Chapter 17

335 50 0
                                    

"Bella." Isang tinig ang aking narinig sa isang lugar na hindi ko alam kung nasaan ito.

Nakatayo ako sa isang espasyong puro puti lamang ang makikita. May sinag ng araw ngunit hindi iyon masakit sa balat kahit sobrang liwanag nito.

Nananaginip ba ako?

"Bella." Muli kong narinig ang boses nito. Sino ba 'tong Bella nang Bella?

"Manong, bakit niyo po ako tinatawag? Lumabas ho kayo diyan nang makita ko naman po kayo. Saka nasaan po ba tayo? Patay na ba ako?" Napatakip naman ako sa aking bibig at saka nagpalingon-lingon. "Oh gash! St. Peter? Ikaw po ba iyan! St. Peter naman, ayoko pang mamatay. Hindi ko pa po natatagpuan ang aking future hihi. Sorry, St. Peter kung maharot po ako hihi. Welcome po ba sa langit ang katulad kong maharot?" Para akong tanga habang nagsasalita mag-isa.

Hindi ko talaga makita kung sino ang nagsasalita, ni hindi ko nga matukoy kung saan ang pinaggalingan ng boses eh. Pero pamilyar…

"Bell—"

"Tawag na naman po kayo nang tawag, St. Peter eh! Natatakot na ako! Wala tayo sa palabas! Ano ba? Ano ba'ng kailangan para makapasok ako sa langit, ha? Luh, need po ba ng partner? O ka-couple? Luh, St. Peter wala po akong jowa eh hihi." Opo, nagmumukha na akong timang pero keri lang, wala namang nakakaalam.

Harot ko, buti wala si papa ko hihi.

" Bella, anak."

O_o

o_O

O_O

"PAPA?!" Napatalon talaga ako, beh! Akala ko ba si St. Peter iyon?

"Ako nga, anak…" Nakangiti ito at dahan-dahan akong nilapitan bago inihanda ang dalwang braso upang yakapin ako.

"Papa," sambit ko sa kaniyang pangalan at yumakap ng mahigpit na mahigpit sa ama ko.

Pero t-teka? Patay na ba ako?

"Miss na miss na kita, anak ko." Bigla akong lumayo ng bahagya kay papa na siyang ikinatawa nito. Eh?

"P-Patay na po ba ako, Papa? Nasa langit na ba ako? O panaginip lamang?" Nalilitong tanong ko at hindi mapigilan ang sariling hindi mag-alala sa isasagot ng ama.

"Comatose ka sa ngayon kung saan ang mundong ginagalawan mo, Bella. Ito na ang ikapitong araw na wala kang malay. Alam kong marami ka nang pinagdadaraan ngunit pakiusap, huwag mong gawing rason ang ina mo para sisihin siya. Dapat pa nga tayong magpasalamat dahil kinupkop niya tayo sa panahong iniwan tayo ng ina mo, si Kaiza—"

"Kaiza po? Nagpapatawa po ba kayo, Papa? Ibig bang sabihin nito, ang Kaiza'ng tinutukoy ni mama noon ay ang aking tunay na ina? Tama po ba?" Pinutol ko ang sasabihin ni papa nang marinig ang pangalang Kaiza.

"Siya nga, at ang dahilan din ng aking pagkamatay, Bella—"

"Ano po?!" Sa ilang beses na pagkakataon ay muli kong pinutol ang mga sasabihin ng ama.

"Narinig mo na ako. Sinadya niyang sagasaan ako. Sinadya niyang banggain ako upang madali ka niyang makuha mula kay Zymie. Nakita ko siya bago ako mawalan ng malay. Hindi ko na alam kung kinasuhan siya o ano. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ka na niyang kunin gayong ang tingin niya lamang sa iyo noon ay isang sumpa. Sumpang nagkaroon siya ng anak na babae." Huminto si papa at muling binukas ang mga braso upang yakapin ako. "Miss na kita, anak ko." Napaluha akong niyakap ang ama at dinadam ang bawat segundong lumilipas.

"Papa, naguguluhan ako," aniko.

"Okay lang iyan, anak. Payo ko lang, alagaan mo si mama Zymie mo, okay? Kung sakalaing magkita man kayo ng totoo mong ina, pakiusap, maging mabuti ka sa kaniya," payo ng aking ama habang nakayakap.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now