"How's Bella?" blankong tanong ko sa kakambal kong umiinom na naman ng alak.
Narito kami sa mini bar ng bahay.
Matagal itong sumagot at uminom lamang nang uminom na tila ba ay walang naririnig. Alam ko kasing nagpunta siya sa hospital kanina.
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang binuka ang kaniyang bibig, "She can no longer see us. She's already blind, Jay…" wala sa sariling pagbibigkas at uminom na naman nang hindi tumitingin sa akin.
Halos mabuga ko naman lahat ng iniinom ko sa nabalitaan.
P-Paano?
"Was it true?" I asked confusedly.
"Sa tingin mo ay kaya kong magsinungaling? Kapatid natin ang nasa hospital at kapatid natin ang hindi na makakita! Tapos magsisinungaling pa ako? Ano ba ang gusto mong palabasin? Na purong kaainungalingan lang ang alam ko?" Sa tono ng kaniyang boses ay hindi ito nagmumukhang galit ngunit sobrang lamig niyon sa pandinig.
Napalunok ako ng laway, talaga bang bulag na si Bella? Talaga bang hindi na kami makikita pa ng kapatid ko?
"M-Maaari ba akong sumama sa inyo kapag bumisita kayong muli, Whyrhus?" Matigas akong tinapunan ng tingin ni Whyrhus at muli na namang uminom ng alak. "Hindi ako magsasalita, pinapangako ko," mabilis kong dagdag at tumango lamang siya.
"Kumusta ang pagtingin mo sa bunsong kapatid natin?" biglang tanong niya na nagpa-awkward ng aura sa espasyong ito.
Umiwas ako ng tingin at nagsalin ng alak bago ito nilagok.
Napatitig ako saglit sa aking baso bago siya binalingan.
"Hindi ako nandidiring minahal si Bella bilang siya. Ni minsan nga ay hindi sumagi sa isipan kong family stroke iyon matapos kong malaman ang totoo, Whyrhus. May iba kasi akong nararamdaman matapos malaman iyon, na para bang walang bahid ng katotohanan ang salitang kapatid natin siya," paliwanag ko. "T-Teka? Saan mo ba iyon nalaman?" takhang tanong ko.
"Mom. She said she was had a daughter but she abandoned her after mom gave birth to Bella," mabilis na tugon ni Whyrhus.
Napaawang naman ang aking labi at malalim na nag-iisip.
"Hindi ka ba nagtataka? Bella's birthday is April 10, 2004, iyon ang nalaman ko noong kami pa and she is now 17. Pinanganak naman tayo noong January 01, 2004, tatlong buwan na lang ay legal na tayo, while si Bella ay magiging legal pa lamang pitong buwan mula ngayon. Tatlong buwan lamang ang tanda natin sa kaniya, Whyrhus! Kaya paano natin siya nagiging kapatid?" Napatayo ako nang mapagtanto ang lahat.
Tama! Hindi namin kapatid si Bella.
Ngunit bakit iyon nasabi ni Mama?
"Does it mean, nagsisinungaling si mama Kaiza? Ngunit paano? Totoo bang kaarawan ni Bella iyan, Jay?" panigurado nito.
"Hindi ako maaaring magkamali, Whyrhus. Matagal-tagal ding panahon ang pinagsamahan namin ni Bella. Lahat na ata ng tungkol sa kaniya ay alam ko na maliban sa mga magulang niya sapagkat tago lamang ang relasyon naming dalawa. Maaari mo bang itago muna ang nalalaman mo? Maaari bang mananatili itong sekreto?" pakiusap ko sa kaniya na bahagya nito ikinatawa.
"Hindi ka ba naguguluhan? Kung si Bella ang totoong anak ni mama, ano tayo? Sino tayo, Jay?"
Napahinto ako sa tanong ni Whyrhus. Oo nga, 'no? Kung si Bella ang tunay na anak nito? Sino kami? Ngunit hindi naman siguro, 'di ba?
"Malabo, Whyrhus. Bakit nila pinaparamdam sa iyo ang karangyaan ng klase ng buhay kung hindi ka nila tunay na anak? Bakit hinahayaan ni Papa na ikaw ang magmana ng kaniyang kompanya? Bakit? Isa pa, bakit sobrang mahal ka ng mga magulang natin? O baka naman isang araw ay bigla-bigla na lang susulpot ang balitang baka hindi tayo magkakambal at ampon lamang ako…" nanlulumo kong sabi sa kaniya. "Paano kung hindi talaga tayo magkapatid?"
YOU ARE READING
The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]
Teen Fiction"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenarios are just only made of Author's imagination. Some names are from my readers, it will be a dedicatio...