Summer last year ay busy kami ni Klay. Ngayong summer, busy din naman kami ni Klay. Napagdesisyunan ni Klay na magsummer job sa isang sikat na fastfood restaurant (Clue: Si Kris Aquino ang endorser XD) at si ako naman ay nag-ojt para sa scholarship ko.
We worked at the same mall. Lucky enough na same lang talaga ang mall na pinagtatrabahuan namin :) Pero...
Tulad ng ibang istorya, may katapusan ang kwento namin ni Klay. Sa buwan ng Mayo, sa taon ng 2016 ay dumating sa utak ko ang matagal ko nang iniiwasang ideya.
"Pagod na ako."
Sabi ko kay Klay. Always reminder nga ni Mommy, dapat na sagutin ang manliligaw sa bahay. Ngayon, tinatapos ko na ang relasyon namin ni Klay dito rin sa bahay. Alam kong parang happy ending ang relasyon namin ni Klay. Halos lahat ng nababasa nyo dito ay happy and kilig moments namin. You would never see this coming.
Pero minsan talaga, nag-aaway kami tulad ng ibang magnobyo at nobya. Minsan, medyo masasakit na mga salita ang nasasabi ko sa kanya. Oo, si Klay ang matiisin sa relasyon namin. Si Klay ang persistent sa relasyon namin. Madalas kong sinasabi na gusto ko nang sumuko, na hindi ko na kaya pero kinakaya nya pa rin. Sya ang glue sa relasyon namin habang si ako naman ang mahinang foundation na madaling sumuko dahil sa mga away.
Parang nabingi si Klay sa sinabi ko. Gulat na gulat sya kasi sino ba naman ang hindi magugulat kapag nakipagbreak sayo ang ka-partner mo nang bigla-bigla? Wala man lang fade down ng feelings, wala man lang cool-off, diretso break-up.
"Seryoso ka ba, Sylv? C'mon. Wag ka namang magjoke ng ganyan. Hindi nakakatawa."
Nahahalata ko na sa boses ni Klay na gusto nya nang umiyak, na gusto nyang marining mula sa mga labi ko na joke lang ang mga salitang binitawan ko. Hindi ko naman matignan si Klay sa mga mata kasi nagiguilty ako ng todo. Sa dinami-dami ng ginawa at mga sakripisyo nya sa relasyon namin, ako pa ang may gana na mapagod.
"Sorry, Klay. Alam ko biglang-bigla ka pero pagod na talaga ako. I'm not built for long-term relationships kasi nga madali akong magsawa at mapagod."
Totoo rin naman ang sinabi ko. Walang nagtatagal sa akin kasi madali akong mapagod sa paulit-ulit na away at bangayan. Pero nakakapagod naman talaga ang paulit-ulit na away, tampuhan, bangayan, at apologies.
Klay: Sylv, please. Wag ganito. Please, Sylv. Di ko kaya.
Sylv: Klay, di ko na talaga kaya. Pagod na ako sa lahat.
Klay: Sylv, magbabago ako. Ano bang kailangan kong baguhin sa sarili ko? Sabihin mo. Gagawin ko. Wag ka lang mawala sa akin, Sylv.
Sylv: Ilang beses mo na bang sinabi yan, Klay? Magbabago ka tapos hindi naman magtatagal. Don't you think it's too late, Klay?
Klay: Please, please, please, Sylv. Last chance, please.
Panay na ang tulo ng mga luha ni Klay. Hindi ko na ring mapigilan ang mapaiyak. Hindi porke't pagod na ako ay di ko na mahal si Klay. Importante si Klay sa buhay ko, mahal ko sya pero mahal ko rin ang sarili ko. Hindi naman pwede na palagi nalang akong nasasaktan, umiiyak, at napupuno ng galit.
Sylv: Bibigyan kita ng last chance kung mabibilang mo kung ilang beses ka nang humingi ng last chance sa akin, Klay.
