"I can see you now, Kelly," naiiyak kong sabi nang minulat ko ang aking mga mata at si Kelly agad ang aking nakita. It takes months bago ako nakakita.
Malabo pa sa una ngunit naging malinaw na rin ito. The doctors tried also the vision test and I passed after removing the eye shield.
"Congratulation, Bella!" sigaw niya sa tuwa at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
"Congratulation, Ms. Sarmiento. The operation succeeds and the result makes us genial. It only takes one and half months that you recovered because it usually takes three to six months before your vision will be clear and fine. You did a great fight!" pagbati ng doctor habang nililigpit na ang bendang nakatakip sa aking mga mata kani-kanina lamang.
"Maraming salamat po, Doc!" Galak na galak ang aking nararamdaman. Sa wakas may nakikita na rin ako. "Nga pala, Doc? Nakita niyo po ba ang aking ina? Kagabi pa po siya hindi umuuwi at magpahanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman ang presensiya ni mama." Tumingin-tingin ako sa paligid at baka mahagip ito ng bago kong mga mata ngunit wala ito ngunit hindi ko siya natagpuan.
"B-Bella…" Kinabahan ako nang sambitin ni Kelly ang pangalan ko sa garalgal na tono.
Ni maging doctor ay hindi kayang sagutin ang katangungan ko."B-Bakit, Kelly? Alam mo ba kung nasaan si mama? Siya dapat ang unang makasaksi nito eh! Look oh, I can see na!" malungkot ngunit natatawa na naiiyak kong sabi.
Hinawakan ko ang mga braso niya ngunit hindi siya sumagot bagkus nag-iiwas lamang ito ng tingin sa akin. Binalik kong muli ang atensiyon sa doktor at dalawang nars na kasama niya ngunit hindi rin nila ako magawang tingnan o sagutin man lamang.
"Ano?! Ayaw ninyo akong sagutin? Nasaan si mama!"
"She's not around, Bella," wala sa sariling tugon ni Kelly.
Si Kelly lang ang tanging kasama ko mula pa noong isang gabi sa bahay hanggang ngayon. Siya ang nagsilbi kong gabay habang wala si mama. May nilakad daw ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi.
"But, I am here, Isay…" Napalingon ako nang mayroong magsalita sa pintuan ng kuwarto. Sosyaling babae na sa tining ko ay nasa edad 35-43 lamang. Mestiza at sobrang ganda. Medyo kinulang sa height ngunit nadala lamang ng kaniyang platforms red sandal. Sino siya?
"Excuse me, kilala ka po ba namin? Maling room ata ang napasukan mo, ma'am," biglang naging mahinahon ang aking boses nang sumulpot ito bigla. Sino ba 'to?
"I am Kaiza Montealba Alcomendras, kung hindi mo pa ako kilala. Ang narinig ko lamang ay hinahanap mo ang ina mo, eksaktong kadadating ko." Kaiza? Pangalan iyon ng aking ina. Montealba? Apelyido ni Jay. Alcomendras? Apelyido ni Whyrhus. T-Teka, ano?
"Excuse us, madam," pasintabi ng doctor at nurses bago lumabas ng silid ko.
"K-Kaiza? I-Ibig sabihin—"
"Yes, I am your biological mother. Isay—"
Akma itong lalapitan ako ngunit napatigil siya nang sumenyas akong huwag siyang lumapit.
Naninikip ang dibdib ko sa biglaang paglitaw niya. Siya ba talaga ang tunay kong ina? Ngunit paano niya nalaman kung nasaan ako? Paano niya ako natagpuan? Ito ba ang rebelasyong sinasabi nila?Then bakit parang kakilala siya nina Jay at Whyrhus? Sa tagal na panahon kong gustong makilala si Kaiza ngunit ngayon lamang siya lumitaw. Ito rin ba ang sinasabi ni mama na lilitaw ang isang rebelasyon pagkatapos ng recovery ko?
"Anak…" pagsusumamong tinig nito.
"You are not my mom! You just abonded me! Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita! Hindi ikaw ang ina ko! Si mama Zymie lang!" Biglaang pagsisigaw ko.
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Fiksi Remaja"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...