August 27, 2014 3:47PM
"Umuwi ka agad after classes"
Text ni Mommy sa akin. Nabigla ako. May kasalanan ba akong nagawa? Bakit kelangan to? O baka nalaman na nilang may something sa amin ni Klay. Oo, sinasabi kong hinahatid ako ni Klay sa bahay pero hanggang gate lang sya. Hindi naman sya nakikita ng parents ko. Ayaw ko muna kasi syang ipakilala sa parents ko kasi 3 months and a half pa lang nung last breakup ko sa ex-MU ko. Hindi ko pa nga sila nasasabihan nun.
Habang papauwi ako, andaming nasa utak ko. May kasalanan ba ako? Ano bang pag-uusapan namin mamaya? Sobrang daming tanong ang nasa isip ko pero wala akong sagot kahit sa isang tanong. Sobrang kaba ang nadarama ko habang naglalakad ako patungo sa gate namin.
Nang makapasok na ako ng bahay ay naghihintay na ang Mommy ko sa sala.
"Ano to?"
Galit nyang tanong sa akin habang pinapakita sa akin ang mga screenshot ng mga post ni Klay sa wall ko. Hindi naman sobrang cheesy pero kapag nabasa mo, alam mong merong something. Ngunit pinakita ni Mommy ang screenshot na akala ko'y di nya makikita. Simula pa lang ay pinagsabihan ko na si Klay na iblock sa Facebook ang Mommy at Papa ko kaya di ko maintindihan kung paano nya nakita ang litratong iyon. Profile picture yun ni Klay sa Facebook, kaming dalawa na ngiting-ngiti. Wala namang espesyal or cheesy sa picture pero mase-sense mo na may something.
Kinabahan ako. Wala akong maisagot. Nagkakarambola ang utak ko ngayon. Sobrang lakas ng heartbeat ko, nakakalunod sa sobrang lakas.
"Picture namin ni Klay."
Stupida kong sagot. Obvious naman na picture namin. Bakit ba ito ang sinagot ko?
"Sino itong Klay sa buhay mo? Bakit may selfie kayo? Bakit may papost-post pa syang nalalaman?"
Ugghh! Pwede bang lamunin nalang ako ng lupa? Grabe. Takot na takot ako sa Mommy ko. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya at alam na alam kong sobrang sama nyang magalit.
"Barkada ko lang yan. Pampaselos sa ex nya kasi kinukulit pa sya. Ginagamit nya lang naman ako. Walang malisya."
Pagsisinungaling ko. Di ko alam kung makakalusot itong kasinungalingan ko. Pero sana nga. Nararamdaman kong ayaw ni Mommy kay Klay pero ayaw ko na ring magtanong kasi baka mahalata nyang gawa-gawa ko lang ang lahat. Inobserbahan ko ang facial expression nya. Medyo lumambot na.
"Siguraduhin mo yan ha? Ayoko kay Klay. Nakita kong may shinare syang post about sex. Lumayo ka sa kanya."
Sabi ni Mommy at pinabihis na ako sa aking kwarto. Lumabas din ang dahilan kung bakit ayaw nila kay Klay. Grabe. Ang galing namang magstalk nila Mommy para makita nila yun. Nagbabackground check talaga sila sa mga lalaking maaaring umaaligid sa akin.
Pero paano nato? Ayaw ng parents ko kay Klay tapos nagsinungaling pa akong wala lang yun. Jusko. Itatago ba namin ang relasyon namin? Seems like it's the most rational decision in this situation. Nagmadali akong itext si Klay. Habang nagtatype ako ay nanginginig pa ang mga daliri ko. Kabado ako at di ko alam ang gagawin.
Sylv: Klay, may bad news ako.
Klay: Ha? Ano yun? Kinakabahan ako ah.
Sylv: Nalaman ni Mommy at Papa ang tungkol sa atin kaso dineny ko. I need to. Sobrang bad shot ka sa kanila. Alam mo kung bakit?
Klay: Naku naman! Ano bang nagawa ko? Handa na sana akong official na manligaw sayo tapos ganito? Bakit ba? Anong nagawa kong ikina-bad shot ko?
Sylv: Nagshare ka daw ng post sa Facebook about sex. Nagstalk sila sa profile mo. Di ko alam kung kaninong account ang gamit nila. Klay, paano na to?
Klay: Shit! Shit! Shit! Hindi ko na nga naaalala yung post na yun! Bakit ko pa ba yun shinare? Kakainis naman oh! Na-bad shot pa tuloy ako! Ang tanga-tanga ko talaga! Anong desisyon mo? Anong gusto mo, Sylv?
Sylv: Aaminin ko Klay, takot na takot ako sa Mommy ko pero takot din akong mawala ka sa akin. Sa bawat araw na nakakasama kita, lalo akong naiinlove sayo. Para sa akin, mas mabuti na itago muna natin ang relasyon natin. Besides, labels are useless without the feelings, right? Alam kong may hope pa tayo. Balang-araw, makikilala mo ang parents ko.
Klay: Slyv, salamat. Umiiyak ako ngayon habang naghihintay ng reply mo at lalo akong napaiyak nung nabasa ko ang message me. Hindi ko naisip na pipiliin mong magstay tayo. Oo, Sylv. Kakayanin kong maghintay at magtago muna hanggang sa tanggapin na nila ako.
Aaminin ko, hindi ako sanay sa isang tagong relasyon. Kapag may manliligaw ako, ipapakilala ko sa parents ko at dun ko sasagutin sa bahay. I really don't know if I can handle this well. Pero kung para kay Klay, kakayanin ko. Total, it's only a bad day, not a bad life.
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.