Chapter 28

324 47 5
                                    

"Ano ba ang pumasok sa kukuti mo't mas pinili mo akong makakita, ha?" Naiinis ako. Matapos ang lahat ng parte ni tito Mike, Mrs. Marpe, Mama, at ng tunay kong ina na si mama Kaiza ay umalis na ito ng meeting room kasama na ang butler ni Jay.

Naiwan kaming tatlo nina Jay at Whyrhus.

"Simple, para makita mo ulit ang kakambal ko." Ano?

"Anong konek?" Napangiwi ako at tiningnan ang dahulong katabi ko pa rin hanggang ngayon.
"Isabella, I know Whyrhus and you have a denial feelings for each other. I have decided to donate my eyes to you just to see him again…" Mapait siyang ngumiti. "Panimula mo lamang ako ngunit hindi ang pangwakas."

"Enough, Jay! Pinapangunahan mo lahat!" Hinampas ni Whyrhus ang mesa at tumayo ito. "Wala akong nararamdaman para kay Bella!"

"Yes, you do have, twin! Natakot ka nga nang malaman ang bandang katotohanan na magkapatid tayong tatlo ni Bella. Simula pa lamang noong kami pa, alam kong gusto mo na siya kaya mo ako sinusumbong upang matuloy ang hiwalayan namin!"

"Whyrhus!" Akmang susuntukin ni Whyrhus ang kamabal nang pigilan ko siya. Inis nitong ibinaba ang kamao.

"Why not try to confess, Whyrhus?"

"He just confessed yesterday. Hindi ako bingi para hindi marinig ang dalawang kataga na binitawan mo kahapon."

"Since you heard it already then I wouldn't speak furthermore." Lalabas na sana siya nang hinawakan ko ang kamay nito.

I stared at him. Ngayon ko lamang napansin ang kulay ng kaniyang mga mata. Sobrang itim.
Ilang sandali kaming ganoon ang pustora. Tumitibok na rin ang puso ko. Hindi ko aakalaing magugustuhan ko rin kalaunan ang dahulong ito.

"Aherm! Kahit wala akong makita ay ramdam kong may nangyayari na sa inyo. Respeto, biro lang." Napalayo ako kay Whyrhus at binitawan sabay ang pagbitaw ko sa kamay nito ngunit muli niyang kinuha at mahigpit na hinawakan.

Pinandilatan ko siya ng mga mata at pilit na kinuha ang mga kamay ko ngunit napangisi lamang si Whyrhus.

"I will call my butler na lang." Bigla muling nagsalita si Jay at tinawag ang butler na nasa labas lamang ng pintuan.

"Sir Jay, dahan-dahan po." Inalalayan nito ang kaniyang amo at naptingin pa ito sa magkahawak-kamay namin ni Whyrhus.

"Let us leave here. Bigyan muna natin ng oras ang dalawang in denial sa isa't isa."

"Naku, sir Jay. In denial para sa'yo kasi wala kang makita pero para sa akin—ah basta!" singit pa nito at natawa na lamang silang lumabas ng meeting room. Habang ako? Nakanganga at gulat na gulat pa rin.

"Decision niya na talaga iyon nang malaman niyang nabulag ka. Hindi niya lang ibinahagi sa akin ang totoo. Kaya pala ang weird niya sa tuwing magkakasama kami. Alam mo ba? Naikuwento niya sa akin noong araw napumunta kami sa inyo. He said, ngayong nalaman na niya ang lahat kasama ako, oras na naman upang bigyan ka niya ng regalo. Special ka para sa kapatid ko, Bella. He still loves you but he sacrificed kasi nakikita niyang hindi na siya," malungkot na sabi sa akin ni Whyrhus at binitawan ang kamay ko bago siya umupo. "My twin is a fighter. He is very independent. He is benevolent that anything can makes everyone happy though it will be the pain for him, he will never doubt to do it."

"Bakit siya ganiyan?"

"Siguro, mabuti lang talaga siya, Bella. Alam mo ba? Kamakailan niya lang naramdaman na may pamilya siya, na may ina, ama, at kapatid si Jay. Malayo ang loob namin sa kaniya ngunit kahit ganoon ay hindi lumayo ang loob niya sa amin. Minahal niya pa rin kami, Bella." Kirot sa aking puso ang idinulot nito sa akin. "Isang araw nagulat na lamang kami sa desisyon niya. Handa niyang isakripisyo ang sarili niya para sa kasiyahan ng mga mahal niya sa buhay. Una, si tita Zymie talaga ang dapat maging donor mo ngunit nagmatigas ang kambal ko."

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now