"Grabe! Ang ganda ng venue, Bella!" Manghang-mangha si Kelly sa desinyo ng venue, maging ako.
Ang daming chandelier, ang daming tables at chairs na sobrang ganda ng designs, at higit sa lahat ay maraming pagkain.
Food is life, natatakam ako sa letchon nila. Gusto ko na tuloy kumain huhu.
"Hello, Bella, Kelly, Harry, Mark, Jhondel, Elaine, Joany, Angel, Jamaicah, Ladylica—oh kulang kayo, where is Whyrhus?" takang tanong ni Daniella matapos kaming batiin isa-isa.
"Ewan, baka maya-maya pa iyon," alistong sagot naman ni Angel.
Fishtea, nararamdaman ko talagang may gusto siya kay Whyrhus. Edi kayo na! Tutal bagay naman kayo sa isa't isa, mga pangit.
Napairap naman ako sa hangin at kumain na lang ng letchon—charot, hindi pa nga nagsisimula 'yung party eh huhu. My baby letchon!
"So maupo muna kayo rito ha?" Malaki at bilog ang mesang inihanda para sa amin. Kasya ang isang dosenang tao sa mesang ito at paniguradong pinaghandaan nga nila ang party. "May aasikasuhin pa ako. By the way, you look so gorgeous tonight, Bella." Ang aking puso ay nag-jump-jump huhu. Na-touch naman ako.
Ang dami namin dito tapos ako lang napansin niya? Sabi ko naman kasi, 'di ba? It is time to glow.
Nakasuot ako ngayon ng puting off shoulder dress na above knee. Medyo tumangkad rin si pandak na ako dahil sa suot kong 3 inches na sandal. I wear my moon necklace and my moon earrings na siyang bumagay naman sa suot ko. Pinumpong ko naman ang aking buhok ngunit may iilang hibla ang aking itinira para sa gilid ng aking mukha. I wear light make up too. Kaunting smile, cute na ako!
Yehey! I flipped my hair kahit walang napi-flip kasi nga ay nakapumpong. Wala lang, trip ko lang.
Magaganda rin naman nga kaklase ko eh, especially si Kelly na muse namin.
"Grabe ka naman, Daniella. Si Bella lang?" kunwaring nagtatampo ni Mark at umaktong parang isang babae dahilan ng aming tawanan.
"Of course, magaganda kayong lahat lalo ka na, Mark. Oh siya iiwan ko na muna kayo ah? Wait for Whyrhus." Umalis naman kaagad si Daniella na siyang saktong pagdating naman si Whyrhus.
Oh shit!
Heto na naman ang paligid na tila humina sa pagtakbo, mga boses na tila hindi mo na maririnig.
Pawis na pawis si Whyrhus at kitang-kita iyon sapagkat hidi naman ganoon kadilim ang set up ng party. Saan ba siya nanggaling?
Masyado itong maporma ngayon at inayos ang kaniyang buhok habang nakatitig sa akin. Tama ba itong nakikita ko? Nakatitig siya sa akin?
I can't stop to mouthwatering—joke.
Unti-unti naman itong lumapit sa akin at hinawakan ang baba saka ito itinaas ng bahagya upang tumikom ang nakanganga kong bunganga.
"Masyado mo naman ata akong pinagpapantasiyahan, Ms. Maria Isabella Sarmiento." Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niyang iyon at halos mabalot na ng kahihiyan sa katawan.
Napatawa naman ang mga kaklase ko dahilan upang mamula ang aking mga pisngi bunga ng kahihiyan, saka naman ako tumungo sa sahig upang iwasan ang kanilang mga tinginan.
Naramdaman kong umupo na si Whyrhus ngunit sa aking tabi.
"How dare you to upu-upo beside me?" I yelled but he just ignored me.
Hindi pa rin naman masyadong marami ang mga bisita at malabo nilang mapansin ang pagtaas ng tono ng aking boses sapagkat kanina pa may tugtog.
Tumayo ako upang magpahangin na muna nang bigla niya akong pinatid dahilan upang mawalan ako ng balanse at…
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Teen Fiction"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...