Napatigil si Klay sa pag-iyak at napatahimik. Bigla syang yumuko at napahagulhol uli. Alam nya naman sa sarili nya na hindi na mabilang kung ilang last chance ang naibigay ko sa kanya sa loob ng 21 months. Napaiyak na rin ako nang bumaha sa utak ko ang mga gabi na halos hindi ako makahinga dahil sa kakaiyak, mga gabi na nasasaktan ko ang sarili ko dahil sa sobrang galit. Lahat yun ay nag-ipon sa puso ko at naging dahilan para sumabog ako.
Klay: Sylv, hindi ka ba nasasayangan sa mga happy moments natin? Isipin mo naman ang mga happy moments natin. Mas matimbang naman ang happy moments natin kesa sa mga away natin, diba?
Tama naman si Klay, mas madami naman talaga kaming moments na masaya at nagtatawanan kumpara sa mga moments na mga away at galit. Pero hindi ko alam kung bakit, para sa akin ay mas mabigat ang mga away at galit namin kesa sa mga kasiyahang naranasan namin.
Sylv: Klay, sa totoo lang, mas mabigat ang mga away natin. Sobrang tumatak ang mga yun sa utak at puso ko. Hindi ka man lang nakabawi sa mga yun. Napaasa ako sa mga false hopes na binitawan mo. Masakit, Klay. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa paghihiwalay natin, ako rin naman. Please, Klay, palayain mo na ako. Please.
Klay: No, no, no, no, no, no, no! Hindi ako bibitaw sayo, Sylv. Hindi ko kaya.
Panay ang iling at iyak ni Klay. Ako rin naman ay panay ang iyak. Nakakaawa si Klay tignan pero naaawa rin naman ako sa sarili ko na tila nabubugbog sa relasyon namin.
Slyv: Klay, please. Wag nating pahirapan ang mga sarili natin. You need your freedom too. Unhealthy na ang influence ko sayo emotionally. Please, Klay. Classmate pa rin naman tayo sa pasukan. Magkagrupo pa rin tayo sa thesis.
Sincere na akong nakikipag-usap kay Klay. Ayokong madepress sya pagkatapos naming magbreak. Gusto kong iassure sa kanya na hindi matatapos ang friendship namin dahil dito. Pero kung gusto nyang tapusin ang friendship namin tulad ng nangyari sa amin ni Mr. Perfect, wala akong magagawa.
Klay: Sylv, please. Wag mo akong iwan, please.
Tila walang narinig si Klay sa mga sinabi ko sa kanya. Nakaluhod na sya ngayon, nagmamakaawa na hindi ko iwanan. Napaluhod na rin ako at napaiyak ng todo. Ayoko na talagang umiyak ng umiyak kada gabi. Masakit sa damdamin.
Sylv: Please, please, please, Klay. Set me free. Give me the freedom I deserve and need. Please.
Nabigla si Klay sa pagluhod ko. First time nyang nakita na sa sobrang pagmamakaawa ko ay lumuhod na ako.
Klay: Sylv, please tumayo ka. Ayokong nakikita kang ganyan.
Pero hindi ako tumayo. Tahimik lang si Klay habang iyak ako ng iyak.
Klay: Papayag na ako pero ipangako mong hindi ka magpapaligaw sa iba.
Sylv: Pangako. Hindi naman ako nakipagbreak para magpaligaw sa iba.
Halatang-halata pa rin sa mukha ni Klay na hindi nya gusto ang mga binibitawan nyang salita. Alam kong napipilitan lang sya.
Klay: Liligawan kita uli kapag alam kong may kakayahan na akong mabawi uli ang puso mo.
Sylv: Klay, alam mo namang hindi ko na binabalikan ang mga ex ko, diba? Alam mo yan sa simula pa lang.
Napatahimik lang si Klay. Nagpunas ng kanyang mga luha at sumubok din na punasan ang mga luha ko pero umiwas ako. Inayos nya muna ang sarili nya bago nagsalita muli.
Klay: Basta, wag kang magpapaligaw sa iba.
Sylv: Promise.
And with that said, umalis na si Klay sa bahay na sobrang lungkot. Siguro, okay na rin to kasi dahan na dahan nang nagiging toxic ang relasyon namin.
Ano kayang naghihintay sa amin sa pasukan? Awkward naman atang maging thesis groupmate ang ex mo.
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.