Thank God for the new curriculum that didn't require us to have summer classes! At least diba, may dalawang buwan kami para magpahinga. Or at least, that's what we thought.
Hindi nga pala ako makapahinga kasi bantay bata 163 mode ako sa dalawa kong kapatid na 4 years old at 1 year old. Since nasa Dubai ang Papa ko, ako ang tumatayong substitute nya dito sa bahay. Kailangan kong tulungan ang Mommy ko sa gawaing bahay at bantayan ang mga kapatid ko. Kaya ayun, everyday pagod. It's hard to keep up with children's energy.
Hindi nga lang pala ako ang hindi makakarelax ngayong summer. Pati si Klay, busy din. Pinili nyang magkaroon ng summer job para daw may ipon sya. Ano kayang pinag-iipunan nun? Anyways, conductor nga pala sya ng jeep. Weird no? Sa lahat ng pwedeng summer jobs, pagiging conductor ang pinili nya. Worse, during summer pa! Sobrang tindi ng sikat ng araw! In-offer daw ng Tito nya yung trabaho. At least, sa front seat sya nakaupo kaya di msyadong uncomfortable.
Since busy nga kaming dalawa, madalang nalang kaming nakakatext sa isa't-isa. During breakfast, lunch, dinner, and 7pm onwards. Pero healthy naman din to para sa relationship namin, diba? At least, namimiss namin ang isa't-isa. Hindi yung panay kami ng kita. Ang OA no? Miss namin agad ang isa't-isa. Di bale na, ganito talaga siguro kapag natamaan ka ng kabaliwan.
Dahil nga sa madalang na lamang ang aming communication, minsan, napa-paranoia ako. Syempre, kapag conductor ang isang tao, madaming makikitang tao kada araw. Lalo na't ang route ng jeep na "pinagtatrabahuan" ni Klay eh dumadaan sa tatlong mall. Syempre, malaki talaga ang posibilidad na may makita syang magaganda at mga sexy sa mga mall. Eh si ako, walang laban sa mga sexy at maganda dyan sa mga mall. Isa po kasi akong patatas.
Seryoso, nakakaparanoid. Pero pinagkakatiwalaan ko naman si Klay, lagi nya namang sinasabi sa akin na hindi sya mangangaliwa or hindi nya kayang tumingin sa ibang babae. Although alam kong medyo imposible yung latter part pero naniniwala pa rin ako. Kasi nga, sa pag-ibig diba, kailangan ang tiwala na may halong katangahan.
It was just a typical day at binabantayan ko lang ang mga kapatid kong naglalaro sa sala nang may...
"Tao po~"
Napalundag ako mula sa aking kinauupuan, pamilyar na boses. Pero sabi nya kanina sa good morning text nya na papaalis na sya para sabayan ang Tito nya. Imposibleng si Klay ang nasa gate ngayon. Baka nga illusion ko lang kasi miss ko na sya. Pumunta na lamang ako sa pintuan para masilip kung kanino nanggaling ang boses na narinig ko.
Nandilat ang aking mga mata at bumilis ang tibok ng aking puso. Si Klay. Si Klay!!!!! Bakit ba sya nandito? Bakit may dala syang bouquet? Bakit may dala syang cellophane na may label ng isang sikat na fastfood chain? Clue: Langhap sarap!
Dali-dali akong lumabas at pinagbuksan ng gate si Klay. Halata namang di ako nakapaghanda kasi sobrang gulo pa ng buhok ko.
"Anong ginagawa mo dito? Nagpasabi ka sana para at least, nakapaghanda ako."
Sabi ko kay Klay na nagpapakita na naman ng kanyang killer smile. Halatang masaya kasi halatang sobrang nasorpresa ako sa ginawa nya. Nevertheless, nagtanong pa rin sya.
"Nasorpresa ko ba ang prinsesa ko?"
Si ako naman ay kinilig pero hindi ko naman pinahalata kasi nga barako ako. Bwahahaha!
"Prinsesa? Sinong prinsesa ang pinagsasabi mo?"
Pagdedeny ko kahit medyo nagustuhan ko naman ang pagtawag sa akin ni Klay ng 'prinsesa'. Pero ayoko talagang tinatawag ako ng prinsesa. Awkward. Mas fit sa akin na tawaging 'warrior'.
Napatawa naman si Klay sa reply ko at binigay sa akin ang bouquet na halatang sya ang nag-arrange. Oo nga pala, nakaranas na ng madaming trabaho si Klay kasi nga masipag sya. From kargador to sari-sari store co-owner to wedding events arranger to service crew in Langhap sarap to conductor. Grabe, sya na ang tadtad ng work experience!
Dahil nga sa naexperience nyang masali sa isang team na nag-aarrange ng wedding and wedding reception venues, medyo may skills din sya sa flower arrangement at kitang-kita naman dito sa hinahawakan ko ngayon. Isa akong warrior na may dalang bouquet of roses.
Pinapasok ko naman sya sa sala at sabay na napatawag at napayakap ang mga kapatid ko kay Klay. Oo, close na si Klay sa dalawa kong kapatid. To the point na hinahanap na sya ng mga kapatid ko paminsan-minsan.
Binuksan na ni Klay ang laman ng cellophane at pinagsaluhan namin. Panay naman ang kwentuhan at tawanan namin. Kinausap na rin ni Klay si Mommy. Mahigit dalawang oras ding nagstay sa bahay si Klay hanggang sa nagpaalam na syang aalis dahil may gagawin pa sa bahay nila.
Shet! Sana hindi sya patungo sa kabit nya! T^T T^T
Sabi ng utak kong paranoid. Pero madali ko namang nabura ang ideyang iyon sa utak ko dahil sinagot agad ako ni Klay.
"Wag kang mag-alala. Uuwi na talaga ako. Kahit kabitan mo pa ako ng camera at GPS locator. Mahal kita, Sylv."
Hindi ko talaga alam kung bakit tila nababasa ni Klay ang mga iniisip ko. Hindi kaya, may superpower si Klay? Naks naman! Ang wild talaga ng imagination ko! Pero ngayon pa lang nagsisink-in sa akin ang last sentence ni Klay. Uy! Ily daw! Sheeetttttttttttttttttttttt! Wait lang di ko kinaya! Aaminin ko, medyo matagal na kami ni Klay (7 months!) pero kinikilig pa rin ako sa mga hirit nya eh! Di ko rin alam kung bakit. He's definitely an amazing man. A one in a million!
"Mahal din kita, Klay. Ingat ka!"
--AUTHOR'S NOTE--
Pasensya na po kung matagal nakaupdate! Nabusy po kasi sa OJT at Thesis T^T Nabasa nyo na po ba ang "The Meeting"? Yung special chapter ko po tungkol sa meeting ni Klay with Sylv's Mommy. Kung hindi myo pa po nababasa (at nakikita sa Table of Contents), dahil po yan sa visibility ng special chapter ko, ang "The Meeting" po ay makikita at mababasa lang po ng mga followers ko.
Kung nabitin po kayo sa "Tamang Panahon", mas mabuti po kung mababasa nyo ang "The Meeting". Again, maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa Ako na si TANGA. God bless po!
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.