gugustuhin nito. Siguradong iyon ang ginagawa niya para mahanap ako.
Isa pa, isang buwan ko nang pinag-isipan ang sinabi ni Kelly. Magkapatid kami nina Jay at Whyrhus? Ngunit paano? Sila ba ang mga kuyang nabanggit ni Kaiza? Ngunit imposible…
Tatlong buwan lamang ang agwat namin ni Jay. Oo nga pala! Nabanggit ni Jay noon pa na magkakambal sila ni Whyrhus, ibig bang sabihin ay totoo iyon? No, ayokong paniwalaan…Dali-dali kong kinuha ang telepono at d-in-ial ang numero ni Kelly. Kailangan ko siya. Kailangang masagot lahat ng katanungan ko.
Ilang ring lamang ay sinagot ni nito, "Hello, Bella? Napatawag ka? May kailangan ka ba?" pag-alalang bungad niya.
"Kelly, I need you. Sorry sa disturbo pero kailangan kita," pagmamakaawang tugon ko.
"Oh sige-sige, wait. Antayin mo ako diyan. Jusko, kinabahan naman ako sa iyo." Pinatay niya ang tawag at halatang nagmamadali ito.
Kelly is a good friend, sobra siyang maaalahanin, at parang kapatid na ang turingan naming dalawa. Sobra akong blessed dahil siya ang naging kaibigan ko. Ni hindi niya nga ako gustong nakikitang malungkot, maybe someday, makababawi ako.Ibinulsa ko ang telepono at bumaba na ng bubong. Aabangan ko siya sa sala.
Gabi na ngunit mas pinili niya pa ring pumunta. Ang swerte ko.
20 minutes na ang nakalipas ngunit wala pa siya. Kinabahan tuloy ako. Malayo ba ang tahanan nina Kelly?
Nagpabalik-balik na ako sa paglalakad dito sa sala. Kabado.
Dingdong! Dingdong!*
Muntikan pa akong mapatalon nang tumunog ang doorbell! Si Kelly!
Dali-dali akong nagtungo roon at hindi nga ako nagkamali dahil si Kelly ang dumating na may dalang pizza at bag. Siguro mga damit niya iyon. Para naman 'tong naglalayas oh.
"Pasok, Kelly! Salamat!" Ni-lock ko ang gate at mabilis na kaming pumasok sa bahay. Ni-lock ko na lahat-lahat at siniguradong ligtas na kami. Sa silid ko na kami dumiretso at ni-lock narin pati ang pintuan ng kuwarto. Nilapag ko ang dalang pizza niya sa kama. Well, natatakam ako kasi paborito ko iyon.
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Teen Fiction"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...