Concert starts at 5PM pero 3PM pa lang, nasa venue na ako. Excited much? Of course naman! VIP ticket yan so earlier, mas malapit sa stage. I wanna have some interactions with the artists. Sacrifice lang muna ng dinner, makakakain pa rin naman ako after the concert. It's worth it din naman!
Nakakangalay na since 3 hours na akong nakatayo. Nasa barricade ako kaya at least may makakapitan. Ayokong lumingon sa likod kasi medyo may tulakan nang nangyayari. Sigurado akong madami nang tao. Yaman talaga, madaming nakaka-afford ng VIP ticket.
Waiting for the next artist, Itchyworms!
While waiting, something caught my eye. A guy who was tall and he was protecting his girlfriend by guarding her since nasa barricade din sila. Super sweet, right? And I also thought it was cute. Until, of course, I looked at the guy's face. It was Vince.
After 7+ years talaga, Lord, ngayon mo ipapakita sa akin si Vince? Tapos kasama pa yung girlfriend niya? Tapos super sweet pa? Thank You po. Kaya nga nanatili akong single for 7 years kasi baka ipagtagpo kami ulit ni Vince. I mean, I did expect it to go either bad or good but I was leaning too much sa good. Aaaaaaaaaand that's why it hurts right now. Ilang segundo lang naman akong nakatingin sa kanila pero super sakit na ng puso ko— physically and emotionally.
I tried avoiding looking at their direction. I am trying so hard to focus on the concert. Sa wakas, Itchyworms is starting their set na!
I sang along with all the songs and tried to push back hurtful sceneries. Until,
"Sino dito ang mga abangers?" sigaw ni Jugs.
Sumabay ako sa malakas na hiyaw ng mga tao. Ako yun! Syempre, pitong taon na naghintay sa taong may minamahal na ngayon. Leche!
"This is our last song for our set and para to sa mga humihiling pa rin na 'Akin Ka Na Lang'"
Sinimulan na nila ang kanta and I sang to every word like it was a graded recitation with passion and feelings.
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Pakiusap, bumalik ka na sa akin. Akin ka nalang. Tayo nalang sana ulit.Iingatan ko ang puso mo
Mamahalin kita nang higit pa sa inaasahan mo. Bibigyan ng walang-katapusang pag-aaruga.Akin ka na lang (akin ka na lang)
Ang gusto ko lamang sa buhay ay makapiling ka habangbuhay. Tumanda na kasama ka.Wala nang hihigit pa sa 'yo
Wala talaga, as in wala. Lamang ka sa lahat, wala nang iba.Natapos ang kanta na halos maiyak-iyak ako. With feelings kasi talaga. Parang music video lang, no? Ako yung bida tapos andun sila sa kabila. Di na ako tumitingin dun kaya di ko na alam anong ka-sweetan ang ginagawa nila.
Wow talaga. Ang saya sa VIP as in very in pain. Jusko.
Let's try to enjoy the concert and wait for the main event— Parokya ni Edgar!
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.