"Uy. Galingan mo ha?"
Sabi ko kay Klay habang pinupunasan ang pawis sa mukha nya. Andito kami sa activity hall ng isang mall. May big event kasi si Klay eh. Korean fest or Kfest nga pala ngayon. Naikwento ko na ang passion ni Klay sa pagsasayaw, dba? Magpeperform sya kasama ang groupmates nya ngayon. Syempre, Korea ang theme kaya KPOP songs yung sasayawan nila.
Ganyan yung distansya namin. Ako yung pula, sya yung bughaw. Kasama nya kasi yung mga barkada nya. Ayoko rin namang maging feeling close kaya napagpasyahan ko na umupo nalang ng medyo malayo sa kanya. Total, nakikita ko pa rin naman sya.
Hinahanda ko na ang sarili ko. Hindi lang para sa performance ni Klay kundi para rin sa pagkikita namin ng ex ni Klay. KPOP fangirl din yun tapos sumasayaw din kaya alam kong pupunta rin sya sa event na 'to.
Habang naghahanda sila Klay ay nakikinig lang ako ng mga kanta. Ganun lang ako habang naghihintay na magsimula ang event. Patingin-tingin kay Klay. Actually, kinakabahan din ako para sa performance nya mamaya pero I know gagalingan nya talaga. He always gives his best and his all.
Habang masayang nakikipag-usap si Klay sa mga barkada nya ay may pamilyar akong mukhang nakita. Unti-unti syang lumapit sa likod ni Klay at nilagay ang kanyang mga forearm sa magkabilang balikat ni Klay. Napatingin naman agad si Klay sa likuran nya at nabigla. He hurriedly shook off her ex's forearms from his shoulders.
Ako rin naman ay biglang-bigla. Iisipin nyo na "jealousy" lang yan. Dati, akala ko rin na jealousy yung pakiramdam na ganito kaso may nabasa ako.
Masasabi ko na hindi ako "jealous". Territorial ako. I mean, Klay is clearly mine and his ex is clearly out of the picture now. Wala akong maisip na acceptable reason na gawin yun ng isang ex sa ex nya habang nasa paligid lang ang present nya. Aaminin ko, uminit ang ulo ko. Para sa akin, sign of disrespect yun. Who, in their proper mind, would be touchy with their ex while their ex's present partner is around? I know right! Mainit talaga ang ulo ko sa ginawa nya.
Blocked sa Facebook at hindi kino-contact. Ano pa bang ibang signs ang kelangan ng isang tao para malaman nyang iniiwasan sya ng isang tao? I really thought that blocking and stopping the communication were enough for someone to understand na hindi na sila tulad ng dati.
Dahil dun, medyo nasira ang araw ko pero hindi naman tuluyang nasira. Hinintay ko talaga ang performance nila Klay kahit gabi na. Sabi nga nila, save the best for last. Sila Klay ang huling nagperform at ako naman ay nasa supportive girlfriend mode na. Sigaw dito, sigaw doon. Walang kapaguran na pagchi-cheer para sa Klay KO <3 Kapag si Klay naman ay may solo parts ay tinuturo nya ako at tumitingin sya sa akin. Nakakakilig! Ramdam na ramdam ko uli ang pamumula ng mga pisngi ko! Kaya naman pala sinabihan nya akong "Wag kang aalis sa kinauupuan mo kapag performance namin ha? Doon ka lang umupo :)" Ang sweet, dba?
Nang matapos ang pagpeperform nila at nabasag ang vocal chords ko sa kakasigaw ay pinuntahan ko agad si Klay sa back stage. Supportive girlfriend mode on pa rin ako. Nagdala ng tubig tapos punas sa pawis nya. Wala akong pakialam kahit magmukha akong yaya sa paningin ng iba. Ang importante, hindi magkasakit ang Klay KO <3
Klay: Kamusta performance namin? Okay ba?
Sylv: Okay na okay!
Sabi ko sabay sandaling yakap sa kanya. Eeeeeeeee! Ako na talaga ang pinakaswerteng dyosa sa lahat!
Klay: Uy! Pawis pa ako, wag mo muna akong yakapin.
Natatawang sabi ni Klay.
Sylv: Okay lang. Lakompake. Klay, ---
"UYYY! Picture daw tayo sabi ni *ex ni Klay* Tara tara tara!"
Naks! Saya na sana namin. May moment na kami tapos ganito na naman? Kainis! Nakakaasar! Ano bang problema nitong babaeng to? Hinayaan ko nalang si Klay na mag-group picture kasama yung ex niyang ewan. At least, masyadong malayo sila sa isa't-isa. Pinakalma ko muna ang sarili ko at bumalik sa kinauupuan ko.
Pinuntahan naman agad ako ni Klay sa upuan ko pagkatapos ng picture taking nila.
Klay: Uy, okay ka lang?
Sylv: Okay lang.
Sinungaling ko talaga.
Klay: Sigurado ka?
Sylv: Arrrghhhh! Bakit ba touchy yung ex mo sayo? Nakita ko yung kanina ha! Wag mong ideny! Mamatapos buhay mo ngayon!
Klay: Sabi na nga ba. Hindi nga okay. Sylv, iniwasan ko naman agad nung nakita kong sya yun, dba? Nakita mo rin yun, dba? Sorry na~
Sylv: Tss. BUTI NALANG TALAGA NA NAKITA KO YUN! Aish!
Nagdabog ko at umiwas ng tingin kay Klay.
Klay: Ang cuuuuuute naman ng Sylvia KO kung magtampo!
Namula nalang ako sa sinabi nya. Pinatawad ko naman sya agad at nabalik naman yung masaya kong mood.
What a night! Napagod ako sa kakasigaw at kakacheer sa Klay KO pero worth it naman lahat eh. Nakakaproud talaga si Klay. Sobra. Can I just say na I'm the proudest almost-girlfriend in the world? You did well, Klay <3
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.