Pagkatanga at Pagsisisi

461 11 3
                                    

I regret how we ended but I don't regret what we had.

Eto na naman ako! Inilalabas ang pagkatanga ko sa pag-ibig! Akalain mo, binitawan ko na naman ang taong lubos na nagmahal, nag-alaga, at nagsakripisyo para sa akin! Sino na nga ba ulit ang tanga? Sagot!

Wala pang isang linggo nung napagdesisyunan kong magpakatanga at magpakabobo na makipaghiwalay sa taong nagpahalaga sa akin ng todo. Seriously, pinagsisisihan ko na agad! Alam mo kung bakit? Kasi wala namang ginawa na malaking kasalanan si Klay para madeserve nya yung ganitong desisyon ko. Dahil lang sa nagpadala ako sa emosyon ko at hindi nag-isip nang maigi. Syempre, kasali na dun ang katotohanang mataas ang pride ko - hindi ako nakikipagbalikan sa mga ex ko. Walang halong biro, hindi ko talaga binabalikan ang mga ex ko kaya I'm trying so hard to stay strong.

Minsan nga napapa-open ako sa inbox ko, tila nag-eexpect na magtetext sa akin ng good morning text si Klay. Pero wala talaga akong natatanggap. Minsan na nga lang nagtetext si Klay sa akin. Meron na kaya syang bagong crush or worse, girlfriend? Syet! Di ko pa yata kayang makita si Klay na may kasamang ibang babae T^T 

"Kung hindi mo kaya, bakit mo binitawan?"

Tanong ng konsensya ko.

"Tanga nga kasi, diba? Ako na nga kasi si tanga, diba?"

Sagot ko naman sa konsensya ko.

Habang ang puso ko ay nagdurusa ay patuloy akong nakikipagcommunicate kay Klay. Bakit? Dalawa lang ang dahilan. Una, para masigurado kong di nun maiisip na sirain ang buhay nya dahil lang sa isang tangang tao tulad ko. Pangalawa, para malaman ko kung may bago na sya. Kaya ko kaya kapag sinabi ni Klay na may bago na syang crush? Ewan ko. Ayan! Magpakatanga ka pa! Dyan ka naman magaling, diba?

Di ko mapigilang mapaisip sa mga happy moments namin ni Klay kapag hindi siya nagtetext. Wala akong ibang magawa eh. Tapos na rin ang OJT ko kaya nakatanga lang ako sa bahay ngayon. Eto namang utak at puso ko, sobrang cooperative sa pagmomove on ko, walang ibang magawa kundi isipin si Klay nang paulit-ulit-ulit-ulit!

Napangiti ako sa isang memory na na naalala ko.

--Flashback--

Last look na sa mirror bago ko puntahan si Klay sa labas ng bahay. Okay ba ang suot ko? Naks! Minsan lang akong pumorma, kapag feel ko lang. Bakit ko feel ngayon? Kasi first Valentines namin ni Klay together - February 14, 2015. 

Sinigurado ko nang maigi na magiging memorable kay Klay ang first Valentines namin together. Ako ang nagplano mula sa venue, regalo, outfit, route, at lahat na! 

I took one deep breath bago pinuntahan si Klay sa garage. Naks! May garage! XD

"Tara na?"

Sabi ko kay Klay kasi excited na akong makita ang reaction nya sa Valentines surprise ko! 

"Teka lang! Pwedeng i-appreciate muna ang outfit mo? Definitely 1000000/10."

Sabay bigay ng little heart sa akin at ngiting nakamamatay.

Sabay bigay ng little heart sa akin at ngiting nakamamatay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[On-going] Ako na si TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon